Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "

13.2K 388 24
                                    

Gabby's (POV)

"gumawa ka na lang ulit ng bago" pamaya-mayang sabi ko when I noticed na hindi na ito makakibo sa kinatatayuan nya. Pagkasabi nun tumalikod na ako at nagpakawala ng isang ngiti.

She never failed to make me feel this way. Ang gawing roller coaster ang emotion ko.

Im really not in the good mood ng umaga na yun dahil sa kapalpakan na naman nila Rene. Kaya tuloy ang aga-aga sermon ang inalmusal nila mula sa akin.Idagdag mo pa ang isipin tungkol kay Louise at ang plano na pag-iwas sa kanya na mukhang hindi ko yata kakayanin, dahil kanina ng mabungaran ko sya, sumikdo na naman ang puso ko. It's a good thing I know how to control myself, kaya kahit na nagwawala ito hindi ko yun ipinahalata sa kanya.kahit na nga ba sa tuwing maghihinang ang mga mata naming dalawa ay halos magkandabuhol ang paghinga ko.

Kanina inside the pantry I didn't expect her to talk to me para lang mag-thank you sa binigay kong pagkain nung nakaraang linggo. Hindi ko na sana sya papansinin pero, sa hindi malamang dahilan I just found myself staring back at her after kong uminom ng tubig. That's when I noticed kung ano ang ginagawa nya.

Obviously, wala sa sarili si Louise when I glanced at her. Napansin ko kaagad na salt ang nailagay nito sa coffee nya instead of sugar. walang patumangga pa nya iyong hinalo ng hinalo not noticing na lumiligwak na dahil sa pagkakatitig sa akin.

Though I felt the urge na punahin sya, hindi ko na yun nagawa dahil na-aamuse ako sa pagtitig na ibinabato nya sa akin.

Am I really that beautiful para mag-react sya ng ganuon? Is my presence really that strong and hard to resist kaya halos mawala sya sa sarilli nya?

Conceited much Ms. Sandoval? Kontra ng alter ego ko.

Hindi ko tuloy naiwasan ang magpakawala ng isang tipid na ngiti kanina dahil sa inakto nya. Hahayaan ko na nga lang sana sya at iignorahin, ang kaso mo instead of walking towards the door sa pangalawang pagkakataon natagpuan ko ang sariling papalapit sa kanya.

Kasalukuyan kong binabalikan ang nangyari sa pantry when the person inside my office caught my attention.

"what are you doing here?" sita ko sa taong nakatalikod at nakapamulsa sa suot nitong faded jeans while looking around my office at nag-uusyoso.

"hey men! Good morning" Rowan greeted me. Grinning from ear to ear . Kung batiin ako nito parang walang nangyaring sagutan sa amin nitong mga nakaraang araw. Cool na cool ang dating at pangiti-ngiti pa ang kumag. Kung sabagay, ganito naman ito eversince, masyadong palagay ang loob kaya nga napagkakamalan na mayabang dahil sa asta nya.

Iiling-iling akong dimiretso sa office table ko at pabalagbag na naupo.

"what do you want Rowan?" sita ko ulit sa kanya.

" don't look at me like that naman pare'" reklamo nito when she noticed me giving her a death glare.

" i came here in peace okay?" dugtong pa nya.

"if this is regarding the issue na pinagtalunan natin, im telling you pre ,dont push your luck this time or anytime, because you can not force me na gawin ang gusto mong mangyari" dire diretsong sabi ko sa kanya.

"okay... okay... im not saying anything.. though nagpunta ako dito dahil sa nangyari nung isang araw. Im here to say sorry.. i did not get your point and i know that makes me look like a stupid bestfriend of yours na nagpaka insensitive sa nararamdaman mo" mahabang paliwanag nito in a serious tone. I just look at her intently at tinatantya kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"im dead serious men.. Im sorry, i really do" dugtong nito ng hindi ako kumibo.

"apology accepted" pamaya mayang sabi ko na ikinangiti nya. Bumalik na naman ang playful na itsura nito na hindi ko nagustuhan dahil im not in the mood para makipagbiruan. Napakadaming gagawin sa opisina at ang maisip lang na magbabad ito dito ay nakakapag pa stress na sa akin.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon