33rd Chapter

601K 13.7K 7.7K
                                    

Chapter 33

Ang sakit. Alam nyo yun? Yung nagtiwala ka sa taong yun, binigay mo yung buong puso mo, nagpakatanga ka, halos isuko mo na ang lahat para sa kanya tapos ano? Ano ang mapapala mo? Papaiyakin ka, lolokohin. Ang sakit.. Mas masakit pa 'to sa ginawang panloloko ni Jarred, sa pagpapahiya ni Ynna, sa lahat lahat ng pagsubok na napag daanan ko. Hindi ko na kaya..


Tumakbo na ako palabas ng kwarto. Hindi ko na kayang tignan si Andy. Galit ako sa kanya, galit na galit. All this time, panakip butas lang pala ako sa Lynne na yun? Sino ba siya? Bakit ako pa yung kailangang pumalit sa kanya? Bakit ako pa yung kailangang masaktan? Hindi ko na kaya..


Pumunta ako sa lugar kung saan walang makakaistorbo sa akin. Kailangan kong mag isip. Pagpapatuloy ko pa ba tong katangahan ko na ito? Masokista na ba ako?


Andito ako sa pinakadulo ng dalampasigan, doon sa malayo sa resort, malayo kay Andy.. Kailangan kong mag isip.. Gusto kong sumigaw..


ANDY!!! Ang tanga tanga mo para gamitin ako! Hayop ka! Gag0 ka!


Ang ingay mo naman..


Cyriel? Anong ginagawa mo dito?


Tinanong ko siya habang umiiyak pa din ako


Natutulog sana ako kanina, kaso dumating ka at nag ingay..


Sorry..


Okay lang. Ano ba kasi ang problema mo? At saka bakit naka bikini ka lang? Gabi na.. Oh


Inabot niya sa akin yung shirt niya. Ang macho pala ni Cyriel (isip: dapat broken hearted ka teh! wag ka munang maglandi!)


Salamat..Si Andy kasi...


Ayan, umiyak na naman ako. Masabi ko lang ang pangalan niya parang ang sikip sikip sa dibdib. i feel so fragile, so vulnerable..


Bakit? Anong ginawa ni Andy?


Ti- tinawag niya akong Lynne.. Sino ba si Lynne?


Si Lynne?


Oo.. Sino ba si Lynne?


Si Lynne yung first love, first girlfriend at lahat ng first ni Andy


Eh di ba patay na si Lynne?


Paano mo nalaman yun?


Nakita ko siyang dinalaw ni Andy dati..


Ah..


Bakit niya ako tinawag na Lynne? Magkamukha ba kami?


Oo..


Then naalala ko.. Quote

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon