2nd Chapter

1.1M 27.8K 6.9K
                                    

I was there. Dumbfounded. Shit. Hindi ako makagalaw. It was like I was glued on the floor. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa o ano. I don't know what to feel! 

"Hey Jarred, why the hell did you stop? Nambibitin ka ba?" tanong ni Ynna habang inaayos ang damit niya na nagulo sa makeout session nila ng boyfriend KO.

Natawa naman si Jarred bigla. That son of a bitch! Akala ko seryoso siya sa akin! Akala ko iba siya sa mga lalaki na walang ginawa kung hindi manakit ng babae! 

"Sorry Ynna, I just remembered something funny."

"Funny, eh? Care to share?"

"Kahapon kasi hinalikan ko si Dana."

SHIT. Kiss and tell ba siya?! Don't tell me sasabihin niya kay Ynna?! Of all people? Si Ynna Henares pa?! E nawawalang anak ni Satan yan e!

"Dana? Girlfriend mo, right? What's funny about kissing your girlfriend?" she asked. Ano nga ba ang nakakatawa? Girlfriend mo ako, SOAB!

"Kasi, para siyang tuod. Ako lang ang gumagalaw. Napaka stiff niya. Para siyang naparalyzed. You should've seen her face. Sobrang nakakatawa."

"Ikaw naman kasi, sa dinami dami ng babae dito sa campus na nagkakandarapa sa' yo, dun ka pa sa mukang geek na yon nanligaw," she said, nakalagay ang kamay sa dibdib ni Jarred. Mga ahas!

Gusto kong sumugod sa loob ng room at saktan silang dalawa. Hindi ko maintindihan! Kung ayaw naman sa akin ni Jarred, bakit kailangan niya akong ligawan?! Bakit kailangan niyang iparamdam sa akin na worthy pala ako mahalin?!

Bakit kailangan niya akong saktan?!

"Napagtripan lang naming siya, ok? Ang tagal kong niligawan yun ah. 6 months? Tapos di naman pala good kisser yun. She's not even worth the wait."

Fuck.

Iyon pala.

Hanggang isang bet lang pala ako.

"You are so bad, Jarred... and you're making me want you more." 

Then he pulled Ynna for a kiss.

Then silently, umalis na ako. Ayokong umiyak doon. Para saan? Para makita nila ako at mas lalong kaawaan? First and foremost, yung lalaking pinagkatiwalaan kong hindi ako gagaguhin, gagaguhin lang pla tlaga ako. Dun pa sa paraang di ko akalaing magagawa niya. At dahil hindi ako magaling humalik iiwan niya ko? What the fuck.

Sobrang babaw!

Kaya dapat hindi na talaga ako magtiwala sa mga lalaki, e! Wala silang ibang alam gawin kung hindi ang magloko at saktan ako!

Diretso na kong umuwi sa condo ko. Iyak.  Iyak.  Iyak.  Yan lang ang ginawa ko. Shit talaga! 


--

This is too much! For the past three days hindi ako pumasok sa school. At yung gagong Jarred na yun hindi man lang ako tinext o tinawagan kung humihinga pa ba ako o hindi!

Kami pa rin naman. Technically. Kaya ako itong tanga, umasa na baka... baka mag-alala man lang siya sa akin kahit konti... 

Hindi ba ako worthy na pahalagahan?

3 days na kong andito sa condo, nag eemote. Ewan ko bakung bakit ako iyak ng iyak. Hindi naman ako in love kay Jarred . Don't get me wrong ha? Mahal ko naman si Jarred kaya ko nga sya sinagot eh. Kaya lang hindi naman dumating dun sa point na mamamatay ako pag naghiwalay kami. Siguro nasaktan lang yung ego ko dahil sa pinagsasabi niya tungkol sa'kin... 

Ikaw ba naman ang sabihan ng geek at tuod di ba? Sa geek eh mejo okay pa. Atleast yung utak ko puro mga facts at informations lang yung laman. Kaysa naman kagaya nila... At tuod? Duh, hindi naman ako expert sa kissing kaya anong ineexpect niya sakin? Pambihirang buhay naman to!

Pero ang sakit talaga sa puso.

Matapos ang napakahabang pag iisip, napagpasyahan kong lumabas ng condo at magliwaliw. Pupunta kong mall . Shopping therapy ang solusyon. Ayon, naligo na ako. Casual lang suot ko, pants at tee lang. Ready to go na. 

Pagdating sa mall. May nakabunggo akong lalaki. Pagminamalas ka nga naman, wala ka sa mood eh may tatlong lalaking bubunggo sa yo. Kamusta naman yun dba?

"Aray! Bulag ka ba? Ang luwag luwag ng daan, nambubunggo pa kayo!" sigaw ko sa kanila. Tatlo sila, e!

"Sorry, Miss! May tinatakbuhan lang kasi kami eh."

"Sorry? Ano magagawa ng sorry mo? Mababago ba nun ung fact na nasaktan ako? Ano? Porket tatlo kayo tapos iisa lang ako akala niyo uurungan ko ayo? Ano 3 on 1 tayo? Laban kayo?"

Goodness, ano ba tong sinasabi ng pasaway kong bibig? Ang tatangkad kaya nila kaya nila!

"Chill ka lang, Miss. Isipin mo na lang na nakadestined talaga tayo na mabunggo ang isa't isa."

Aba ang yabang nitong mestizo na 'to, a!

"Aba't idadamay pa ang destiny--"

Pero, hindi na ako nakapagsalita dahil...

He freaking kissed me!! This asshole!

1 second

5 seconds

10 seconds

15 seconds

20 seconds

God! Hindi ba siya titigil?! Halos hindi na ako makahinga rito!

After mapagod siyang iexplore ang oral cavity ko...

"Siguro naman bayad na ko sa atraso ko ngayon sa'yo."

Son of a freaking bitch! Bakit lahat ng lalaking nakakasalamuha ko, anak ng bitch?!


For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon