1st Chapter

2M 32.3K 9.5K
                                    

I'm Dana Kathryn Ferrer, 16 yrs. Old. Nag aaral sa St. Claire's Academy, 1st yr. college. Ano pa ba? Ayon, nakalimutan ko, may boyfriend nga pala ako, si Jarred Bautista: ang Hottest Guy sa St. Claire's Academy.  Di ko nga alam kung ano ang nagustuhan niyan sa akin eh... Simple lang naman ako—5'4 ang height, petite ang pangangatawan, shoulder length ang buhok na medyo wavy, maputi. Ano nga kaya ang nagustuhan niya sa'kin? Ah... Baka dahil matalino ako. Aba, kahit simpleng babae lang ako, may maipagmamalaki din ako noh. Lagi ata akong kasama sa Dean's List!

"Lumilipad na naman ang isip mo!" sabi sa akin ni Sara sabay batok! Tignan mo 'tong babae na 'to, masyadong harsh talaga. Hindi ba niya alam na utak ang puhunan ko? Paano kung maalog 'to? Tsk!

"Aray, talaga bang kailangan may batok?" sabi ko sa kanya sabaawak sa parte ng ulo ko na hinampas niya. Ang sakit, ha!

Inirapan niya ako at tinignan yung kuko niya na halos dumugo na sa sobrang pula. Eto daw ang tinatawag na pokpok red sabi ni Sara! Masama talaga ang pagtambay tambay niya sa parlors... Nagiging weird na ang lenggwahe niya. "Kasi naman, kung hindi ka babatukan eh hindi naman babalik yang isip mo sa utak mo."

"Ano?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong naintindihan sa sinabi niya. 

Bumuntong hininga naman siya na akala mo frustrated siya sa akin! Grabe! Ako pa ang nakakafrustrate sa aming dalawa?! "Ewan ko sayo Dana, simula nung nagging kayo ni Jarred eh palaging lumilipad yang utak mo."

"Grabe ka! Hindi naman. Masyado kang OA ha. May iniisip lang ako."

Biglang naglighten up yung mukha niya... Mahilig kasi sa chismis si Sara. Alam niyo na, na adopt niya sa pagtambay tambay niya sa parlor. Hindi ko nga alam kung bakit kami friends nito, e. "Ano naman yun??"

"Wala naman, namimiss ko na kasi si Jarred eh..."

Mula sa interested na mukha, bigla siyang napasimangot. Hindi ko alam kung bakit sobrang ayaw niya kay Jarred para sa akin. "Grabe ha, eh kakakita niyo pa lang kanina eh."

"3 hours ago pa yun noh. Ang tagal na nun, 10, 800 seconds ko na siyang hindi nakikita..." pagrreason out ko. Totoo naman kasi!

Umiling iling pa siya. "Baliw ka na ata.. Iba na talaga pag campus heartthrob ang boyfriend mo."

"Heh!" sabi ko sa kanya sabay dila. Ang nega kasi ni Sara forever! Hindi maganda yun.

*BELL*

After 500 years, nagbell na din! Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Excited na ako! "O siya, magkikita na kami ni Jarred my loves."

Kumaway ako kay Sara na mukha naiinis sa pagka excite ko. Masisisi niya ba ako? First boyfriend ko si Jarred kaya malamang, excited ako palagi!

"Fine, puntahan mo na yung si Jarred mo."

So ayun, pinuntahan ko nga si Jarred sa hall.

"Hi, Jarred. Miss na kita..." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ang gwapo talaga niya! Bakit kaya niya ako nagustuhan?

"Oh, Dana. Miss? Eh kanina lang magkasama tayo ah?"

"Basta. 26 days pa lang tayong mag bf- gf eh. Di pa ako makapaniwala."

"Tsk, ikaw talaga. Tara, kain tayo sa caf," sabi niya then inakbayan niya ako at naglakad kami papunta sa cafeteria.

Wala naman kaming pinag usapan dun. Mga kung ano ano lang. Ang boring nga ng atmosphere eh. Parang wala sa sarili ting boyfriend ko... Hindi na siya si Jarred na malambing at attentive sa akin. Baka naman may problema lang siya? 

Biglang tumayo si Jarred

"Aalis na tayo?"

"Yeah, tara, hatid na kita sa inyo."

Tapos nun, ayun nga pumunta kami sa car niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi naman kami nag usap during the whole ride. Nung nasa tapat na kami ng bahay, bigla siya lumapit sakin.

"Hey Jarred. You're too close." Sobrang lapit niya sa akin... Dangerously close... Too much for my liking...

"Bakit? Girlfriend naman kita ah?" He said, lumapit pa siya lalo.

"So?"

"So it means na I have the privacy to kiss you."

"Pero—"

Hindi niya ako pinaghantay na makapagsalita kasi bigla na lang niya akong hinalikan. Ano ba to? Bat di ako makagalaw?! Ugh!

"Grabe, daig mo pa tuod ah. Di ka man lang gumagalaw."

"Sorry... First kiss ko yun..." I admitted...

"Whatever. Sige alis na ko. Baba ka na."

"Ok, Bye Jarred."

Hindi na narinig ni Jarred yung bye ko kasi bigla na lang siyang umalis. Galit kaya yun? Hay ewan. Masisisi niya ba ako kung di ako nagrerespond? Hello! First kiss ko yun! Natural wala akong experience! Enough with that. Pumasok na ko sa condo. As usual mag isa lang ako.Simula kasi nung nag college ako mag isa na ako. Nagpapaka independent kung baga.

Di na ko kumain, tinatamad na din kasi ako. Nag shower lang ako tapos natulog na din ako.

Kinabukasan, excited akong makita si Jarred. Kahit na medyo awkward iyong nangyari kagabi, pinalagpas ko na lang. Baka kasi pagod din siya since may practice ng basketball. Gusto ko namang maging understanding girlfriend, noh!

"Sara, nakita mo ba si Jarred? Buong araw na kaming hindi nagkikita ah."

"Aba malay ko dun. Tignan mo sa gym, baka may practice ng varsity."

Ayun nga, pumunta ako sa gym, nakita ko dun si Mark, ka varsity ni Jarred.

"Mark, nakita mo ba si Jarred?"

Tinuro niya sa akin yung way papuntang lockerroom so nagpunta ako dun. Buti walang boys kasi nakakaasiwa naman na pumunta ako dun habang may mga lalaki nakatuwalya!

But then, I saw something horrible...

I saw Jarred and Ynna torridly kissing

But not only that, after kissing..

Jarred said something that made me cry even harder...


For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon