Chapter 10 : " Salt or Sugar? "

12.9K 415 27
                                    

Louise (POV)

"i think i'm gay" bungad ko sa mga kaibigan ko na nakapagpagulat sa kanila. Si Akie na kasalukuyang nagju-juice ay naibuga ang ininom nito sa mukha ni Santi. While Lian fell out of bed habang pilit na inaabot ang cellphone nito sa side table na nasa gilid ng kama. Bukod tanging si Santi lang ang hindi ko kinakitaan ng pagka-shock sa sinabi ko but unfortunately medyo nairita ito sa pagbuga ng likido ni Akie sa mukha nya.

"ano ba yan girl! bugahan ba ang fezlak ko!" reklamo nito.

" uy! im sorry ..hindi ko sinasadya" paumanhin ni Akie na halos hindi magkandatuto kung paanong pupunasan ang mukha nito.

Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Santi at nagba-bonding. Hindi kasi ako natuloy sumunod sa kanila sa bar dahil late na ako nakauwi kagabi buti na nga lang at wala akong pasok ngayon kaya ang ginawa ko, pinuntahan ko na lang sila dito ng malaman na dito rin nakitulog sila Akie sa sobrang kalasingan.

"pakiulit nga ang sinabi mo!" sabi ni Lian na nuon ay nakabawi na sa pagkakalaglag at hinihimas himas ang sariling balakang.

"i said i think i'm gay" ulit ko sa tinig na puno ng kasiguraduhan.

"hahaha.!!!... i knew it!!" si Santi na tuwang tuwa habang at pumapalakpak ay sinaway ni Lian by putting her hand into his face at itinulak ito.

"anu ba! mukha ko yun ha!!" reklamo ng bakla ng masaktan ito sa ginawa ng kaibigan.

Waring hindi naman ito pinansin ng dalawa na hindi pa rin maka get over sa pag amin ko.

"teka.. paano mo naman nasabi yan aber?" naghahamon na tanong ni Lian habang nakapameywang. Alam ko na sya ang lubos na magrereact sa sinabi ko. Knowing her na sagrado Katoliko at hindi sang-ayon sa mga 3rd sex issue.

Eh bakit si Santi natanggap nya?

Iba naman ang case ni Santi, kaya natanggap nya ito kahit iba ang sexual preference.

" i think i'm in love with this woman" confess ko sa kanila. I know they will understand me kung kaya wala akong kiber na aminin sa kanila ang nararamdaman ko.

"sino itetch?!!" excited na tanong ni Santi habang parang kinikikig at kung todo ang pagngiti.

Tinapunan ko muna silang tatlo ng tingin at tinantya sa sarili kung handa na ba akong sabihin sa kanila.when i saw in their eyes the eagerness at walang halong panghuhusga. Inamin ko sa kanilang it was Gabby.

"oh my god!" gulat na reaction ni Santi 

"wait sinong Gabby?" naguguluhang tanong ni Akie

"si Gabby yung naka-one night stand nya dun sa The Trellis!" excited na singit ni Santi.

"huuwwaaattt???!!!" magkapanabay na sigaw ni Akie at Lian

" nakipag-one night stand ka sa babae??!" gulantang na tanong ni Lian.

"hoy ha!!! Ang OA nyo. Paulit ulit? Kakasabi lang di ba??" salag ni Santi

" eh teka! Sandali nga lang naguguluhan ako.. oo na nakipag one night stand ka...pero sino nga si Gabby?" si Akie

"si Gabby yung pinagpustahan namin remember? The beautiful lady na kumaladkad sa kanya dun sa likuran ng club" si Santi ulit. It seems na hindi ko na kailangan pang magsalita dahil lahat ng tanong nila Akie sinasagot na ng intrimitidang bakla.

"eh kelan nangyari yung one night stand na sinasabi mo?" si Akie

"nuon din.. nung mismong gabi na yun.. jusko!! hindi ba ninyo nakita ang itsura ni Louise ng bumalik sa loob ng club.. duh!! Hindi nyo ba napansin na parang ni rape sya ng isang katerba lalaki? well in fact si Gabby lang naman pala ang lumapastangan sa kagandahan nya." maarteng sabi ni Santi.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon