Chapter 1 : JUBEL

45.7K 631 31
                                    

Louise (POV)

" hey Santi! where are you na? Lian and I already here in the parking lot " bungad ko sa kaibigan ko pagkasagot na pagkasagot nya ng telepono. Kasalukuyan kaming nasa The Trellis Makati ngayon at iniintay ang mga kumag kong kaibigan.

" your too atat my dear!... mauna na kayo sa loob, I have my reservations at 7 pm so i guess pwede na kayong pumasok. Na stuck lang kami sa traffic dito sa EDSA" maarteng paliwanag nito.

" nampucha! make it fast bakla ... sayang ang gabi!" pang -aasar ko na sinabayan ko pa ng pagtawa. Nangingiti si Lian na nasa tabi ko na kasalukuyang inaayos ang gamit nya.

"aba at ang bruha nato'!.. what do you want me to do? lumipad?!" protesta nya.

I'm imagining him na pinanlalakihan ako ng mata habang nakapamaywang . Naiiling na lang ako, baklang bakla talaga ito.

Santi was my friend since college days, A closet gay. Lalaking -lalaki pa sya ng mga panahon na yun, madami rin ang nahumaling sa kanyang babae, dahil sa taglay nyang kagwapuhan pero eversince pusong babae na talaga sya. Hindi rin biro ang pinagdaanan ng baklitang yun because he was from a Chinese Prominent family. Ilang sipa at suntok din ang natanggap nya mula sa striktong tatay nya para lang patinuin sya.

But in fairness to him nagpilit naman syang maging lalaki para sa family nya. if i'm not mistaken, he even tried courting Lian na naging kaibigan din namin, pero wala ring kinahinatnan. His family even done the traditional arranged marriage for him, at ng mga panahon na yun willing na syang maging miserable ang buhay, nawalan na sya ng pag-asang maging masaya dahil halos ikulong na sya ng Father nya sa Mansion nila. Inihanda na nga nya ang sarili sa kasasadlakan ng buhay nya. Pero muli syang nabuhayan ng loob when he met Henry, his brothers best friend, a businessman from Germany.Duon na lumabas ang tunay na kulay nya at lalong lumakas ang loob ng ma-confirmed na gusto din sya nito. Itinakas sya nito from his family and dinala sa Germany. After a year natanggap na rin sya ng Family nya. Sayang nga lang dahil that was the time na may sakit na ang father nya.

and the rest sabi nga nila is history.

Actually, welcome back party nya ang i-cecelebrate namin tonight. Kakadating lang nya from Germany the other day.

"ano hindi na ba natin sila antayin? " tanong ni Lian while removing her seatbelt

"una na raw tayo,nasa edsa pa sila.. tara!" yaya ko kay Lian, after i get my carkey and removed my seatbelt.

Sumunod naman sya at agad na tumungo sa bungad ng club. Pagpasok pa lang namin ini-assist na kami ng waiter sa designated table namin at agad na umorder ng light drinks habang hinihintay sila Santi. Buti na lang at kumain muna kami sa bahay nila Lian bago umalis, if not sisikmurain kami kapag nagkataon.

Pansamantala akong tumingin sa paligid and sigh. This life, hindi yata ako magsasawa sa ganitong environment, for past few months wala na akong ginawa kung hindi mag clubbing at bar hopping. but why not, nagbabawi lang naman ako.

Jusmio! nuong panahon naman na nag-aaral ako, super tutok ko noh. Nasabik ako sa night life kaya pagka graduate at makapasa sa board exam kaliwa't kanang party na ang pinuntahan ko. Ano lang ba naman ang magligalig ng ilang buwan. Pero syempre, hindi naman habang panahon ganun na lang. Next week I need to work na. back to reality na naman ang peg ko.

"ang lalim ng iniisip mo girl" bati ni Lian pagkalagok ng iniinom nya

Bumuntong hininga muna ko bago ako sumagot " paano ba naman back to reality na next week, mag-start na ako sa work at siguradong yung ganitong event bihira ko ng magagawa"

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now