SHATTERED GLASSES

7.2K 282 7
                                    

CHAPTER 5



After a month ay mas naging busy pa kami ni Althea. Sisimulan na kasi ang paggawa ng mga floor plans ng aming project.

Hindi maganda ang gising ko ngayong araw dahil may nakakabwiset na naganap na naman kagabi. At dahil dun, hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Walang pumapasok na matinong design idea sa utak ko kahit anong pilit ko. I couldn't even freaking draw properly because of my---

"What the hell?!" Inis na sabi ko nung may tumamang crumpled paper sa mukha ko.

Tumingin ako sa piligid ng office para malaman kung sino ang nagbato ng papel, pero natigilan ako nang maalala kong si Althea nga lang pala ang kasama ko sa room na un. Nakita ko siyang nakatingin sakin na may nakakalokong ngiti sa mukha.

"What, Althea?!" Inis naman na tanong ko.

"Mukhang badtrip ka ngayon, Ms. Tanchingco ah." Nakangiti paring sabi niya.

"Please Althea, not now. Wala ako sa mood."

I tried to reach for my pen once again but my right hand didn't really have the strength to grab it because---

Natigilan ulit ako nang maramdaman kong nakaupo na sa tabi ko si Althea. Tinitignan niya parin ako pero hindi na siya nakangiti ngayon. Mukhang inaaral na naman niya kung ano ang laman ng isip ko. Tinignan ko rin siya. Then something weird happened. Suddenly, parang nagkaroon kami ng connection. Parang bigla kong nafeel na... she knows.

"Come on Jade. Tell me. You can trust me. I promise na kung ano man ang sabihin mo sakin, hinding-hindi un lalabas sa room na 'to." Panimula niya.

"What are you talking about Althea?"

"Do you honestly think na hindi ko kagad napansin kanina na namamaga yang mga kamay mo? Anong ginawa mo? Nanuntok ka ng pader no?" She said with a worried and panicked look on her face.

I didn't answer and just continued looking at her. Sinubukan kong maghanap ng mga matang nanghuhusga na minsan ko nang nakita sa mga kaibigan ko nung college. Matagal kong tinignan ang mga mata ng CEO na nasa tabi ko, pero ni kaunting panghuhusga ay wala akong nasilayan.


Her eyes made me feel that she wasn't asking just to know something about me, but she was really willing to listen and understand what I'm going through.


"Something happened last night." Sagot ko pagkatapos kong huminga ng malalim at umiwas ng tingin.

"Si ex?" Tanong niya na ikinagulat ko na naman kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Althea, magsabi ka nga ng totoo. Psychic ka ba? Or stalker?"

Tumawa ito ng malakas at pagkatapos ay inakbayan ako bigla. Grabe lang. Ilang beses ba akong balak gulatin nitong Althea na 'to?


(AN: Dumadamoves lang yan, Jade. Hahaha.)


"Been there, Jade. Been there. Done that. Kaya trust me, maiintindihan ko kung ano man yang pinagdadaanan mo." Nakangiti ulit nitong sabi.

Umiwas na naman ako ng tingin, at nanatiling tahimik. Alam ko na naghihintay siya na magkwento ako. Ramdam ko rin na hindi naman niya ako minamadali at pinipilit. I already know I can trust Althea. We've become closer the past weeks, at madalas ay sinasabayan na namin ng kwentuhan ang pagtatrabaho. Masarap siyang kasama, to be honest.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now