EPILOGUE

10.8K 329 81
                                    

*THREE MONTHS LATER*



SA CONDO NI ALTHEA


"TSOOOOOONG!!!" Sigaw ni Batchi kay Althea na kanina pa hindi lumalabas ng kanyang kwarto.

Nakaupo kaming dalawa sa may dining area at umiinom lang ng juice. Kanina pa kami bihis dahil ayaw sana naming malate sa lakad namin. 60th birthday ngayon ng Papa ni Althea, at inimbitahan kami nito sa isang grand dinner. Imbitado rin ang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga katrabaho ng pamilya Guevarra. Umuwi lang ang parents ni Althea sa Pilipinas para idaos ito, at nung isang araw pa sila dumating.

"ALTHEAAAAA!!! Halika na kasi. Malelate na tayo!" Halos nakasigaw ko ring tawag sa anak nilang pasaway na CEO.

"Edi mas okay! Wag na tayong pumunta." Sagot naman nito na ayaw paring lumabas ng kwarto.

Ayaw kasi talaga ni Althea na pumunta sa dinner dahil pagtitripan lang daw siya ng parents niya, lalo na't nandun ako. Bago sila umuwi ng bansa ay nakausap ko pa sila nung magka-Skype sila ni Althea. Kaya ayoko sanang malate ngayon dahil inaasahan ako ng mga ito.





*FLASHBACK*

(AN: The night before ng flight ng parents ni Althea 'to, pips.)


7:19pm


Nasa condo ako ni Althea ngayon para tapusin namin ang isang trabaho na bukas ang deadline. Unang linggo ko palang dito sa Pilipinas ay nagrequest na si Althea saking magtrabaho nalang ulit sa kanilang kompanya. Hindi naman daw sa ayaw niyang mawalay ako sa kanya, pero mas gusto niya raw akong katrabaho dahil magkasundo kami sa mga gustong design. Wala naman itong kaso sakin kaya pumayag ako, but I started after a week because I wanted to spend a few days redecorating my unit. Kinausap narin niya ang mga magulang niya tungkol dito. And speaking of Mr. and Mrs. Guevarra...

Ka-Skype sila saglit ni Althea ngayon, at nasa loob siya ng kwarto dahil ayaw daw niyang marinig ko ang pag-uusap nila. Kapag nalaman daw kasi nilang nandito ako ay pagtitripan na naman daw siya ng mga ito. Hanggang ngayon ay hindi parin sinasabi ni Althea sakin kung bakit lagi siyang nahihiya na ipakausap sila sakin.

"Jaaaade." Tawag bigla ni Althea habang nasa kwarto parin siya. Nagulat naman ako dito kaya napatigil ako sa pagtatrabaho.

"Yes, Althea? What is it?" Sagot ko sa kanya habang nasa may dining area parin ako, pero nilingon ko ang pinto ng kwarto nito na bahagyang nakabukas.

"Halika dito saglit." Malambing na utos nito.

Bigla akong tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kwarto niya. Medyo nagulat naman ako nung makita kong nakaupo siya sa kama at kausap parin ang mga magulang niya. Nanatili muna akong nakapwesto sa may pinto at naghintay lang na palapitin ako ni Althea.

"Okay, she's here. Mom, dad... please. Ung promise niyo sakin. You're just going to invite her, and that's it. Wag na kayong mang-asar, please. Kung hindi, lagot talaga kayo sakin." Birong banta ng CEO sa kanyang mga magulang.

"Whatever you say, anak. Just let us talk to her." Rinig kong sagot ng mom niya.

Sinenyasan ako ni Althea na lumapit sa kanya. Napansin ko namang nag-aalangan ito at parang hindi kumportable sa mangyayari. Pinaupo niya ako sa tabi niya at itinapat ang laptop sa akin. Nakita ko ang mga magulang niya na mukhang busy pa sa pag-eempake ng mga gamit pauwi ng bansa.

MAYBE ONE DAY (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora