Chapter Thirty-three: Pieces of a puzzle

55.4K 1.9K 845
                                    

Chapter Thirty-three: Pieces of a puzzle

- Athena Adrianne -

"Kuya Ash nakita mo si Kuya Zeus?" Athena ran to the blond tower na mukhang may hinahanap din.

"Hindi. Nakita mo ba si Flame?"

"Hindi rin"

Napakamot ng ulo si Asher, mukhang naiirita ito. "Nasaan na naman ba pumunta 'yon?"

"Bakit Kuya?"

"Ah wala. Bakit mo ba hinahanap yung mahal ko?"

Athena rolled her eyes. "May pupuntahan ako"

"Pwede ka na nga palang lumabas no?" Athena nodded happily.

Pagkatapos ng exam nila, her 'torture' was lifted by Senri Sinclaire himself but in one condition, dapat alam ni Zeus, Asher, at Enzo ang pupuntahan niya. O kaya kasama niya ang isa sa tatlo when she goes out of the Academy. Dahil ngayon palang siya makakalabas, ngayon palang siya makakapag imbestiga tungkol sa pinaka huli niyang travel.

"Well looks like you're busy finding Ate Flame. Una na ako Kuya!"

"Teka nga saan ka ba pupunta?" Asher asked bago pa man siya maka alis.

Athena grinned, her left foot already stepping back to run. "Sa Hunters' Association!"

After that she ran off but she still heard Asher yell after her, "Hoy anong gagawin mo doon?!"

She was distracted by laughing kaya napatalon siya nang may kumapit sa magkabilang balikat niya.

"And where do you think you're going little miss?" Enzo smiled while looking down at her.

Is he smiling at me?

Athena blinked, feeling a bit flustered dahil sa pag hawak nito sa balikat niya. Baka naman naalog pa ang utak nito dahil sa exam?

"Enjoying freedom again?"

She snapped back to reality with a nod. "Hinahanap ko si Kuya. Have you seen him?"

"May pupuntahan 'yan," Sinundan pala siya ni Asher. "Samahan mo nga tutal lugar niyo naman 'yon"

Enzo's brow furrowed. "Saan?"

"Sa Association, pare"

"Ano namang gagawin mo doon?" Enzo looks down at her again, still holding onto her shoulder.

"Tour" was her sheepish answer.

Tumaas naman ang kilay ng dalawa sa sagot niya.

"Gusto mong mag fieldtrip sa Association?" Asher scruched his nose.

"Joke lang!" Nag peace sign si Athena. "Bibisitahin ko si Tito Andy"

"Talagang ngayon mo pa naisip 'yan?"

"Bawal ko bang bisitahin ang Tito ko?" Ngumuso si Athena kay Asher.

Ash scratched his head. "Hindi naman. Maiwan ko na nga kayo. Hoy pare samahan mo 'yan ah! Lagot tayo kay Tito!" Tinuro pa nito si Enzo bago umalis.

"Doon ka ba talaga pupunta?" Enzo asked onced Ash was out of sight.

"Yeah" Maybe she could search for past records there involving the Red Circle. Maybe the Association holds some information.

"Hindi mo naman ako kailangan samahan. Hahanapin ko nalang si Kuya. Maaabala pa kita"

"Sinong nagsabing nakaka abala ka? Come on I'll drive you there. Dad's there anywhere"

Sinclaire Academy: Half BloodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon