17th Chapter

753K 16.6K 1.3K
                                    


Chapter 17

Andito na ako sa room namin. Hinatid naman ako ni Andy pagkatapos ng kissing lesson namin. Mahirap at nakakahiya mang aminin, pero sige, nasarapan ako. Wala eh, masarap talaga.

Nakikinig ako dito sa Professor naming nakaka-inip magturo. Nakaka-inip siya to the point na mas gugustuhin mo pang matulog at mawalan ng grade kaysa makinig sa kanya. No wonder tulog lahat ng estudyante sa klase niya. Pati si Sara natutulog eh. Grabe talaga 'tong si Prof. Benitez, never pa akong naka-attend sa class niya na walang natutulog. World record holder. LoL. Pero dahil ako'y mabait na bata at Dean's Lister, pilit kong pinipigilan ang antok at nakikinig pa din sa lesson niya.

After 98765 years, natapos din ang boring lesson ni Prof. Benitez.

"Sara, may sunog!!!" sigaw ko.

"Ano? Ano? Nasaan yung sunog?" she panicked.

"Biro lang, naniwala ka naman agad? Hahaha."

"Eto talaga, kung hindi lang talaga kita bestfriend, malamang kanina pa kita sinipa," she said.

"Kaya nga thankful ako na bestfriend mo ako eh. At least safe ako sa pagiging brutal mo," I told her.

"Psh. Kahit kalian, gaga ka talaga. Nga pala, virgin ka pa ba?" she asked.

"Oo naman! Anong klaseng tanong ba 'yan?" I answered, unbelievably.

"Nagtatanong lang naman, malay ko ba kung bumigay na 'yang will power mo," she told me.

"Hindi pa."

"Tignan mo, may "pa" yung sagot mo, which means, may possibility na bumigay ka."

"Oo na. Aminado ako," I said, truthfully. "Kahit naman siguro ikaw ang nasa kalagayan ko, malamang nga... mas malala pa."

"Buti alam mo." Binatukan ko siya. "Hey, para saan 'yun?"

"Ang harot mo kasi. May boyfriend ka na't lahat, pinagpapantasyahan mo pa si Andy," I said.

"Hooh. Ayaw pang umaming selos ka. 'Wag kang mag-alala, sayong-sayo si Andy."

"May sinabi ba akong nagseselos ako?" I asked.

"Wala, pero action speaks louder than words. Kung nakita mo lang 'yung reaction mo nung sinabi kong re-rapin ko si Andy, sobrang namula ka," she said.

"Psh. Ang dami mo talagang alam," I told her.

"Syempre, ako pa? Nakapag-kissing lesson na ba kayo?" she asked.

"Uhm, ano. Oo?" I answered, sounding unsure.

"Anong oo? Parang hindi ka sigurado ah."

"Eh 'di oo. Eto lahat talaga napapansin mo," I told her.

"Ako pa? Oh, kwento ka. Anong nangyari sa kissing lesson niyo? Naka-third base na ba si Andy?" she asked.

"Anong third base ka diyan? Ang laswa-laswa talaga ng isip mo."

"Hindi ah. Open minded lang. So, wala ka bang kwento diyan?"

"Ano ba iku-kwento ko? Wala naming nangyari, nag-kiss kami. Ayun," I told her.

"Nagkiss kayo? Anong klaseng kiss?" she asked.

"Passionate kiss daw sabi niya," I answered.

"Ayun oh, passionate agad. Ibang level ka na. Ako, first kiss ko, smack lang, ikaw passionate agad."

"For your information, hindi siya ang first kiss ko," I told her.

"Ay oo nga pala. Sorry. About that, nagkita na ba kayo ni Jarred?" she asked.

"Oo, kanina. And guess what, kasama niya kanina si Ynna nung nagkita kami."

"Oh? Ano? May sugat ka ba? Pasa?" she asked.

"Bakit naman ako magkakaroon ng sugat at pasa?" I questioned her.

"Malamang dahil nagsabunutan kayo," she said.

