30th Chapter

639K 13.9K 2.9K
                                    

Chapter 30

Napaka mysterious talaga ni Cyriel. Kahit ilang beses ko na siyang nakakasama, hindi ko pa rin alam kung sino siya. Naguguluhan na nga ako kung sino yung babaeng nagugustuhan niya. Ayaw pa kasing sabihin sa akin. May pa bugtong bugtong pa siya. If I know, ako lang naman yun. Ang feeling ko naman.

Nandito na ako ngayon sa unit para magluto ng baked mac para kay Andy. Naalala ko na naman na lutuin ko na lahat, huwag lang yung baked mac. Ang weird talaga nila.

Mahirap pala talagang magluto. Nakailang try na ako pero puro palapak. May mali kaya dito sa cooking book?

1st try: Over cooked yung pasta 

2nd try: Nasunog yung sauce 

3rd try: Walang lasa

4th try: SUCCESS!

Ang hirap ng pinagdaanan ko para lang mailuto 'tong baked mac na 'to. Sana naman ma appreciate ni Andy 'to. Sabi nga nila, "the best way to a man's heart is through his stomach." Sana naman marinig ko na yung 3 words, 8 letters.

To: Andy

Punta ka sa unit ko. Asap

From: Andy

Bakit? Sex tayo? Sige, hintayin mo ako. Maghubad ka na

To: Andy

LUL! In your dreams. Tara na dito. Asap

Luko luko talaga si Andy. Hanggang sa text dinadala yung kamanyakan. Teka-- di ba galit ako sa kanya? Bakit parang hindi na ako galit? Tss. Dahil ba sa hormones?

"Oh, bakit naka damit ka pa?" tanong niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Manyak ka talaga. Alam mo namang salubungin kita ng nakahubad ako? Ano ka, sinuswerte?"

"Sus, huhubarin ko din naman yan mamaya eh," he said, grinning.

"Talaga lang ha?"

"Oo ba. Teka, bakit mo ba talaga ako pinapunta dito?"

"May surprise ako sa'yo."

"Ano naman yun? Talagang kailangan mo pa akong papuntahin dito."

"Syempre. Oh," sabi ko at saka binigyan ko siya ng pang blind fold

"Ano gagawin ko dito?"

"Malamang pantatakip mo sa mata mo di ba?"

"Alam ko. Bakit nga di ba?"

"Paano matatawag na surprise kung nakita mo na. Common sense naman di ba?"

"Oo na. Pag ako hindi na surprise... sex na tayo?"

"Hahaha. Oo na lang, Andy."

Ayun, tinalian ko na nga siya. Aba, dapat lang na surprise siya sa ginawa ko. First time ko yatang ginawa 'to. Ni mama ko nga hindi ko pinagluluto eh. Ngayon ko lang na realize na swerte pa la ako at may pera ako pang take out sa restaurants, kung hindi, malamang matagal na akong namatay sa gutom dito sa loob ng unit ko.

Nandito na kami. Nag effort talaga ako para pagandahin yung ambiance ng unit ko. With matching scented candles pa. Saan ka pa diba?

"Tatanggalin ko na ha?"

"Oo. Pa suspense ka pa eh."

"Ito na nga di ba?" I said and then helped him remove the blind fold. "Surprise!"

Mukhang gulat na gulat si Andy kasi hindi siya agad nakapagsalita.

"Andy? Hoy. Andy?"

"Si-sino nagluto niyan?"

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Where stories live. Discover now