Chapter Thirty-eight: Crashing from the high

59.2K 1.8K 659
                                    

Chapter Thirty-eight: Crashing from the high

- Ezra Alexandra -

Ezra thought her eighteenth birthday would be the best but it turns out to be worst.

Her birthday started with her crying by herself with no one to lean on. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin.

She was supposed to be home, be with her family, but she ended in Zeus' safe haven. Ang tunog ng kanyang pag iyak ay humahalo sa lagaslas ng tubig galing sa falls.

Nang punasan niya ang kanyang luha, ang una niyang nakita ay ang repleksyon ng moon sa mala kristal na tubig.

"Why me?" She cried, inalala niya lahat ang nangyari after she laid her eyes on him.

      Para bang sa segundong iyon ay tumigil ang mundo niya. All the birthday greetings seemed to be drowned by his stare.

Ngayon lang niya pinagtuonan ng pansin ang presensya ni Aiden sa gabing ito. Ayaw niya kasing ma-bad trip kaya pinilit niyang lumayo sa bad vibes but she noticed how he was watching her. All night.

It took all her will power to break off her stare, she adverted her gaze to her parents who were watching her like a hawk, like they knew something was up.

Something is really up, hindi lang niya alam kung ano. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? She's feeling butterflies all over and she hated it.

She tried to ignore the feeling hanggang sa matapos ang party. Distracted siya habang nagpapaalam ang mga guest, tanging tipid na ngiti at salamat ang sagot niya sa mga ito. She didn't even question where Enzo was dahil sobrang bothered siya sa mga tingin ni Aiden.

"Ma? Hindi ba kayo sasabay?" Narinig niyang tanong ni Zeus.

Nakahinga siya ng maluwag nang umalis na ang mga Lockhart. Nalamog na nga ang pisngi niya sa kakakurot dito ni Nia. Buti nalang ay si Imogen ang palagi nitong kadikit ngunit kahit ito rin ay may kakaibang ngiti sa kanya.

Ezra hugged herself, watching the Sinclaires talk about something na hindi niya alam. Bakit kailangan pang lumayo ng mga ito?

Sunod niyang nakita ang pag alis ng sasakyan na laman si Zeus, Aiane, Aria at Blake. Nagpaiwan ang magulang ng tatlo.

Sasabay siya sa mga magulang nila. Mukhang hihintayin pa nila si Enzo dahil walang may alam kung saan ito nagsuot.

"You okay?" Asher drapes his coat over her.

"I feel uneasy," sinabi niya dito ang totoo.

"Bakit naman? I'm sure you loved the party---"

"Of course I did. It's just that..." Her brows furrowed. Hindi niya ma-explain dahil siya mismo ay hindi maintindihan ito. What's wrong with her?

Bakit parang may hinahanap ang sistema niya? Ang lahat naman ng pwede niyang hanapin ay narito na. Her whole family is with her pati na ang extended. Ano pa ba?!

"Ezra"

Sabay nilang tinignan ni Asher kung saan nanggaling ang boses. It came from her Mom who is giving her a warm, assuring smile.

Bakit kailangan ganon pa ang ngiti nito?

She sensed that something is really wrong. Or maybe she's just assuming?

"May pag uusapan muna tayo bago umuwi"

"Am I in trouble?" Kinakabahan niyang tanong.

To her relief umiling naman ito bago bumaling kay Asher. "Pwede mo bang hanapin si Enzo? Sa Leisure room kayo dumiretso, Ash"

Sinclaire Academy: Half BloodsWhere stories live. Discover now