Chapter 48 : Regret's

7.6K 248 48
                                    

Louise (POV)

Umaga na ng magmulat ako ng mga mata at ang unang sumalubong sa akin ay ang sinag ng araw na bahagyang dumudungaw sa kurtinang nanduon.

I got blinded by the sunshine and so I squint trying to adjust my eyesight when I felt a sudden pain. Kumirot ang aking tadyang at ilang sugat sa mukha.

Napangiwi ako sa sakit na idinulot nuon at napatigil ng bahagya.

Namamaga na ang mga sugat na aking tinamo na syang dahilan kung bakit bumigat ang aking pakiramdam pero magkagayonman ay bahagya akong nagmulat, pinakiramdaman sandali ang paligid until I heard voices outside my room.

"I r-really really like her, Gab. at hindi matanggap ng ego ko na hindi nya ako magustuhan that's why I did what I did."

Aniya ng isang baritonong tinig.

I close my eyes. And sighed deeply ng makilala kung sino ang nagmamay-ari nuon.

Si Fermin.

"gago ka pala eh! hindi ba't ilang beses ka na nyang sinabihan na itigil mo na ang pagpaparamdam mo. So why the hell did you push it!! huh?!"

Galit na tugon ng kausap nito na nasisiguro kong boses ni Gabby. Kasunod nuon ay narinig ko ang pagbalya na animo may itinulak sa pader.

May ilang napatili sa komosyong iyon kasabay ng ilang pagbubulungan which caused me to shift my gaze to the door hoping na masilip man lang ang nangyayari but I was disappointed. Bahagya lang iyong nakabukas at hindi sapat para makita ang mga nasa labas.

"i-im sorry Gab, I really do. I didn't know at first that you and Louise are together because i just thought na ---" paliwanag ng kausap nito na hindi natapos ang anumang nais sabihin.

"puwes ngayong alam mo na! panahon na siguro para lubayan mo na kami hindi ba?"

"i—"

"hindi ba!!?" nanggigil na tanong ng katipan na muling sinundan ng muling pagbalya at pagsinghap ng ilan pang nilalang.

I just can't imagine my girlfriend kung paano nya hinaharap ng mga oras na iyon si Fermin. Judging by the way she reacted yesterday ay hindi na ako magtataka if she will hurt him physically.

I wanted to join them para awatin ang katipan pero dahil sa nanghihina kong katawan ay wala akong magawa kundi ang manatili sa kinaroroonan.

"G-Gab, Gabby tama na please." pagmamakaawa ng isang tinig.

I guess it's Amay's voice na pilit umaawat sa dalawang taong nagtatalo. Particular kay Gabby na bagamat hindi ko nakikita ay paniguradong nagliliyab ito sa galit.

For a while ay walang kumibo until I heard small steps na sinundan ng marahas na pagbuntong-hininga.

" kung pinapahalagahan mo pa din ang pagiging magkaibigan natin kahit na katiting. You will stay away from my girl." hindi iyon pasigaw pero bawat kataga ay madiin ang pagkakabigkas na animo nagpipigil ng galit ang nagbitaw ng mga iyon.

"i-im really sorry" aniya ng kausap nito.

"from now on, I don't want to see your face in any of my premises. Now leave bago pa ako makagawa ng isang bagay na hindi mo gugustuhin. "

Patlang.

"c-can i just see her first before I le —"

"damn it no!"

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon