Chapter 19 : A Dear Friend?

12.2K 460 28
                                    

Gabby's (POV)

"What the hell is y--" bungad na tungayaw ko pero hindi ko iyon naituloy when i saw the person outside my unit. Sa isang iglap para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto kung sino ang nanduon. Ang inis na nangibabaw kani-kanina lang ay tuluyang nawala at napalitan ng pagtataka.

"oh my Cara Mia! exagerated na bati nito sa akin ng mabungaran ako. Kasunod ng di magkandaugagang pagyakap at paghalik sa pisngi ko.

"Ma?! What are you doing here??!" kunot noong tanong ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito.

Ano bang masamang hangin ang nagtaboy sa kanya at napadpad sya dito? Alam ko busy sila ni Ate sa mga business namin sa probinsya. Pero ano ngayon at nandirito sya?

" is that the proper way to acknowledge your mother?!" buwelta nito ng mailayo ang katawan sa akin na sinundan ng pagbato ng nagtatanong na tingin.

" why do you need to ask that silly question sweetheart? Natural namimiss kita kaya ako nandito, bakit? bawal ka na rin bang dalawin ngayon?" dugtong nito na may himig na pagtatampo.

" don't you miss your mother sweetheart? " she said again in a soft voice.

Here we go again. Piping bulong ko ng matunugan na gagamitan na naman nya ko ng paawa effect. Natural na yata kay Mama ang ganito, para nagtanong lang naman ako hayun at minasama na nya kaagad . For sure kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito. 

As if in que, nagmuwestra na itong magpapahid ng luha kahit wala naman talagang papahiran, maipakita lang sa akin na nasaktan sya from my reaction.

I secretly rolled my eyes and sighed kasunod ng paglapit at kapagdakay pagkabig sa kanya para amuin.

"that's not what i mean. I'm sorry for my reaction Ma, nagulat lang po ako" alo ko dito while caressing her back with my none-injured arm.

Nang maalala ang sariling sugat agad ko itong inilihis sa paningin nya. but because of my Mom instinct natunugan nya ito at napansin ng maglayo ang katawan namin para sana kamustahin ako.

"Mia what happen to your arm?! " tanong nito sa mataas na tono at nanlalaking mga mata.

"huh? anong sinasabi mo Ma? " pagmama-ang-maangan ko trying to hide my injured arm at my back.

"show it to me. " maawtoridad na sabi nya while her hands frantically waving at me.

"Ma, wala po ito , wag na ka---"

"Mia Gabrielle! sabi ng ipakita mo sa akin!" she insisted blurted out my full name with irritation in her voice.

Knowing my Mom, na nuknukan ng kulit at mabunganga. Wala na akong nagawa kundi dahan-dahang ilabas ang itinatagong braso habang kakamot-kamot sa sariling batok na parang batang napagalitan. Napapabuntong hininga akong tumitig dito at kapagkuwa'y nagbaling ng tingin sa may living area.

Then there was Louise na nakatitig sa amin habang nagpipigil na tumawa. Nakatayo na ito sa gilid ng couch at tila naaaliw sa nakikita nyang eksena. Babatuhin ko sana sya ng masamang tingin but my Mom interrupted me.

"oh my god! What the hell happened to you?!" hysterical na sabi ng kaharap ng makita at maeksamin ang kamay ko.

"Tssss.. Ma, relax, this is nothing okay? no need to act like that" naiiling kong sabi dito.

"Ano bang wala?! hayan at nakabenda yang kamay mo?!, jusko kang bata ka, ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo ?? the last time i heard about you nagpakalasing ka ng husto at hindi makagulapay sa bar na pinuntahan mo!.. at ngayon naman -- " hindi nito maituloy ang gustong sabihin at panay lang ang kumpas ng kamay na tila naiirita sa nakikita.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now