Chapter 28 : Meetup

14.4K 384 52
                                    

Louise (POV)

"Matagal pa ba yan, Babe?" a sweet voice of Gabby interrupted me from encoding kasunod ng marahan nitong pagdukwang at pagsubsob sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Hindi ko naiwasan ang magpakawala ng ngiti ng dahil sa ginawa nya. For past few days, weeks and months na nagka-aminan kami unti-unti kong nakilala ang isang Gabby Sandoval. Taliwas sa mga inakala kong dati nyang ugali na conceited, inconsiderate at matigas ang puso ay lumitaw ang magagandang traits nito. She is conceited yes, pero may ipagyayabang naman kasi ito lalo na sa kasalukuyang trabaho. She know almost everything kahit sabihin pa yang technical o hindi, lalong lalo na sa operation. Which is now, i understand kung bakit sa kabila ng napaka stressful na work sa site ay kayang-kaya nyang i-handle ang mga iyon. Gabby is too passionate and focus when it comes to her craft. Yun nga lang, istrikto talaga ito when it comes to work, pero magkaganuon man pagdating sa labas ng trabaho i find out na humble naman pala ito at marunong makisama.

Napatunayan ko ito when we attended the Project Team Building na ginanap sa Lobo, Batangas. Sa umpisa ilag sa kanya ang mga sariling empleyado at halos ayaw makihalobilo not until she didn't hesitate to join some of the group activities. Na kalaunan ay naging daan kung bakit nakampante ang lahat sa kanya.

In the end napagkikita ko na lang ito na nakikipag bonding sa iilan, pero syempre hindi naman nya inubos ang oras nya duon dahil sa malamang ay hindi naman ako papayag . And though our relationship remains unrevealed sa lahat, natuwa ako at nakagawa pa rin kami ng paraan to spent the whole night together.

Mula sa malalim na pag-iisip ay napaigtad ako when i suddenly felt my girlfriend lips started nibbling my collarbone "babe!" i giggle habang sinusuway ito sa ginagawa.

"pagod na ako, alis na tayo" she said in a soft voice not minding my reaction habang hindi pa rin inaalis ang mga labi nya sa balikat ko at patuloy na kinakagat-kagat iyon ng marahan. Sa kung anong dahilan ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok . i wont deny that her motion obviously send shiver all thru out my body.

"baka may makakita sa atin, sige ka" kunwaring saway ko kahit nalulunod na sa sensasyon na hatid ng ginagawa nyang iyon.

Apparently, it's already 8pm and were the only persons left here at the Site Office at iyon nga ay dahil sa mga kanya-kanyang trabaho na pilit tinatapos. Pareho kaming abala sa kanya-kanyang gawain kung kaya't hindi ko malaman dito kung bakit daglian itong lumapit sa akin gayong alam ko namang sandamakmak ang mga papeles na pinagkakaabalahan nya simula pa kaninang umaga.

"i don't care" she mumbled na ikinataas ng isa kong kilay, if i remember it correctly sya itong ayaw ipaalam sa ilan kung anong label meron kami sa ngayon. Kung sa akin lang, wala naman kaso kung maging legal na kami. Isa pa hindi ko naman ikinahihiya na isang kagaya nya ang ka-relasyon ko.

Duh? at bakit mo nga naman ikakahiya ang isang Gabby Sandoval? tanong ng isang parte ko.

For all i know, madami ang nag-aasam na maging parte ng buhay nito. Dito lang sa Site Office may ilan akong mga kapwa Engineer na kinariringgan kong kinikilig tuwing ito ay nasa paligid. Idagdag mo pa ang ilang Site coordinator ng ilang mga subcontractor and even some office staff sa head office na nahuhuli kong wiling-wili na pinag-uusapan sya.

I felt proud of course, bakit nga hindi? eh kung ako na ngayon ang legal na nagmamay-ari ng puso nito at kahit sabihin pa ngang first time ko itong sumabak sa ganitong klaseng relasyon, that didn't bother me na baka kung ano ang maging reaction ng ibang tao.

"you don't care talaga?" tudyo ko dito ng muling bumalik ang kamalayan at kapagdakay humarap sa kausap. Tuluyan ko ng itinigil ang pag-eencode ng mga iilang permits at hinayaan ang sariling magpatianod sa nararamdaman.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now