Chapter 7 : " Green minded"

13.5K 451 25
                                    

Gabby's (POV)

Waking up with extreme headache is one of the things na ayokong ayoko. Not to mention na kung ang dahilan nito ay hang-over dala ng sobrang kalasingan.

Halos hindi ko magawang idilat ang mga mata sa sobrang pagkaliyong nararamdaman ko. Kahit nakapikit pakiramdam ko umiikot ang paligid ko.

Eto na nga ba ang ayaw ko pagkatapos mag-inom. Oo nga at mag-eenjoy ka sa simula pero after that sakit naman sa ulo ang kapalit. Bakit nga ba naimbento pa ang alak? Kung sa bandang huli pahihirapan ka naman nito sa hang over?

Tsk! Parang pag-ibig lang din noh? Bakit pa naimbento kung palagi ka namang masasaktan.

Iilang beses ko na nga bang isinumpa ang alak sa tuwing nagigising ako ng ganito?

Hindi ko na yata mabilang sa daliri ko. Pero sa tuwina hindi ko pa rin mapigilan ang sariling hindi tumikhim nito lalo na kapag may pinagdadaanan ako. In fact, dapat nga sanay na ako sa ganitong scenario because if im not mistaken, ilang buwan din na ang naging libangan ko ay ang pag-inom ng alak.

Iba na ngayon Gabby. Ilang lingo mo na rin itinigil ang pag-inom hindi ba? why sudden change at bumalik ka na naman sa dati mong bisyo?

Tsk! Hayaan mo sya, paminsan minsan lang naman. Kahit kailan KJ ka talaga!

Nang dahil yata sa nagtatalong utak ko kaya lalo kong naramdaman ang pag-guhit ng sakit sa ulo ko.

When I open my eyes bahagya pang umikot ang paningin ko. Pinilit kong tumayo pero tila hindi ako makagalaw dahil naramdaman ko ang isang mainit na bagay na nakadagan sa akin. When I check it kung ano yun, bahagya pa akong nagulat ng makitang hindi yun isang bagay, kundi isang pares ng braso at hita ng babae ang kasalukuyang nakadagan sa katawan ko. I quickly check on what i am wearing and felt relief ng makitang nakadamit naman ako. Nilingon ko ulit ang babaeng katabi ko na mahimbing na natutulog.

Who is she?

I don't remember anything na nag take home ako ng babae. Isa pa, hindi ko naman talaga ugali ang magsama ng babae dito sa condo ko. My privacy is too important for me. kaya kung nagkakataon man na nakikipag-flirt ako at humahantong sa ganitong scenario, it's either sa lumang condo ko yun dinadala or umuupa ako ng hotel.

Naguguluhan man sa natuklasan, I slowly turned sideways para sinuhin ang nilalang na nasa tabi ko. Hindi ko makilala kung sino iyon dahil natatakpan ng mahaba nyang buhok ang kabuuan ng mukha nito. Unti-unti ko yung hinawi and felt the sudden relief ng makilalang si Audrey lang pala yun.

Sandali kong pinagmasdan ang mukha nya. Audrey was beautiful at hindi ko yun itatanggi, she's a great example of what they call is a divine beauty. Bukod dun, she has this attitude na kagigiliwan mo. Makulit ito at jolly person, pero ang pinaka nagustuhan ko dito ay ang pagiging malambing nya at showy. She does'nt mind showing her feelings kahit sa harapan pa yan ng madaming tao. Kasehodang kaibigan ka nya o Jowa, basta maiparamdam lang nya na importante ka sa kanya. Must be the reason kung kaya't sa dami-dami ng kaibigan na iniwan ko sya lang ang nag-iisang tao na hindi ko mai-let go.

I wasn't like this before, kagaya lang din ako ni Audrey na nuon ay happy-go-lucky. cheerful at very optimistic person . Not until someone destroyed me inside-out. That's when the time I started to shut down myself to all the important people in mylife. Including my very own Family .

Audrey is one of the person na kayang palabasin ang dating ako at sya lang ang bukod tanging tao na nakakaintindi sa pinagdadaanan ko. She did'nt leave me during the times i felt na nagiisa na lang ako sa mundo at kahit na halos ipagtabuyan ko sya makulit pa rin itong bumabalik sa akin. At dahil nga dun, nasanay na rin ako sa presensiya nya.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now