Chapter 27 : Emotion Revealed

12.6K 497 83
                                    

Louise (POV)

"Louise" isang nag-aalangang tinig ang pumukaw sa akin mula sa pagkakayuko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay bahagya pa akong nagulat.

" Sir Joff, Good Morning" i greeted him kasunod ng isang friendly na ngiti na daglian ko ring binawi ng makitang tila nag-aalala ito.

"pumanik ka muna sa active floor at ipinatatawag ka ni MGS" sagot nito na hindi man lang nagawang suklian ang pagbati ko.

"huh? eh hindi ba may pupuntahan kami ni Sir Fermin ngayon? nasa baba na nga sya at nag-aantay" nalilitong tanong ko sa kanya.

Actually, sabay kaming lumabas ni Sir Fermin ng opisina kanina ng may makaligtaan akong dalhin. Kaya ang ending bumalik ako dito sa loob at pinauna ang kasama para bumaba sa parking area.

"ipina-cancel ko na ang attendance mo duon sa seminar" nagmamadali nitong turan habang animo abala sa kapipindot sa sariling telepono.

"anong seminar? " kunot noong tanong.

Ang pagkaka-alam ko meeting ang aatendan namin ni Sir Fermin at iyon ay ayon mismo sa taong kaharap ko.

Napa-palatak ito at natigilan sa ginagawa kaalinsabay ng dagliang pag-angat ng tingin sa gawi ko. Pamaya-maya ay inihilamos nito ang palad sa sariling mukha at tsaka muling bumaling sa akin.

".. eh .. basta pumanik ka na muna sa active floor at nagsesermon na naman si MGS duon, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sir Fermin. Magmadali ka na lang at isuot mo na ang PPE mo " utos nito kasunod ng di mapigil na pagkumpas ng mga kamay.

"eh teka lang, magpapalit muna ko ng damit" ganting sagot ko ng maalalang skirt lang ang suot na pang-ibaba . Dali-dali kong hinablot ang sariling bag pero ng akmang hahakbang na palabas ng cubicle ay nagsalita muli ang kaharap.

"Naku Louise wag' na. Pumunta ka na sa Active floor at nag-aalburoto na si MGS"

"Pero Sir, baka naman mabigyan ako ng memo ng safety kapag pumanik ako na ganito ang itsura?" nag-aalala kong tanong.

"hindi yan, ipapahatid na lang kita kay Jet at ako ng bahala kumausap sa Bisor nila. Kailangan mo lang talagang pumaroon at baka mabugahan na naman ng apoy lahat ng tao dito mamaya pag baba ni Madam" mahabang paliwanag nito.

Magdadahilan pa sana ako pero wala na akong nagawa ng tumalikod na ito para tawagin si Jet - ang isa sa mga safety officer. Napapabuntong-hininga akong nagmadaling nagsuot ng safety shoes at vest. Nang matapos ay dali-dali kong binitbit ang sariling hardhat at sumunod kay Sir Joff.

Ilang sandali pa ay magkasabay na kami ni Jet lumabas ng Site office, kaagad na dumiretso kami sa Service Lift at ini-request na ihatid sa 11th floor - isang palapag bago ang active floor. Habang sakay hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng maaaring dahilan kung ano na naman ang ikinagagalit ni Gabby. For all i know maayos kami nitong mga nagdaang araw kaya nakapagtataka na mag-ala beastmode na naman ito ng dahil sa akin.

Ano na naman bang problema ng isang yun? hinaing ng isip na nasundan ng walang habas na pagkabog ng sariling dibdib.

"Andito na tayo Ma'am" pagbibigay alam ng katabi ng hindi mapansin ang pagtigil ng sinasakyang lift.

Inalalayan ako nito sa pagbaba at agad na tumungo papunta sa kinaroroonan ng steel ladder. Iilang dipa pa lang ang layo namin duon ay naririnig ko na ang panenermon ni Gabby sa itaas . As usual nangingibabaw ang boses nito sa kabila ng kaliwat-kanang ingay ng mga construction tools.

"ah Ma'am" pukaw ni Jet sa akin.

"Maiwan ko na ho kayo dito at may mga paperworks pang ipinapaayos si Sir Ralph" Paalam nito ng makarating na kami sa bukana ng hagdanan.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon