Chapter 6 : Ang Daga bow!

13.4K 435 41
                                    

Louise (POV)

It's been more than 2 weeks when that incident in the conference room happened pero sariwa pa rin yun sa akin. Nararamdaman ko pa rin ang mapupusok nyang halik at ang mainit na singaw na inilalabas ng katawan nya, but aside from that I still feel how hurt i was when she pulled away from that intimate kiss that we have. I felt rejected ng mga oras na yun, the reason kung bakit ilang araw din akong nagdamdam sa kanya. But that feeling soon gone and replace with irritation dahil ng mga sumunod na araw wala na siyang ginawa kundi pahirapan ako sa trabaho at bulyawan.

I don't know why pero ang dating malamig nyang pakikitungo ay lalo pang nadagdagan. Everybody knows na ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko, pero sa tuwina'y palpak lahat yun pagdating sa kanya.

Ewan ko nga ba, pero pakiramdam ko pilit na lang syang humahanap ng butas para mapagalitan ako araw-araw. Kagaya ngayon na galit na naman sya dahil sa kakarampot na Typo Error sa dokumentong pinapagawa nya. Salubong ang kilay nitong pinatawag ako at pinagalitan.

Buti na lamang napakahaba ng pasensiya ko at buti na lang din "maganda" pa rin sya kahit nagagalit. That's the only consideration I get sa tuwing kinakausap nya ako. Nakakalapit ako sa kanya at nasisilayan syang maigi. Madalas inaaaliw ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa kanya habang nagsasalubong ang kilay, naniningkit ang magaganda mata, namumula ang magkabilang pisngi at binubulyawan ako ng maninipis at mapupulang nyang labi.

"anong nakakatawa Ms. Buencamino?! " pamaya-mayang narinig kong tanong nya.

Napansin pala nito ang pagngiti ko habang wala syang patumangga sa pagtungayaw sa akin.

Bigla akong napaseryoso, yumuko at humingi ng dispensa sa kanya. Nang hindi ito kumibo, palihim ko syang tiningnan. She leaned on her swivel chair and sigh in frustration while running her fingers thru her hair. I saw something in her eyes,.. mukha syang pagod at malungkot but she's just faking it at ikinukubli sa dominante nyang mukha.

With that, nakaramdam ako ng simpatya . An urge na lapitan sya at yakapin at pagkatapos sabihin dito " that everything will be alright" kung anuman ang pinagdadaanan nya.

"you may go" pamaya-mayang sabi nito sa mahinang tono.

I just look at her intently not planning to leave her alone even though she eyeing me with her dangerous looks. Nang hindi ako kumibo or kumilos man lang sa pagkaka-upo. Muli syang nagsalita.

"what are you still staring at? " sa seryosong tono

When I notice na magsisimula na namang uminit ang ulo nya, tumayo na akong hindi kumikibo at marahan na lumabas ng kanyang opisina.

"what is it this time at nagalit na naman sayo yun?" salubong ni Sir Fermin sa akin na nakatambay sa cubicle namin.

"typo error" tipid na sagot ko at nakasimangot na inihagis ang hawak kong folder sabay pabalagbag na naupo sa swivel chair.

"what the?! Yun lang?? " natatawang komento nito na iiling-iling .

"seriuosly girl?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Cess with matching panlalaki ng mata. Tumigil ito pansamantala sa pagta-type sa Computer at humarap sa akin.

"i know right" sarcastic kong sagot habang tamad na tamad na nangalumbaba sa lamesa.

" tsk!. Okay lang yan.." alo sa akin ni Sir Fermin sabay tapik sa balikat.

"let's go out tonight, para mabawasan yang stress mo. Sumama ka sa amin nila Cess. Magba-bar tayo" yaya nito sa akin.

I hate to admit it to myself pero minsan gusto ko ng sumuko sa mga pinagagawa ni Gabby sa akin. Buti na lang at nanjan palagi sila Cess at ang ilang Engineers na naging kaibigan ko na rin. Idagdag mo pa si Sir Fermin na laging umaalo sa akin kapag pinapagalitan ako ni Gabby at siya ring nagtatanggol sa akin kapag sinisita ako regarding sa operation. I find him really nice at lalo ko yung napatunayan when he accepted the friendship that i offered ng minsang magtapat sya sa akin na gusto nya ako higit pa sa kaibigan.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now