Chapter 22 : She Cares For YOU

12.4K 369 93
                                    

A/N

Why do we care for someone? 

...is it because they make us feel good ?..

...is it because they're touches our lives?... 

... or maybe because of one simple reason... 

.. we love them and it make us feels good  that they're touches our lives... 

********

Louise (POV)

I was staring at my computer the whole afternoon. Ang kaninang plano na pag-eencode ng mga working permits ay nanatiling plano na lang dahil up until now wala pa rin ako sa huwisyong magtrabaho. Ilang araw na akong ganito, walang gana at parating wala sa mood. I guess ganito talaga kapag may isang tao kang namimiss ng sobra. Nagiging iritable ka over the small things.

"Ma'am Louise, ipinabibigay po ni Ma'am Cess. Pakitabi na lang daw po muna" pukaw ni Mike sa akin habang inaabot ang Level Bar ni Cess.

"Nasaan siya, Mike?" tanong ko pagkatapos kuhanin iyon.

"nag-witness ng testing sa 10th floor Ma'am, ipinakisuyo lang sa akin yan ng nakasalubong ko sya sa may hagdanan" sagot nito at kapagdaka'y umalis na papunta sa Pantry Room.

Agad naman akong tumungo at inilagay ang level bar sa ilalim ng lamesa ni Cess. Tatayo na sana ako buhat sa pagkakayuko ng may mahagip ang paningin. It was a small card with a familiar penmanship on it. Agad ko iyong dinampot, tumayo at matamang binasa ang nakasulat.

Louise,

Thank you for taking care of me.. :)

Gabby

Halos magkandabuhol-buhol ang hininga ko when i read my name in it and recognized that it was Gabby's penmanship. The message was obviously for me. Naguguluhan akong napaupo sa sariling lamesa habang hawak-hawak ang napulot at pilit iniiisip kung papaanong nagkaroon ng ganitong greeting cards ng hindi naman ako aware. Wala sa sariling ininspection ko yun and noticed the familiar logo at the right corner of it. Pero mantakin ko mang isipin hindi ko maalala kung saan ko iyon nakita.

"Louise!! oh god anjan ka lang pala!" humahangos na tawag sa akin ni Jamie. Sandaling napukaw ang atensyon ko sa hawak-hawak at kunot noo akong bumaling dito.

"problema mo, Amay?" tanong ko. Pero imbes na sagutin. She agressively grab my left-arm at hinatak patayo. "sumama ka sa akin, i don't know if this is a good news or bad news sayo.. pero i think may kailangan kang malaman " sabi nya habang tangan-tangan akong naglakad.

"teka! saan ba tayo pupunta?" nagugulumihan kong tanong. Pero hindi na nya iyon kinailangan sagutin pa dahil makalipas ang ilang hakbang ay huminto kami sa tapat ng Safety Office.

Kumatok muna sya ng tatlong beses bago pinihit ang door knob para kami ay makapasok.

Nadatnan namin si Jet - ang isa sa Safety Officer dito na nakaupo sa tapat ng PC nito. Bahagya pa itong nagulat at nanlaki ang mga mata ng mabungaran kami ni Jamie.

"Jet, patingin naman ng ipinakita mo kanina" bungad ni Jamie sabay lapit sa kausap leaving me standing beside the door. Naguguluhan man sa inaakto ng kaibigan ay hinayaan ko na lang sya habang nakatunghay sa kanila at pinipilit ang kausap sa isang bagay na hindi ko maintindihan.

"a-ay hindi na pwede M-ma-am. mapapagalitan po ako ni Sir Ralph" naiilang na sabi nito referring to his Immediate Safety Supervisor habang pinaglilipat ang tingin sa aming dalawa ni Jamie. Bahagya pa itong namutla ng mapagawi ang tingin sa akin.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon