Chapter Twenty-three: Feel the wind

58.4K 1.9K 532
                                    

Chapter Twenty-three: Feel the wind

- Zeus Achilles -

Zeus shifted in his seat and sighed. Sinulyapan niya ang orasan at nakitang halos fifteen minutes pa silang tatagal sa klaseng ito. The twins who were seating a row down ay kanina pa tulog. Nakasubsob ang ulo ng dalawa sa desk habang si Asher naman na nasa tabi niya ay naka sandal ang ulo sa desk na nasa likod nila at naka pikit, tulog din.

Bukod sa ingay ng pag di-discuss ng teacher nila, may mga naghahagikhikan ring mga babae na bandang itaas and their topic was Asher's new hair color. Hindi naman ito napapansin ni Ash dahil tulog.

He glanced at Seige na malapit lang sa mga nagbubulungang babae, umiling lang ito at mukhang nakikinig rin sa sinasabi ng mga babae kaysa sa discussion ng teacher nila.

Naagaw ni Ezra ang atensyon niya dahil sa biglang pag tayo nito at matalim na tinignan ang mga babae. Enzo lazily lifted his head too dahil sa biglang pag galaw ni Ezra. Siniko naman ni Zeus bigla si Asher para magising ito to watch the scene unfold.

Natigilan ang mga babae, pati ang teacher nila ay natigil sa pag di-discuss. Everyone was looking at Ezra.

Ezra's hard stare was locked to Asher's fangirls.

"Pwede ba kung magbubulungan lang kayo d'yan lumabas na kayo. Ang laki niyong istorbo"

Suminghap at napa iwas ng tingin ang mga babae. Walang sumagot ni isa sa mga ito, kahit sa mga classmate nila ay walang umimik.

Zeus shook his head at ganon rin ang ginawa ni Enzo. Ezra's been in a bad mood all day, nagsimula pa ito kagabi. Kaya nga hindi nila tinatanong kung bakit bad mood ito because they don't want to be the recieving end of it. Sadly, the girls crossed the line.

After one last glare, Ezra sat back down and crossed her arms.

Asher chuckled obviously amused, before clearing his throat and said, "Please continue the discussion, Ma'am"

"Control your fangirls, Ash, kung ayaw mong itali ko sila isa isa" Inis na sabi ni Ezra nang lumabas na sila ng room pagkatapos ng klase.

"Parang sinabi mo ring wag na kong maging gwapo. Ez, mahirap 'yon" Napakamot ng ulo si Asher. "They'll stop talking if I stop being good looking"

Nagpapadyak si Ezra sa inis kay Asher. "Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ka ng mga linta na 'yon eh ang pangit mo naman!"

"Wag kang ganyan," malumanay na sagot ni Asher at inakbayan pa si Ezra. "Kapag nilait mo ako, para mo na ring nilait ang lahi natin. Mag pinsan kaya tayo. And blame my Dad for my looks not me, namana ko lang 'to sa kanya," Asher gestured to his whole face, "Biktima lang ako."

"Ewan ko sa inyo," Enzo sighed and walked pass the four of them. Sinamaan naman ng tingin ni Ezra si Asher bago hinila si Seige at sumunod sa kambal.

"Ano bang nakain ng dalawang iyon kagabi at hanggang ngayon bad mood?" Kunot noong tanong ni Asher sa kanya dahil naiwan na naman silang dalawa. Bumaling muli ito sa direksyon ng kambal at mukhang may narealize, "Hoy teka! Wag niyong idamay si Seige sa ka badtripan niyo! Sege dito ka samin ni pareng Zeus para happy ka!" At mabilis nitong hinabol ang tatlo, leaving Zeus alone.

Napailing nalang siya and turned to direction of his locker.

While lazily arranging his books, his vision suddenly turned black dahil sa may kung anong humarang sa kanyang mata. "What the fuck---"

He turns and grabs the wrists of the culprit. At first he thought it was Aiane but then he realized it was his Mother.

"Mama!" Niyakap niya ito sa gulat dahil hindi niya inaasahang makita ito ngayon. His parents always gives him a heads up when they visit the Academy.

Sinclaire Academy: Half BloodsWhere stories live. Discover now