Chapter 17 : My Agitated Heart

12.9K 375 12
                                    

Louise (POV)

Halos kakatapos lang namin kumain nang tumunog ang cellphone ni Gabby. She picks it up and answers the call. Sinamantala ko naman yun at inisa-isa kong niligpit ang pinagkainan namin. In between my movement, naririnig ko pa ang panaka-naka nyang pagsinghal sa kausap. Bumalik na naman ang pagiging beastmode nito. Pero ang tuluyang nakapag-patigil sa akin ay ang pagtaas nya ng boses.

" Sh*t! What kind of reasoning is that?! I don't care kung papaano nyo gagawan ng paraan ang gusto kong mangyari! I want to know who'se that bastard! And I want that report now! Understood?!" pasigaw na halos yun pero hindi gaanong malakas dahil sa namamaos nyang boses.

I turned around to face her direction nang mailagay sa kitchen sink ang mga pinagkainan. Nakatalikod ito sa akin pero kitang-kita ko ang intense na reaction nya ng mapansin ang pandalas na pagbaba at taas ng mga balikat nito. Naibaba na nya ang cellphone sa lamesa at ngayon nga ay tutop ang sariling ulo habang nakayuko.

I slowly walk towards her. " G-Gabby? " ang nag-aalangan kong tawag dito. Waring tinatantiya kung ikakagalit din nito ang pagtawag ko sa kanya. Mula sa pagkakayuko at tutop na ulo unit-unti syang lumingon sa gawi ko.

"a-are you okay?" ang nag aalalang tanong ko.

She sighed sharply bago nagsalita "no. I'm not okay" pag-amin nya sa kalmadong tinig "this safety issue is pissing me off already. I was just asking for a simple report and yet hindi maibigay nitong mga safety officer natin" dugtong nya.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanya habang iniisip kung ano ang importanteng issue na ikinainit nya ng ulo.

Gusto ko sanang mag comment ng anything na makakapagpagaan ng loob nya pero napipilan ako at hindi mahagilap ang tamang salita. Kaya mas pinili ko na lang ang manahimik.

"I'm sorry napalakas yata yung paghiyaw ko kanina" paumanhin nya.

"h-hindi naman gaano, kaya lang napansin ko kasing galit na galit ka, kaya nilapitan kita" sagot ko.

Ilang katahimikan din ang nagdaan sa pagitan naming dalawa bago ako nagpasyang bumalik sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan namin. Waring natunugan naman ito ni Gabby kung kaya sinaway nya ako. "just leave it there, ako ng bahala jan mamaya"

"p-pero baka hin-"

"I can manage Louise, may isa pa naman akong kamay" putol nya sa sasabihin ko.

Mag-iinsist pa sana ako, pero nakita ko na naman ang seryoso nyang mukha. Ayoko na naman syang kunsumihin pa ng dahil lang sa ganito kaliit na bagay, kaya nagpatianod na lang ako sa gusto nya.

"you may go now, take your leave and take a rest " basag nya sa katahimikan na hindi man lang nag-aksayang tumingin sa akin. Blangko ang tono ng boses nya. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba ito o wala lang sa mood.

On the other hand, my heart ached ng maisip na parang pinagtatabuyan nya ako. Sa totoo lang nagdadalawang isip na ko kung uuwe pa ba. At yun ay Dahil nag-aalala ako sa kanya. Yung pag walk out ko kanina, napilitaan lang naman ako kasi naiinis ako sa treatment nya sa akin.

Knowing Gabby na kasing taas yata ng building ng taipei 101 ang pride. Alam kong Hindi ito papayag na alagaan sya.

Napapabuntong hininga akong dinampot ang sariling gamit, kapag-kuway tumingin sa kanya at nagpaalam.

"Alis na ako" malumanay kong sabi.

Marahan naman itong tumango at tsaka tumayo.

"hatid na kita sa elevator lobby" medyo mababa na ang boses nya.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now