HUGOT 101

6.4K 247 14
                                    

CHAPTER 8



Nasa site kami ni Althea kung saan itatayo ang Hotel & Casino project namin. Sisimulan na kasi ngayon ang construction nito kaya nandito kami para tignan kung ready na ang lahat. Kausap ni Althea ang Papa niya sa cellphone habang ako naman ay chinecheck ulit ang mga construction drawings and specifications kung tama ang mga ito kahit ilang beses ko nang nagawa the past weeks.

"Althea!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses sa malayo.


Si Cathleen.


Mukhang hindi niya pa ako nakikita dahil malayo ako sa pwesto ng kanyang tinawag. Althea signalled for her to stay inside the car and that she'll be done in a minute.

Nung matapos naman niyang kausapin ang Papa niya ay halos takbuhin ni Althea ang ilang metrong agwat nila ni Cathleen. Bakas sa mukha nito ang tuwa na makita ang dalagang mukhang ibang lahi.

"Ma'am Tanchingco, pwede ko po bang mahiram yang mga blueprints?" Nawala naman saglit ang atensyon ko sa dalawa nang may isang trabahador na lumapit sakin na hinihingi ang mga drawings na hawak ko.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanila ay nakita kong nasa labas na ng kotse si Cathleen at may inabot na medyo malaking paper bag sa kaharap niya.


Food for Althea, probably.


It wasn't new to me, dahil madalas naman talagang dalawin ni Cathleen si Althea sa office para dalhan ito ng pagkain. Kung minsan naman ay sinusundo niya ang CEO after work. Alam kong ganun talaga silang kaclose dahil nasabi sakin nila Batchi at Wila noon na nakatira sila sa iisang condo. Sabi din nila Batchi na sa college barkada nila, sila daw talaga ang magbestfriend.

"Tara Jade, balik na muna tayong office. Para makapaglunch narin tayo. Ang dami nitong dala ni Cathleen oh, tulungan mo akong ubusin." Natatawang sabi ni Althea sakin habang nasa loob ako ng site area na tinitignan ang mga trabahador.

"Eh nasaan na siya? Bakit hindi siya sumabay satin kumain?" Nagtatakang tanong ko.

"Marami pa daw siyang gagawin eh. Tara na, partner." Lumakad na siya palabas ng site area at sumunod naman ako kagad sa kanya.



//




SA OFFICE


"Hoy Ms. Tanchingco! Kumain ka kaya muna. Mamaya na yang trabaho. Itatapon ko yang laptop mo sige! Lunch time po oh." Saway ni Althea na nakaupo sa tabi ko ngayon.

"Kung maka-hoy ka naman, Ms. Guevarra. Teka lang kasi. Nag-email si Tito Jerry ng mga sample furniture designs eh." Sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Hindi naman kasi mawawala yan. Mamaya nandyan parin yang email na yan." Pangungulit parin niya sakin.

"Eh yang mga pagkain na yan, nandyan parin naman yan mamaya. Unless you finish all of them." Tawa ko.

"Hindi mo dapat pinaghihintay ang pagkain, Jade."


Ang kulit talaga nitong Althea na 'to. Mapagtripan nga. Hahaha.

MAYBE ONE DAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon