Chapter 36

7.3K 260 22
                                    

Louise (POV)

Astonishment. Disbelief. Envious. I felt all this negative emotions simula pa ng dumating si Audrey at daluhan kami sa dining area.

All along I thought that I will be dealing only with one of her family member tonight at iyon ang kanyang ama. Nakapag-adjust na rin ako sa idea na iyon pero magkagayonman may isang bahagi ko pa rin ang naiilang sa hinaharap na sitwasyon.

Hindi ba at ito ang dahilan ng pagdadamdam ko kanina, when I found out na malapit pala kila Gabby ang family ng babaeng pinagseselosan. And not only that,  mas umigting ang inis ko when my girlfriend confirmed ang hinala ko that this Audrey have feelings for her.

But then, Gabby comforted me at the same time assured and secured our feelings by express how much she really love me.

Pero come to think of it, bakit nga ba sa dinami-dami ng pagkakataon na pwedeng paunlakan ni Audrey ang invitation ng family ni Gabby ay itinapat nya pa ang pagdalaw ngayon.

Ngayon pa kung kailan nandidito din ako.

Malamang para matiyempuhan nya si Gabby, eh hindi ba't nadulas na nga si Dreek sa pagsabing hina-hunting nito ang gerlpren mo?

Possible nga kaya na iyon ang dahilan ng biglaan nyang pagsulpot dito?

"I don't know what gotten into their minds at inimbitahan nila ang babaeng iyan" Sami's voice interrupted me from thinking.

Daglian tuloy nitong naibaling ang attention ko.

Na syang dahilan kung bakit hindi ko napigilan ang sariling sumulyap sa gawi nito and then when I do, I abruptly noticed the annoying look into her eyes while staring at the girl few meters away from us.

Kay Audrey.

We are currently sitting on the patio at nagpapahinga. Dito kami iginiya ni Mama Helena after the Family dinner. Aniya, nais nyang magkaroon ng small gathering kaya nagpahanda sya ng mga drinks. Isa pa,  ito daw ang unang pagkakataon na nakauwe si Gabby after ng nakapakahabang panahon kung kaya para sa kanya ay deserving naman ng mga kapamilya nya ang ganito kaliit na okasyon.

Ako, si Nate at Sami pa lang ang nandirito dahil si Gabby ay nagpaalam na magre-rest room while Nyel excuse his self para makapag-review and Dreek escape at kasalukuyang hindi mahagilap.

"tell me Nate, are you involved in this idea?" for the second time around Sami steal my attention ng muli itong magsalita.

She seems that she cannot move on from Audrey's presence. Kaya kahit ang nananahimik at busy sa cellphone na si Nate ay sinita nito.

"Idea of what?" tanong ng kausap na hindi lumilingon habang panay ang scroll sa touchscreen na cellphone nito. Unfortunately, hindi nito kaagad nakuha ang itinatanong ng kaharap.

"all this thing, ang pag-inform kay Gabby na kunwareng na-aksidente ka at ang HINDI pag-inform sa kanya na dadating ang babaeng iyan" dire-diretsong sabi ni Sami. Emphasizing the word "hindi" para makuha sana ang atensyon ng katabi.

"wala akong alam diyan" tanggi ng kausap. Still focusing on her cellphone .

"oh come on Nate! Kasanggang-dikit mo ang may pakana ng lahat ng ito and you want me to believe na wala kang kinalaman sa mga nangyayare?" maanghang na bwelta ni Sami.

Nang mga oras na iyon I felt na hindi dapat ako nanduon at nakatanghod sa nagsisimulang pagtatalo ng dalawa.
Oh well, si Sami lang naman ang iritado ng mga oras na iyon while Nate remain calm and cool na bagamat hindi nag-aabalang tumingin sa kausap ay sinasagot naman ang lahat ng itanong nito.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now