NUMBER 1 FIRST

6.8K 252 13
                                    

Light moments na muna tayo para masaya. Hahaha.




CHAPTER 19



SA OFFICE 


It's been 3 days since Althea and I had the talk. It's been 3 days since I've given her a chance. And she stayed with me that day, dahil gusto niya raw akong alagaan. Wala namang tigil ang pagtetext namin sa mga sumunod na araw. Bumalik din ang pagiging sweet namin sa isa't isa. She made me feel so loved, kaya mas nakakaya kong maniwala na magiging okay din ang lahat balang araw.


Pumasok ako ng maaga ngayon dahil marami akong hahabuling trabaho. Sabi ni Althea nung una ay next week na ako pumasok dahil Friday naman na ngayon at wala ulit pasok ng Sabado at Linggo, pero binawa niya rin ito nung pumayag ako dahil namimiss na daw niya ako sa office.

Even though I was too busy working, narinig kong bumukas ang pinto ng office. Tinignan ko kung sino ang pumasok, at hindi ko napigilang ngumiti ng malapad nung makita siya.

"Goodmorning, Ms. Guevarra." Nanunukso kong bati sa kanya.

Nasa may pinto parin siya at mukhang walang balak pumasok. Tumayo ako at binalak ko na ako na ang lumapit, pero ikinagulat ko naman nung mabilis siyang tumakbo papunta sa pwesto ko. Niyakap niya ako bigla kaya muntik na kaming tumumba. Buti nalang ay napahawak ako sa table. Then I hugged her back, still with a huge smile on my face.

"Sobrang namiss kita, lablab ko." She said. Hinigpitan niya pa ang yakap niya and then she let go after a few seconds.

"Grabe ka naman, lab. You saw me like 3 days ago lang." Natatawa kong sagot.

"Eeehh. 3 days parin un, lablab. Matagal na un para sakin. Wag ka na ulit magkakasakit ha. Bawal ka na mag-leave. Bawal ka narin mag-absent. Masyado kitang namimiss eh." Makulit na lambing nito.

"Edi alagaan mo akong mabuti, para hindi na ako magkasakit." Biro ko sa kanya.

"Talaga! Hinding-hindi na kita hahayaang mapagod. At lalong hindi kita hahayaang magalusan, madumihan, or kahit man lang mapawisan." Seryoso niyang sagot.

"Ang OA mo lab ha. Hindi naman ako baby eh." Natawa nalang ako at pinisil ko ng bahagya ang pisngi niya.

"Anong hindi? Eh baby kaya kita." Lambing ulit niya habang nakangiti.

"Grabe ka, Althea Guevarra. Ang aga-aga sumasakit na ngipin ko sa sobrang tamis mo." Pang-aasar ko.

"Sorry naman po. Sobrang namiss lang talaga kita." Pagpapa-cute niya.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at malakas ang pakiramdam ko na kapag hindi pa kami kumawala sa posisyon namin ay may magaganap na hindi pa dapat. Not yet. Kaya inalis ko kagad ang mga braso kong nakapaikot sa likod niya.

"Alam mo, tara na. Magtrabaho na tayo dahil marami pa tayong kailangan ayusin." Natatawa kong sabi nang makita ko siyang napakamot nalang sa kanyang ulo.


(AN: Pahopia ka kasi, Jade. Kainis! Hahaha.)



...



MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now