Chapter 30 : Unplanned

15.4K 381 52
                                    

Louise (POV)

It was a very lazy morning when Cess approached me and asked for my help to witness a ponding test on the upper floor. Gusto ko sanang tumanggi dahil wala pa ako sa huwisyo magtrabaho. Apparently, my girlfriend and i spend late night talks and cuddling after ng mainit na make love namin. pinuyat ko talaga ito para masulit ang oras naming dalawa bago man lang sya umuwi sa Province nila.

It may sounds so cheesy and over clingy pero talagang mantaking ko mang isipin, pihadong mamimiss ko ang katipan dahil sa pansamantalang paglayo nito.

With that thought, daglian na namang nanikip ang dibdib dahil sa bigat ng pakiramdam na bumalot duon. Para maibsan, palihim akong dumukwang sa drywall partition and glance at her office particular sa table nitong nakaharap sa gawi ko. Pero lalo lang akong nalungkot ng maalala na wala nga pala duon ang taong pakay ng mga mata.

Gabby went out to head office para ibilin ang ilang trabahong mabibinbin sa TA nyang si Cha. Hindi ko na ito naabutan kanina ng bumaba ako galing sa active floor, she only manage to send me a text message and informed na babalik ito bago mag-lunch para masamahan akong kumain.

Mula sa bahagyang pagkakatayo ay nanlulumo akong bumalik sa pagkakaupo. Tila napansin naman ito ni Cess kung kaya kagya't na nagkomento.

"Hoy bruha! ayos ka lang ba?" tanong nito na nakapagpalingon sa akin.

"oo naman, bakit?" i replied although hindi naman bukal sa loob ang mga tinuran.

"kanina ka pa kasi ganyan, parang tamad na tamad at parang wala sa sarili" komento ng kaibigan na ngayon ay tuluyan ng humarap sa gawi ko.

"pinagsasabi mo jan?" pagkakaila ko pa rin. Hindi ito kumibo at nakamasid lang sa akin habang nakapameywang. Tila napaso naman ako sa mga nang-uusig nyang mga tingin kung kaya't nagre-act ulit ako para pagtakpan ang kung ano mang nararamdaman na iyon.

"sure ka ba?" may pagdududang tanong nito.

"okay lang ako uy!" pagkakaila ko sabay tayo upang iwasan ang nagtatanong na mga tingin nito. Knowing Cess na malakas ang pakiramdam ay siguradong hindi ako nito lulubayan kung kaya agaran na akong kumilos " kung ano-anong napapansin mo, tara na nga" pagyaya ko dito matapos magsuot ng PPE at tuluyan ng lumabas ng cubicle namin bitbit ang ilang kagamitan, ni hindi na ako nag-abalang mag-intay sa itutugon nito at inunahan na itong lumabas papunta sa Upper Floor.

Mas mainam ng umiwas kesa magpaliwanag sa babaeng iyon at baka mamaya ay maibulalas ko lang ang dinaramdam at mabuking pa kapag nagkataon. Kung bakit naman kasi hindi ko pa nakikita si Amay ng mga oras na iyon, eh di sana may nakakausap akong matino at napaglalabasan ng mga hinaing ko. Kung kailan naman kasi kailangan ko ng mga payo nya at tsaka naman sya missing in action.

Wala sa sariling nagpakawala ako ng buntong hininga when that thought crossed my mind hanggang sa tatamad-tamad akong tumungo sa Service Lift upang isantabi ang alalahanin.

********

All the testing went okay at pumasa naman lahat ng bathroom units sa standard requirement nito. Iyon nga lang, medyo natagalan kami sa iisang area dahil may ilang foreman ang kumonsulta sa amin ni Cess, dahilan kung bakit hindi ko namalayan ang oras. Sinadya kong ibuhos ang attention kanina sa ginagawa para pansamantalang makalimutan ang lungkot na nararamdaman, pero tila masyado naman akong nalibang at kahit tawag ng sariling katipan ay hindi ko napansin.

Nalaman ko lang na kanina pa ito tumatawag at negtetext ng dukutin ang sariling telepono para sana i-message ito at tanungin kung anong oras makakabalik ng Site Office. I was stunned for a while ng bumungad sa akin ang 24 missed calls at 32 messages na galing sa kanya. Palihim akong lumayo kay Cess na nuon ay nagbibigay ng instruction sa ilang workers at pumasok sa kabilang unit.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now