"Anong sabunutan pinagsasasabi mo? Bakit naman ako makikipagsabunutan doon? Ano ako? Palingkera?" I asked her.

"Oo nga. Hindi ganun ang level ng best friend ko. So, ano nangyari?" she asked.

"Wala naman. Nagkasagutan lang ng konti. Hahaha. Kung alam mo lang, gulat na gulat yung itsura niya nung nalaman niyang boyfriend ko si Andy," I told her.

"For real? Boyfriend mo na si Andy?" she asked.

"Gaga, hindi noh."

"Sayang naman, ang swerte mo 'pag naging boyfriend mo si Andy," she said.

"Ano swerte dun? Malas kamo. 'Pag kasama mo siya, lagi kang kakabahan dahil baka anytime, kuhanin niya ang virginity ko," I told her.

"Ayos lang. Kung siya naman ang kukuha, ibibigay ko with open arms," she truthfully told me.

"Gaga. Ang lakas ng pagnanasa mo kay Andy. Bilib na 'ko."

"Oo, kaya kung ako sa'yo, ingatan mo siya. Madaming babaeng handang agawin siya."

"Alam ko. Isa na dun si Ynna," I said.

"Tama. Pero ang alam ko, si Cyriel ang type ni Ynna at hindi si Andy," she told me.

"Psh. Lahat naman type niya eh. Hindi na ako magtataka kung pati si Dave type niya," I said.

"Well, hindi ko siya masisisi. Dahil talagang hot naman silang tatlo."

"Kahit na, may Jarred na siya. Bakit tina-target pa din niya si Cyriel kung totoo ngang type niya siya?" I asked.

"Once a haliparot, always a haliparot," she said. "Buti nabanggit mo, 'di ba nandoon din si Jarred kanina? Anong ginawa niya nung nagkakasagutan kayo ni Ynna?" she asked.

"Wala," I answered.

"Anong wala?" she asked.

"Wala as in wala. Nakatayo lang siya doon. Nakatingin sa'kin. Ni hindi man lang pinagtanggol yung girlfriend niya," I told her.

Biglang nagtatalon si Sara. "Yes. Yes."

"Anong yes ka diyan?" I asked.

"Duh. Napaka-dense mo talaga. Hindi mo ba gets? Attracted sa'yo si Jarred," she said.

"Hello? Sa'kin? Attracted yun? Asa naman," I told her.

"Ang baba ng self-esteem mo. Tignan mo yung sarili mo. Ang ganda mo na. Pero yung attitude mo, pang-loser pa din," she said.

"Sorry naman. It can't be helped. Nasanay ako na mababa yung self-confidence ko," I explained.

"Kaya nga masanay ka na ngayon. You've changed. A lot. Kaya dapat, taasan mo ang tiwala mo sa sarili mo. It's the attitude that makes a woman beautiful," she told me.

"Tama ka. Simula ngayon, magiging proud na ako sa sarili ko," I said.

"'Yan, good girl. Tara, pakilala mo naman ako diyan sa mga boys."

"Naku, kinakabahan ako ha."

"Bakit ka naman kinakabahan?" she asked.

"Baka kasi hindi mo mapigilan ang sarili mo kapag nakita mo silang tatlo."

"Gaga, kahit ganito ako. Mahal ko boyfriend ko noh," she said.

"I know. Tara, papakilala kita sa kanila."

*cafeteria*

"Nasaan na daw sila?" she asked.

"Sorry, Sara. May klase pa daw sila eh. Mamaya pa daw yung vacant period nila," I told her.

"Okay lang. May next time pa naman eh. Sige alis na ko."

"Bakit? Saan ka pupunta?" I asked.

"May klase na ako eh. Hindi tayo magkaklase dun eh. Sige, gotta go. I-kiss mo na lang ako sa kanila," she said.

"Gaga. Sige, ingat sila sa'yo," paalam ko.

Ayun, umalis na nga si Sara. Dumating naman si Ynna. At ang walang kamalay-malay na ako ay natapunan ng juice. 

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon