ONE STEP CLOSER

6.6K 284 10
                                    

CHAPTER 7



Umiiyak ako ngayon sa loob ng office. Buti nalang after lunch pa papasok si Althea dahil may mga inutos sa kanya ang Papa niya. Gustong-gusto kong magwala at manuntok ng tao ngayon.


Ung siraulong ex ko kasi, ang galing magpaasa. Napakagaling. Ako naman itong tanga, umasa naman! Ayos din eh. Ayy ewan! Kapag ako hindi nakapagpigil, susugurin ko talaga un.


"Jade?!"

Nakatakip ang dalawang kamay ko sa mga mata ko nang may tumawag ng pangalan ko. I suddenly panicked because I recognized the voice of the person who entered the room. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko kahit mukhang nakita naman na niyang umiiyak ako. Pinilit kong humarap na okay sa kanya.

"Uyy Althea. Bakit nandito ka na? Akala ko ba mamayang after lunch ka pa papasok?" My voice was still shaky and I know that already betrayed me. Patay.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya habang papalapit siya sa pwesto ko.

"Ha? Hindi ah. Pagod lang ako. Medyo masakit din ang ulo dahil kulang sa tulog." Sinubukan ko paring humanap ng excuse. Baka sakaling kagatin ni Althea.

"Jade...  wag ako. We've been working together for almost 4 months, at magkaibigan narin tayo. Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi."

I didn't answer and just looked away.

"Kung may problema ka kasi Jade, nandito naman ako oh. Hanggang ngayon ba hindi mo parin ako magawang pagkatiwalaan? Kahit nga kayla Batchi hindi ko sinasabi ung mga kinukwento mo sakin eh. Jade, I promise you. You can trust me." Dagdag niya.

"Sorry Althea. Sorry kung dinadala ko pa dito sa work ang problema ko. I know I shouldn't. It's unprofessional. Pasenya na. Hindi na 'to mauulit. Promise." Nahihiya at natataranta kong sagot sa kanya.

She sighed heavily.

"Tara sa rooftop." She demanded.

Mabilis siyang lumabas ng office at hindi na ulit ako nilingon. Wala naman akong nagawa kundi sundan siya.


//



SA ROOFTOP


"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Althea na nakatanaw sa view ng rooftop.

Humarap siya sakin at tsaka sumagot.

"Kasi baka sakaling dito, makaya mong magkwento kahit papaano. Kanina sa office, we were professionals. CEO ako, Project Manager ka. Dito... si Jade ka lang. Ako naman, si Althea lang. Kaibigan mo ang kausap mo ngayon, at hindi kapartner mo sa trabaho. Kaya wala kang dapat ikatakot."


Simple gesture. Simple words. She didn't have to say it out loud, but I already felt how much she cares. And that was my go signal. My signal to let her take a few steps closer to my world. Maybe I really need this. Maybe I just need to let it out somehow.


Hindi muna ako sumagot. Pumunta lang ako sa may kinatatayuan niya at tinignan ang mga nakapalibot na ulap sa langit. Kahit hindi ko nakikita si Althea, I could feel her eyes on me.

"Bakit ganun ang buhay?" Panimula ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lang niya akong tinitignan.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now