TORN

6K 230 34
                                    

CHAPTER 17



Kung kayo ang nasa posisyon ko, anong mararamdaman niyo? Will you have that feeling na ginamit ka lang? Ung feeling na pinaasa ka lang? Ung feeling na pinagtripan ka lang? Oh, eh kamusta naman? Masarap?

Lokohan ba 'tong nangyayari? Sabi ni Althea susubukan niya, pero bakit ganito? Alam niyo ung gusto ko siyang sigawan at tanungin kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, ako pa ung napili niyang pagtripan? Okay, sige... sinabi niya saking hindi niya ako kayang panindigan, pero bakit kailangan niya pang gawin 'to? Bakit kailangan niyang dagdagan ung sakit?

10 days ago, she said she loves me. 10 days ago, she said she can't lose me. 10 freaking days ago!!! So ano ba 'to, isang linggong pag-ibig na naextend lang? Pinagbigyan lang ako kasi nag-eenjoy pa siya? Baka parang pagkain 'to, may expiration date? Wow lang. Oo, sinabi kong iintindihin ko kahit ano ang maging desisyon niya. Pero sana man lang kasi kinausap niya muna ako. Sana nagbigay siya ng warning. Mas madali kasing tanggapin kapag ganun eh.

Isipin mo naman kasi... sasabihin ka ng I LOVE YOU then like the next second biglang, "Uyy may jowa na ako at hindi ikaw un."

Tangina diba? Ayos na buhay 'to! Rakenrol.






Walang sumagot saming dalawa ni Batchi. Alam ko na parehas kaming nagulat sa sinabi ni Althea. Pero dahil kilala narin ako ni Batchi, sigurado akong gets na niya ang naramdaman ko.

"Ah Tsong, mukhang kailangan niyong mag-usap ni Jade. Dun lang muna ako sa kotse." Ilang na paalam ng butch sa kaibigan.

Gusto ko sanang senyasan si Batchi na wag akong iwan dahil parang hindi ko kakayanin na kausapin si Althea, pero mabilis siyang umalis.




Shit. Control yourself, Jade. Please.




"Jade..." mahinang panimula ni Althea.

I didn't answer and just continued looking down.

"Jade, I'm sorry." Patuloy niya.

Nagpipigil na ako ng iyak dahil ayokong makita ni Althea na sobrang affected ako. Gusto kong ipakita na hindi big deal para sakin ung ginawa niya.


That's a human defense mechanism, right? Ung magpapanggap ka na okay ka, para hindi ka magmukhang mahina.


"Ayos lang. Ganun talaga. Ako ang dapat maggive-way. Okay na, Althea." Sagot ko.

I wanted to end the conversation immediately. Gusto ko nang umuwi dahil pakiramdam ko sasabog na ako.

"Jade, I'm really sorry. Napilitan lang ako kasi sobrang nagwala si Cathleen kanina nung sinubukan kong sabihin na ayoko na. I didn't know what to do. Ang sasakit ng mga sinabi niya kanina. Ang dami niyang isinumbat sakin. Ilang beses pa akong sinampal. Hindi ko alam kung paano siya pigilan at pakalmahin. Jade, please... wag kang magalit sakin. I'm sorry." Nagmamakaawang paliwanag ni Althea.





MAYBE ONE DAY (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora