Chapter 33 : Meet the Sandovals

8.7K 258 27
                                    

Louise (POV)

Kagaya ng impormasyon na ibinigay kanina ni Joshua, saktong isa't kalahating oras ng mula sa glass window ay mabungaran ko ang arko papasok sa bayan na kinalakhan ni Gabby.

We were both sitting on the reclining sofa-bed and cuddling with each other when we heard her phone ringing. She slowly removed her arms around me at dumiretso ito sa pagkaka-upo then took her cellphone sa ibabaw ng retractable side table.

"hello Ma" bungad ng katipan when she answered the call.

Habang abala si Gabby sa kausap ay ibinaling ko ang pansin sa labas ng bintana at nilibang ang sarili sa pag-tingin sa mga nadaraanan namin. The place is quite amazing, bungad pa lang ng lugar nila ay nakaka-relax na.

I was busy scanning the natural scenery ng sa di kalayuan ay matanawan ko ang isang maliit na tulay na gawa sa kahoy at nalilimliman ng malaking puno sa gilid nito.

The captivating view is familiar, somehow parang nakita ko na ito pero hindi ko mawari kung saan at kaylan. I pause for a while and suddenly smile when i remember that it was the same view i saw on one of my girlfriend's photo back in her penthouse.

"look's familiar, right?" pukaw ni Gabby while wrapping again her arms around me, ni hindi ko napunang natapos na ito sa pakikipag-usap sa kanyang ina.

"yeah" nangingiti kong tugon then bumaling dito " duon ba kinuhanan iyong picture na naka display sa bahay mo? iyong stolen shot na naka-dip yung mga paa mo sa creek?" i questioned habang mataman syang pinagmamasdan at hindi mapuknat ang pag-ngiti when her image in that photo quickly registered in my mind. I still can recall how adorable she was on that particular picture.

"yes" she respond smiling at me then shift her gaze outside the window, kagaya nya ay ibinaling ko rin ang sarili paharap sa labas while waiting for her next sentence. " I was a freshmen college back then, when one of my brother took that photo. If i'm not mistaken, same time of this year din yuon eh. na-bored kami that time kaya nagka-yayaan kami nila Kuya Gael na mag-explore sa paligid, until napadpad kami duon" dugtong nito.

"hmm, mas close ka talaga sa mga kuya mo kaysa ka Ate Amanda hanoh?" ang hindi ko maiwasang pagkomento.

"oh well, simula't sapul naman kami na nila Kuya Gael at Kuya Adam ang madalas maiwanan dito. Lalo na when my parents send my sister in Manila para duon mag- college. And then nung nagkawork at hinawakan naman nya ang ilang family business namin. Mas lalo syang naging abala kaya hindi na rin kami nagkaroon ng quality time pareho" paliwanag nito kasunod ng marahang pagbuntong-hininga.

"anyway, ayos na ba ang mga gamit mo? malapit na tayo sa bahay" baling nya sakin ng hindi ako nag-react sa ikinuwento nya.

I was about to answer my girlfriend's question when as if on cue, Joshua announced our arrival ng makapasok na ang sinasakyan sa isang automatic gate. 

I shifted my gaze on the road na nuon ay kasalukuyan naming  tinatahak papaitaas.  

Abala akong nagmasid sa paligid particular sa magkabilang bundok na aming dinaraanan.  And then when the shuttle turned right,  I was stunned ng masilayan ko ang bumulagang paligid, from our point of view kitang kita ko ang asul na karagatan na bahagyang kumikislap dahil sa pagtama ng haring araw. Ultimo ang puting-puting buhangin na nasa may paligilid nito ay hindi nakatakas sa paningin ko.

Palusong na ang aming dinaraanan kung kaya't lalo nitong na depina ang ganda ng paligid. 

The backdrop which consist of not so high mountains na nasa gilid ng dagat and coconut trees planted around the smooth swerving road gives relaxing view. 

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now