49th Chapter

478K 9.8K 848
                                    

Chapter 49

Good morning. Bakit kulang kayo? Nasan na si Cyriel?

Hindi mo pa ba alam?

Alam ang ano?

Sigurado kang hindi mo alam?

Shems. Kinakabahan ako.

Hindi ko nga alam! Ano ba yun? Takte naman, Andy, kinakabahan ako sa'yo.

Sabi ni Cyriel, hindi niya na daw kayang maging K.I. mo kaya ibabalik na lang daw niya yung bayad mo kung gusto mo..

Ano? Kailan niya yun sinabi? Bakit? Papano?

Sinabi niya nung makalabas siya ng ospital. Weird nga eh.

Nasan ba siya? Kakausapin ko siya, baka naman may nagawa ako na hindi niya nagustuhan.. Magsosorry ako.

Sorry, Dana, sabi niya wag daw namin sabihin sa'yo kung nasan siya eh. Iniiwasan ka yata eh.

Tangina naman! Ano bang problema niya?

Hindi din namin alam. Basta bahala na kayong umayos sa problema niyo. Malalaki na kayo. Basta pag hinanap mo siya, nandun lang siya sa library nagtatago.

Dave! Bakit mo sinabi? Magagalit si Cyriel satin!

Bayaan mo siya. PMS yun eh. Para nga magkaayos na sila at ng hindi tayo naiipit

Thanks, Dave, i owe you one!

At dali dali na akong tumakbo papunta sa library. Kailangan naming mag usap..

So, i heard na wala na kayo ni Dana

Narinig ko yung boses ni Ynna, so kasama niya si Cyriel? Tahimik lang akong nakikinig..

Ibig sabihin ba niyan, babalikan mo na ako?

In the first place, bakit kita babalikan? Naging tayo ba?

Naging tayo naman talaga ah! Inagaw ka lang sakin nung babaeng yun!

Shut up, okay?

I'll shut up then. Tutal wala na naman kayo, i'll do my part, kakausapin ko na yung professor niya para sa grades niya. So tayo na ulit?

Bahala ka sa iisipin mo

Okay then, bye. I'll call you later

Tapos umalis na siya. Buti na lang at wala yung librarian. Kakausapin ko na siya

Cyriel, hindi mo naman kailangang gawin yun eh. Okay lang naman sakin kahit bumagsak yung mga grades ko, kahit araw araw akong i bully ni Ynna, ikaw naman yung pinili ko eh..

Bigla niyang sinara yung libro niya tapos tumayo

Wala naman talagang nagbago eh. Ikaw lang ang nag iisip na may nagbago

Pagkatapos umalis na siya.. Pero bago siya umalis

Minahal mo ba ko? Kahit konti lang?

Natatakot akong marinig yung sagot niya. Matagl ko na 'tong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa dahil natatakot akong masaktan..

Lumingon siya ng sandali pagkatapos tumalikod ulit atnaglakad papalayo.. Naglakad siya papalayo..
Papalayo sa akin..
Papalayo sa amin..

*After 3 months*

March na. Walang pinagbago. Nakakasama ko pa din sila Andy at Dave pero si Cyriel? Naah. Hindi na. Pagnagkikita kami, automatic na may iwasan. Nung una masakit, ang sakit sakit, pero habang tumatagal, nasanay na din ako. Naging mas tahimik ang buhay ko. Walang Ynna na nanggugulo, wala nga lang Cyriel na nagpapasaya..

Naalala ko pa nun, October kami unang nagkakilala. 6 months worth of contract.

October November December January

February
March
Ilang araw na lang matatapos na yung kontrata, magkakaayos pa ba kami? 

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon