Chapter Nineteen: Ability Phase

59.1K 1.7K 214
                                    

Chapter Nineteen: Ability Phase

-Ezra Alexandra-

Ezra was gazing out of the window, deep in thought. The stares from the human formed mutts haunted her till now, at patuloy ring nag pe-play back sa isip niya ang pag trespass niya sa private quarter ng Alpha.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon makalimutan. Na try na niyang ituon ang atensyon sa ibang bagay ngunit ayaw talaga siyang lubayan ng memoryang iyon. Lunes na ngayon at noong Sabado pa iyon nangyari. Dapat ay makalimutan niya na iyon but for some reason it keeps knocking in her head and it annoyed the hell out of her.

Naisip niya na baka patuloy niya itong naiiisp dahil may mga tanong siyang hindi parin masagot. Kapag nasagot iyon ay tuluyan na siyang manahimik. Ganito ba talaga kapag may gusto kang malaman? Does this really happen if something spikes someone's curiosity? Para bang hindi siya mapakali. Now she knows why Athena is always seeking for answers. Nakakabaliw pala kapag may bagay kang iniiwasang isipin pero bumabalik parin sa iyo para manggulo hanggang sa mapilitan ka nalang na harapin ang mga ito.

She tossed the book on her bed and closed the window. Kinuha niya ang kanyang jacket at lumabas na, in search for Athena.

Kung normal na bata lang ang kapatid ni Zeus then madali lang itong hanapin pero hindi. That kid could be anywhere at the moment.

She needed answers and Athena is one who'll give it to her.

Saan ba niya ito makikita?

Parang batang version ito ni Seige. Naglalaho at lumilitaw nalang na parang bula. And speaking of Seige, she hasn't seen her since this morning. She wondered kung nahanap ba ito ni Zeus. Nagtanong kasi ito sa kanya kanina kung asaan si Seige at wala naman siyang naisagot dahil hindi niya talaga alam.

She checked the common room first dahil may mga araw na tumatambay dito si Athena para makihalubilo sa iba at hindi niya maintindihan iyon. Bakit ba nito kailangan pang makipag usap sa iba? She's going to be an eyecandy for social climbers.

Lahat ay napa tingin sa kanya nang sumilip siya sa Common Room ngunit wala dito ang hinahanap niya.

Pumunta naman siya sa kwarto ni Zeus para itanong kung alam nito kung nasaan ang kapatid ngunit naka lock ang pinto nito so she didn't bother kaya bumaba siya muli at tuluyan nang lumabas ng Dawn. It's getting dark, bukas na ang mga lamp post kaya maliwanag pa ang daan patungong main gate.

Being Ezra Heath, she held her head high and walked straight with her chin up. Alam niyang pinagtitinginan siya ng iba dahil ganon naman palagi. They're probably wondering kung bakit mag-isa lang siyang naglalakad ngayon at hindi siya napapalibutan ng ibang Half Bloods o kaya ng mga alipores niya, her so called 'friends'. Halos hindi naman niya kilala ang mga kasama sa social circle niya, all they care about is the ranking anyway at wala naman siyang pakialam doon. They are using her for instant popularity boost at wala lang sa kanya iyon dahil nagagamit rin naman niya ang mga ito. She can drop them anytime but hindi magagawa ng mga ito iyon sa kanya. There will be hell to pay kung gawin iyon sa kanya.

Hiniling niya na sana ay narito si Asher dahil pwede niya itong utusan na hanapin si Athena without questions asked. Kung ang kambal niya kasi ang utusan niya magtatanong muna ito bago sumunod. Ganon ang trip ni Enzo minsan. Minsan naman ay susunod nalang ito ng walang sabi. Si Zeus na mismo ang nagsabi na kung may tanong siya dapat kay Athena siya lumapit at iyon nga ang ginawa niya but that kid was so hard to find.

"If I were to be Athena Adrianne Walter Sinclaire, where would I be at this very moment?" she mumbled to herself and then groaned in frustration. "I think I just asked the hardest question known to Vampires. Mama, Papa, bakit ba pinalaki niyong gala ang anak niyong babae? Ang hirap hanapin!"

Sinclaire Academy: Half BloodsWhere stories live. Discover now