SIMPLE WORLD

6.8K 228 25
                                    

CHAPTER 22



Good mood ako ngayong araw kaya nakaya kong manatili sa loob ng office pagkatapos kong kumain ng lunch. Magkasama ngayon dito sila Althea at Cathleen. Maya-maya pa aalis ang girlfriend niya para pumasok sa sarili niyang pinagtatrabahuhan.


Not that I don't trust Althea, at hindi ko rin naman binabantayan ang bawat galaw niya... pero ramdam na ramdam kong maingat siya sa mga kilos niya. Alam naman niyang hindi ako magagalit, but I'm glad na iniisip niyang medyo masakit din sa part ko na makita silang magkasama.


Kunwaring nagfocus nalang ulit ako sa trabaho ko para hindi mailang na magsalita si Cathleen.


Don't get me wrong, Cathleen and I... we're okay. I mean, we talk. We get along in some way. Binabati namin ang isa't isa. Sadyang hindi lang talaga kami ganung kaclose.



"Althea, kailan ka na ulit uuwi sa condo?" Rinig kong tanong ni Cathleen kahit halos pabulong nalang ang pagkakasabi niya dito.

"Ha? Ah... eh, ano... depende. Kailangan ko munang makalusot kay Mama eh. Alam mo na, medyo bantay sarado pa ako ngayon." Dahilan ni Althea na napakamot nalang sa kanyang ulo.

Halos 2 weeks nang hindi natutulog sa condo ni Cahtleen si Althea. Ang idinahilan niya dito ay nalaman ng Mama niya na matagal na siyang hindi umuuwi sa sarili niyang unit, kaya ngayon ay medyo hot seat siya. But of course, I know the truth.

Kinausap ako ni Althea tungkol dun. She said that she doesn't want me to worry about anything whenever I'm not with her and she's with Cathleen. At ayaw din niya na hindi na kami nakakapag-usap pagkatapos ng trabaho. Kasi tuwing magkasama na sila, ayaw ng girlfriend niya na may kausap siyang iba. So Althea decided na sa sarili niyang condo muna magstay para nakakapag-usap kami bago matulog.


I know that she's really trying, at naaappreciate ko naman un.


"Edi ako nalang ang magsestay sa condo mo." Cathleen suggested.

"Cathleen... alam mo namang may issue sayo si Mama diba? Kilala mo siya kung paano magbantay. Malalaman niya na nandun ka." Muling palusot ng CEO.

Ang isa pang hindi alam ni Cathleen ay madalas kaming magsalitan ni Althea sa pagsestay sa condo ng isa't isa. Pumupunta siya sa unit ko at hinihintay niya lang na makatulog ako bago siya umuwi. Ganun din naman ako kapag sinasamahan ko siya sa penthouse unit niya.





Oops, stop right there. I know what you're thinking. NO. Hahaha. Althea and I decided not to have sleepovers na kaming dalawa lang because the last time we did, which was after our first date, something almost happened. Hindi naman kasi sa ayaw naming gawin, pero alam naming pareho na masyado pang maaga para dun. We respect each other na gusto namin, kapag ginawa namin un, parehas kaming handa. And just so you know... I've never done it with a girl.





"Come on Althea, samahan mo na ulit ako sa condo. Nakakatakot kayang mag-isa dun." Pangungulit ng half French.

"Ang laki-laki mo na, natatakot ka pa?"

MAYBE ONE DAY (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt