MS. CLINGY

6.7K 257 3
                                    

CHAPTER 9



*THE NEXT DAY*


9:45am


I just finished taking a bath and now I'm standing in front of my closet to pick something to wear. After a few trials, I decided to settle with a pair of maroon ripped jeans and a white long sleeve shirt. Hindi ako mahilig magmake-up kaya nagblower lang ako ng buhok after ko magbihis. Maaga pa naman ako para sa lakad namin nila Althea sa MOA. 10:30am pa ang meet-up, at napakalapit lang nung mall dito sa condo ko. So, pwede pa akong kumain ng breakfast saglit bago umalis.

Natigilan ako sa pagchecheck ng pagkain sa kitchen nang biglang may magdoorbell.


Sino naman kaya 'to?


I checked the peephole and I was surely surprised to see the person standing outside my door. Nonetheless, seeing that face made me smile. Binuksan ko kagad ang ito para papasukin siya.

"Good morning. Special delivery for Ms. Tanchingco!" Bungad ni Althea na inangat ang dala-dalang paper bag.

"Good morning din sayo, Ms. Guevarra! Talagang hindi ka nakapaghintay at pinuntahan mo na ako dito ha? Ang aga-aga, dumadamoves ka na Althea." Nakatawang sabi ko.

"Kasi po alam kong hindi ka pa nagbebreakfast dahil sabi mo sakin noon, lagi kang late nagigising kaya lagi ka ring gutom pag dumadating ka sa office. Eh ngayon, hindi ka pwedeng umalis na gutom." Sweet naman.

"At... nandito po ako para sunduin ka, magandang binibini." Dagdag pa niya habang nakangiti.

"Sunduin? What do you mean? At infairness ha, naaalala mo pa kung saan at anong number nitong condo ko."


Sa pagkakaalala ko kasi, once palang siya nakakapunta dito. It was like a month ago. Noong maraming gamit sa opisina na kailangan kong iuwi at nag-offer siyang tulungan ako. Hindi rin naman siya nagtagal nun.


"Ako pa! Haha. Anyway, wag ka na magdala ng sasakyan ngayon. Ung akin nalang gamitin natin. Ang lapit-lapit mo lang oh, poproblemahin mo pa parking. Hatid nalang kita mamaya." Sabi niya habang hinahanda naman sa dining table ang mga pagkaing dala niya.


(AN: Wala Jade. Dumadamoves lang talaga yang si Althea. Sino ba kasing may sabi na magdadala ka ng kotse? Maglalakad ka lang dapat diba? Hahaha.)


"Wow naman. Prinsesang-prinsesa ako ngayon ah. Basta ha, I should be home by midnight, Ms. Guevarra." Biro ko sa kanya.

"Baliw! Kumain na nga lang tayo."



//




SA MOA BOWLING CENTER


11:30am



Sorry naman, na-late ng isang oras. Si Althea may kasalanan, promise. Ang kulit kasi eh.


MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now