Chapter 14 : Don't Leave ME

12.1K 378 41
                                    

Louise (POV)

"Oh My God Gabby!" sigaw ko when I saw her.

There she was nakasalampak sa ilalim ng puno with both arms rested on her folded knees, nakayuko ito habang umiiyak with bleeding hand. Puro dugo ang kanang kamay nito na nakapagpalambot ng tuhod ko. Agad ko siyang dinaluhan at lumuhod sa tapat nya ng tuluyang makalapit. I hug her automatically trying to console her by gently stroking her back while she was crying.

Oh God! I hate seeing her like this, kung kanina nasasaktan lang ako sa nadinig kong pag-uusap nila ni Jenna. Ngayon naman my heart is tearing apart sa nakikita kong sitwasyon nya. Malayong-malayo sya ngayon sa Gabby na kilala ko. Here she was in her vulnerable state at halos hindi ma-control ang sarili by weeping like a child. With her situation, hindi ko naiwasan ang pag-usbong ng galit para kay Jenna.

How could she possibly hurt her like this?

I know Gabby is one of hardest person sometimes, pero she deserved to be loved. I know that dahil ganyan ang nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko man alam kung ano ang mga pinagdaanan nila but I know that she hurt her so badly kaya ganito ang naging resulta ng muli nilang pagkikita.

Oh Gabby! If there is any another way to ease the pain that you're feeling right now ginawa ko na. wag lang kitang makita na nagkakaganito dahil nasasaktan ako para sa'yo. Piping bulong ng utak ko.

Nakaka-frustrate malaman na wala kang magawa para sa taong mahal mo. Kahit magbato ng comforting words para gumaan ang pakiramdam nya hindi ko kayang isatinig. Because I know at nararamdaman ko na hindi nun kaya paghupain ang kung sakit na pinagdadaanan nya ngayon. Wala akong magawa kung hindi yakapin sya ng mahigpit at iparamdam na hindi sya nag-iisa.

Nang marinig na bahagyang humina ang pag-iyak ng kayakap inilayo ko ang sarili sa kanya at iniangat ang mukha nito. Tigmak yun ng luha, namumula ang mukha at namumungay ang mga mata. Which reminded me na nakainom ito base on the smell of alcohol na naamoy ko kani-kanina lang. I scanned her and was shocked nang mapagawi ang tingin sa kanang kamay nya.

"What did you do to yourself?!" ang nag-aalalang tanong ko while examining her hand na by that time ay puro sugat at dugo na. Hindi na rin nya rin halos maigalaw dahil sa sobrang pamamaga nito. Hindi nya ako sinagot and just keep on crying habang nakayuko.

Kailangan nyang magamot kaagad. Sa isiping yun mabilis kong dinukot ang cellphone on my left side pocket at idi-nial ang number ni Kuya Edwin. I know his still here dahil nakita ko pa ang service vehicle kanina while looking for Gabby. I needed him to assist me with her. She's in bad shape dahil bukod sa injured ang kamay nito hindi na rin ito makagulapay dahil sa espiritu ng alak.

Nakailang ring din ang cellphone nya bago ito nasagot. When he heard me and asked him to help me with the situation kandabulol pa ito sa pagsagot ng oo. Hindi naman nagtagal at dumating din sya na humahangos papunta sa gawi namin. He stunned for a while ng makita ang sitwasyon ni Gabby pero agad din syang nakabawi at tinulungan akong alalayan ito papunta sa service vehicle. Bago sya sumakay sa drivers seat i asked him to secure Gabby's Car na agad naman nyang ginawa. When his done nagmamadali itong sumakay ng sasakyan at pinaharurot papunta sa pinakamalapit na hospital.

********

When we reached the nearest hospital agad naman kaming ini-assist ng ilang nurses na naabutan namin. When they finished examining Gabby's hand agaran na nila itong ginamot. Hindi nagtagal at palabas na kami ng hospital after na bilinan ako ng hand physician sa mga dapat gawin para kay Gabby.

"Kuya alam mo ba kung saan ang bahay ni nya " tanong ko habang pasakay kami ng sasakyan.

"Yes Ma'am" sagot nito ng maipuwesto na namin si Gabby sa gawing gitna ng upuan. Medyo nahirapan kaming alalayan ito dahil hindi na makalakad ng maayos dala siguro ng bahagyang tama ng espiritu ng alak na ininom nya kanina.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now