Chapter 18 : Surprise!

11.2K 369 22
                                    

Gabby's (POV)

"Nay' sabi naman sa inyo wa--- " naputol ang anumang sasabihin ko ng mabungaran ang familiar na pares ng mga mata na ngayon ay nakatitig din sa akin. I was shocked a bit na may kahalong pagtataka kung bakit nasa harapan ang taong kanina lamang ay naglalaro sa isip ko.

"L-Louise? what are you doing here?" nagugulumihan kong tanong. Secretly checking her out sa suot nyang black sleeveless na damit and maong na short na tinernuhan ng white sneakers. Ang fresh ng itsura nya ngayon, so simple and yet nagpalutang yun sa taglay nyang kagandahan.

"ahm.. a-actually napadaan lang ako to give you this " nahihiyang sagot nya kasunod ng marahang pag-abot sa akin na isang familiar na paperbag.

"m-may pinuntahan lang kasi ako jan sa k-katabing mall, eh since walking distance lang naman itong condo mo from there kaya naisipan ko na ring dumaan, y-you know.. m-medyo.... medyo worried pa rin ako sa situation mo" nahihiyang pagpapaliwanag nya habang ako naman ay sinisipat ang laman ng iniabot nyang paperbag.

I smiled secretly, When i realized kung ano ang nasa loob nuon. it was my comfort food. A freshly baked chocolate chips cookies from famous amos.

I glanced at her wondering if she have any idea na isa ito sa paborito kong pagkain. Pero animo sya inosente at tila nagkataon lang na iyon ang naisipan nyang ibigay.

"tsk, nag-abala ka pa.. anyway, thanks dito" i told her sabay turo sa ibinigay nya in a serious a tone at Pagpapatay malisya sa nararamdaman na tuwa na hatid ng pagiging thoughtul nya.

"your welcome" nakangiti nitong sagot. 

"naglalanggas ka? " dugtong na tanong nya pamaya-maya while looking at my right hand na bahagya na lang napapaikutan ng gasa.

"yeah, gagamutin ko pa lang sana ng marinig kong nagdoorbell ka" i answered back while scanning my hand .

"tulungan na kita jan, baka mahirapan kang maglagay ng bandage" she offered.

I stop and stare at her for a while at tinantiya ang sinabi nya. I would like to decline her offer dahil pakiramdam ko kaya ko naman, but i saw her throwing me a firmed look. Kung kaya sa huli ay pumayag na rin ako at niyaya ko na syang pumasok sa loob ng unit. Iginiya ko sya sa sala kung saan nanduon ang medicine kit at magkapanabay kaming umupo ng magkatabi sa bakanteng love chair.

Pamaya-maya lamang, umayos na sya ng upo paharap sa akin para simulang linisin ang sugat ko. At first medyo awkward ang sitwasyon namin lalo na when she gently took my right hand, for a while i felt the familiar electricity na sa kanya ko lang nararamdaman. Her hand was so soft and warm. yun bang tipo ng kamay na hindi mo pagsasawaang hawakan at hindi mo basta basta bibitawan.

"masakit ba?" pukaw nyang tanong sa akin ng maramdaman ang pagpitlag ko habang hindi nya inaalis ang atensyon sa ginagawa, and slowly removing the bandage to my injured hand.

"ah.. h-hindi naman" agarang sagot ko. not fully aware na bahagya akong nag- stammer sa huling tinuran. She didn't know na napapitlag ako not from the pain but from the slight electricity na dumaloy sa mga kamay ko the moment na dumaiti ang kamay nya.

From my point of view, i saw her smirked mula sa pagkakayuko hanggang sa Ipinagpatuloy nya ang ginagawang paglinis habang ako naman ay pinagsawa ang mga mata sa walang patumanggang pagtitig sa kanya.

"nagdinner ka na ba?" basag nya sa katahimikang namayani kasunod ng bahagyang pagsulyap sa akin.

"hindi pa, magluluto pa lang si Nay' Lena kanina ng may nakalimutan syang rekado. Kaya hayun bumaba saglit at pumunta sa grocery" mahabang litanya ko not minding if she needed that kind of information. Hindi ko sya hiniwalayan ng tingin habang nagsasalita sa pag-aalalang may mamimiss ako sa ginagawa nya. Naaaliw akong pagmasdan sya sa maingat na panglalanggas ng sugat ko. She moves gracefully at tila sanay na sanay sa ganuong bagay. I was totally engrossed sa ginagawa nya ng bigla itong magsalita.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon