Chapter 2 : I Dare you! (SPG)

22.3K 531 49
                                    

Gabby's (POV)

Medyo late na rin pero hindi ko pa maisipang umuwi. Madami-dami na rin akong nainom at nararamdaman ko na ang epekto ng alak sa akin. Mainit na ang sinisingaw ng katawan ko at bahagya ng umiikot ang paligid ko pero may isang pakiramdam pa akong hinahintay.

 Ang maging MANHID.

Bahagya palang ako nilulukuban nito, kaya ayoko pang lumubay sa pag-inom. I just want to feel the numbness na tuwina'y sa alak ko lang nakukuha.

Gusto kong maramdaman na manhid na ako. Manhid sa lahat ng bagay, na tipong kahit ilang beses mong suntukin ang dibdib ko hindi nito iindahin ang sakit dahil wala ka ng maramdaman kasi nga manhid kana.

Isa pa, kaya ko pa namang mag-drive pauwi and what the heck! Wala namang naghihintay sa akin sa bahay, wala ng aalalay sa akin, magpupunas at magpapalit ng damit sa tuwing uuwi ako ng ganito kalasing. 

At higit sa lahat...

...wala na ang mainit na katawang madadantayan ng mga braso ko.

Wala na sya.

Sh*t! Sh*t! Sh*t! paulit-ulit na piping usal ko sabay lagok ng alak at dire-diretsong sinaid ito.

"D-drei . " tawag ko sa bartender at nag-muwestra ng isa pa. Lumapit naman ito agad para kunin ang baso ko pero mataman muna nya kong tinitigan bago nagsalita.

"tama na Ma'am,lasing na ho kayo " sabi nya

"h-hindi pa, kaya ko pa" sagot ko sa kanya

"baka ho hindi na kayo makapag-maneho mamaya" sabi nya ulit.

Hindi ko sya masisi kung bakit nasabi nya yun. Dahil last time na nagpunta ako dito, nalasing ako ng todo at hindi na makagulapay. It happen na malapit lang ang bahay nila Mang Jaime - ang family driver namin. Tinawagan ko ito at sya ang naghatid sa akin sa Condo katulong si Drei na umalalay sa halos katawan kong walang malay.

"b-bigyan mo na lang ako Drei" pilit ko sa kanya. Nauubos ng pasensya ko, nakakakuha na kami na attention dahil sa medyo pagtaas ng boses ko at nagsisimula ng tumingin ang mga tao sa paligid namin.

"pero Ma'am"

"Sh*t! What do you care?! " singhal ko at tinapunan sya ng masamang tingin.

Hindi na ito nakakibo at tumalikod na lang para kumuha ng alak ko. I run my fingers thru my hair in frustration tsaka ko lang napansin ang ilang mata na nakatuon sa akin.

Naaiirita akong lumingon.

"What?!" angil ko sa kanila.

Damn this people! mga usisera!

Inilapag ni Drei ang inumin ko na agad ko namang ininom hanggang sa mapangalahati.Muli, nilaro ko na naman ang baso na hawak ko at inikot ikot ito. At dahil medyo groggy na, nangalumbaba ako sa lamesa habang tinitignan ang nilalaro pa ring baso.

Nasa ganuon akong ayos ng biglang may nagsalita sa gilid ko.

"is this seat taken?" she asked. Malambing ang pagkakasabi nun. Pero hindi ako kumibo, ni hindi ko pinag-aksayahang lingunin kung kanino nanggaling ang mapang-akit na tinig na yun.

Another intruder. I said to myself.

Pang-apat na yata sya sa nag-attempt na lumapit at kumausap sa akin ngayong gabi at kagaya ng naunang tatlo, wala akong balak makipaghuntahan sa kanya. dededmahin ko na lang ang presensya nya. Besides i know what they want, pare-parehas lang naman sila na ang gusto...

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now