THE PRESENTATION

8.4K 280 7
                                    

CHAPTER 3



*TWO WEEKS LATER*


"Jade, office. Now!" Halos nakasigaw na sabi ni Althea na mabilis sumilip mula sa room para hanapin ako.

I was talking to the research team of our project that time, at pare-parehas kaming natigilan nung marinig namin ang boses niya. Alam naming natataranta ang CEO ngayon dahil bukas na ang preliminary presentation namin sa harap mismo ng client. From the past two weeks na nakatrabaho ko si Althea, nalaman ko na kahit sobrang galing niya sa maraming bagay ay mahilig ito sa cramming. At isa ito sa mga pagkakaiba namin. Don't get me wrong. We actually get along pretty well. Magkasundo kami sa mga design ideas and all, pero ayokong-ayoko lang ng laging naghahabol ng trabaho.

"Yes Althea? What do you need?" Kalmadong tanong ko habang pinagmamasdan ko siyang hindi mapakali sa upuan niya.

"Jade! Paano na 'to? Hindi ko pa nagagawa ung powerpoint." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Althea.

"WHAT?! Althea, diba nung isang araw pa natin natapos ung mga ilalagay diyan? Bakit naman hindi mo kagad ginawa?" Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong makisabay sa kanya.

"I know, Jade. I know! Sorry, may mga kinailangan pa kasi akong gawin."

"You're the CEO of this company, at wala akong balak pakialaman kung ano man ang mga gusto mong gawin sa buhay. But your dad and Tito Jerry asked you to focus on this project dahil nga big deal 'to, diba? Althea naman! Hindi tayo pwedeng pumalpak dito." Sermon ko sa kaharap ko.

"Alam ko un Jade. Kaya nga ako natataranta ngayon eh! Ayoko rin namang mapahiya tayo."

Napahawak nalang ako sa noo at napabuntong-hininga, habang isinusubsob naman ni Althea ang mukha niya sa table. Gusto ko sanang hayaan nalang siya na magpakahirap sa paggawa nung powerpoint, pero ayoko naman kasing maging bara-bara lang ang presentation nung pinaghirapan namin the past two weeks.

"Okay, Althea. Ganito nalang. I-copy-paste mo lahat ng kailangan nating ipakita bukas sa powerpoint, pati ung mga visuals. Kahit hindi maayos, basta pagsunud-sunurin mo lang. Tapos ako nang bahala."

Tinignan lang ako ni Althea na nakakunot ang noo. Hindi na ako nagsalita ulit. Hindi ko narin siya hinintay na magsalita pa. Lumabas na ako ng office at bumalik sa trabaho.


//




THE NEXT DAY


"YUN OH!!!" We both screamed, then gave each other a highfive with a little smug on our faces.

The preliminary presentation was a success. Nagustuhan ng client ung mga proposals and concepts na ginawa namin. There were just some small details na hindi niya masyadong nagustuhan; but that's normal. At least pwede na kaming magsimula sa next design stage.

"Grabe Jade! Halimaw ung presentation na ginawa mo. Ang tindi! Ilang oras mong ginawa un? Anong oras ka na natapos?" Nagtatatalon sa saya ang CEO sa loob ng office.

"Kanina lang. Walang tulugan un aba!" I laughed at her shocked expression nung marinig niya ang sagot ko.

"Di nga? Seryoso?" She lightly punched my left arm.

"Oo nga. Seryoso ako."


Pero kahit walang tulog, hindi ko maramdaman ang pagod dahil masaya ako na hindi nauwi sa wala ung mga pinaghirapan namin.


"Hala. Sorry! Sorry Jade. Napuyat ka pa tuloy dahil sa kapabayaan ko. Sorry talaga." Halata sa mukha ni Althea na medyo nahihiya siya.

"Hahaha. Ano ka ba Althea! Ayos lang un. Part ng trabaho natin ang pagpupuyat." Natatawang sagot ko.

"Eeehh. Kahit na. Hindi naman na dapat umabot sa pagpupuyat eh. Kung ginawa ko lang kagad ung powerpoint."


Infairness, ang cute mataranta nitong ni Althea. Parang bata. Kaya minsan, nakakalimutan kong 27 years old na nga pala siya. Somehow, I think she's still too young to be a CEO... pero wala eh. Ganun talaga kapag nag-iisang anak ng may-ari ng kompanya.


"Oo nga. Ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon. Kasalanan mo 'to eh. Cramming pa more!" Biro ko sa kanya at sinuntok na naman niya ako sa braso.

"Grabe siya oh! Ang hard mo sakin. Sorry na nga eh!"

"Infairness ha! Nakakarami ka na. Gantihan kita dyan makita mo!" Biro ko ulit.

"Eh kasi naman eh. Sorry na nga. Hindi na mauulit." Seryosong sagot niya.

"Hahaha. Joke lang! Ano ka ba."

"Sige, para quits na tayo... ililibre kita ng lunch today. Makabawi man lang ako sa kasalanan ko. Celebration narin natin para sa successful na presentation kanina." Nakangiting offer ni Althea sakin.

"Aba! Hindi ko yan tatanggihan. Game ako dyan. Wala ng bawian ha!" Ako naman ang nagtatatalon sa tuwa.

"Oh. Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Pag-aya ng CEO na natatawa.

"Tara!"


























Ayy, si Althea dumadamoves. Pasimpleng aya ng date un ah. Ikaw talagang bata ka! Hahaha.


MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now