TRUST ISSUE

6K 209 34
                                    

CHAPTER 30



*THE NEXT DAY*


Nagising ako nang maramdaman kong may dahan-dahang humahawi sa buhok ko. Naramdaman ko din ang kamay na hinahaplos ang aking brasong nakayakap sa katawan ng katabi ko. I opened my eyes and I saw Althea sweetly staring at me.

"Good morning, mahal ko." Masayang bati nito na halata namang kanina pa siya gising. She was slightly in a sitting position.

"Good morning din, lab. Anong oras na?" Tanong ko habang umupo rin ako at isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang balikat.

"8:24 am, lab." Simpleng sagot niya na parang nakalimutan nito na may pasok pa kami sa opisina. Nataranta naman ako bigla.

"Lab, late na tayo! Bakit hindi mo ako ginising?" Pababa na sana ako ng kama pero mabilis ako nitong pinigilan. She wrapped her arms around my waist and quickly kissed me on the cheek.

"Sorry, masyado akong nag-enjoy." She said looking like she wasn't really sorry at all. Nakangiti ito na parang nagpipigil ng kilig.

"Nag-enjoy saan?" Pagtataka ko.

"Na pagmasdan ka. I love watching you sleep." Corny na banat nito.

"Lab, tigilan mo 'ko ha. Umagang-umaga." Natatawang saway ko.

"I love you." Sabi nito habang patuloy parin na nakatitig sakin.

"Kailangan na nating pumasok, lab. Late na tayo. May meeting pa tayo." Aya ko sa kanya. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niyang nakayakap sakin pero mas hinigpitan niya lang ito.

"Lab!" Suway niya. Tinignan ko lang ito.

"I love you." Seryosong ulit nito.


Talaga naman 'tong mahal ko oh. Kapag nasimulan ang panlalambing. Kacute eh! Hahaha.


"I love you too." I finally said it back before I gave her a quick morning kiss.

Ngumiti ulit siya na parang un lang talaga ang hinihintay niyang sabihin ko kanina pa. Napailing nalang ako sa pagkapilyo nito. Apparently, someone didn't wake up on the wrong side of the bed. Hahaha.




//




SA OFFICE


Buti nalang ay nakaabot kami ni Althea sa 10 am naming meeting with the client. Puro discussions and inspections ang nangyari ngayong araw. May maliliit na details pa kasing ipinabago ang kliyente, kaya may iba pa kaming inihabol na trabaho sa site. Halos mag-aalas-kwatro na nang matapos kami ni Althea at makabalik ng opisina.

"Lab, kumain ka na please. Kanina ka pa nalipasan ng gutom. Ito na ung ipinaorder kong pagkain kay Julia oh." Malambing na sabi ni Althea sakin pagkatapos naming magpahinga saglit.

"Ikaw rin kaya, hindi pa kumakain. Sabayan mo na ako, lab." Aya ko sa kanya habang inihanda ko ang pagkain.




"Lab..." Tawag niya sakin makalipas ng ilang minuto. Tinignan ako nito at nakita ko namang parang nag-aalala ito sa sasabihin.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now