MAYBE ONE DAY

7.8K 294 77
                                    

CHAPTER 34



The whole event went great, from the ribbon cutting upto dinner. They introduced all the contributors to the project. There was also a presentation showing the development of the Grander World Hotel and Casino, from its pre-design to construction stage. The client gave a wonderful speech, and everyone was so thrilled when he announced that the proposed London branch of the company was already being discussed by the management. Pagkasabi niya nun, tsaka ko lang napansing wala pala ang isa pang may-ari ng kompanya na si Mr. Guevarra, Althea's dad. Even her mom wasn't present.

Hindi pa kami nakakapag-usap ni Althea hanggang sa magsimula na ang kainan. Kahit nung iintroduce kami ni Tito Jerry, we didn't say anything to each other. I was somehow contented with just standing near her, and stealing a few glances at her. I assumed that she was feeling the same way as she threw a shy smile several times as well. Pagkatapos ng mga introductions, presentations, at speech, nakita ko nalang na nakababad ito sa kanyang telepono. Ni hindi ko nakitang kumain ito.

"Uyy Jade, uso kumurap. Try mo din minsan. Kanina ka pa nakatitig kay Althea eh. Matunaw yan, sige ka." Panunukso sakin ni Lauren habang magkakasama parin kaming tatlo nila Batchi sa iisang dining table.

Natawa nalang ako dito pero nanatiling nakapako ang tingin ko sa CEO na may kausap parin sa telepono. Mukha namang tuwang-tuwa ito sa kausap dahil halos umabot ang ngiti niya sa kanyang tenga. Hindi pa man kami nakakapag-usap, pero kita ko na ang pagbabago kay Althea. Masaya ang aura nito.

"Sino naman kaya ang kausap nun ni Tsong? Kanina pa un ah." Batchi asked without really addressing it to anyone.

"Baka si Cathleen." Sagot bigla ni Lauren.


It was the first time I heard that name after two years. Late ko nang narealize na never pala namin siyang nabanggit kanina sa usapan namin sa resto. It wasn't much of a big deal, kasi wala naman na sakin ung mga nangyari noon. Pero kung totoo nga na si Cathleen ang kausap niya, nakakalungkot isipin na hindi parin pala napakakawalan ni Althea ang kanyang sarili.


"Imposible. Matagal na kaya silang hindi nag-uusap ni Cathleen. Lagpas isang taon na." Sabi ni Batchi, na ikinagulat ko naman, kaya napalingon ako bigla sa kanya.

"Uyy sa wakas, lumingon din siya sa iba." Asar ulit ni Lauren sakin. Natawa ang dalawa at sinuntok ko naman nang mahina ang kaibigan ko sa braso.

"Jade, nakatingin sayo si Tsong." Seryosong sabi bigla ni Batchi kaya natigilan kami at napalingon ako sa kaninang tinititigan ko.

Nakatingin nga si Althea sakin, at napansin ko namang wala na itong kausap sa telepono. Nagtama ang mga mata namin ng ilang segundo. Nasilayan ko sa kanyang mga mata na parang gustong-gusto niya akong makausap. She slightly nodded at me, then she headed to the function room's balcony. I knew it was a signal.

"Puntahan mo na, Jade." Tulak ni Batch sakin. I looked at her, silently asking if I should really go after Althea.

"Dali na kasi. Chance niyo na 'tong magkausap oh." Tulak ulit niya sakin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan-dahang naglakad patungong balcony. Kahit medyo nag-aalangan parin ako, hindi ako umatras sa plano. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng function room.



//


MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now