39th Chapter

555K 12.7K 2.7K
                                    

Chapter 39

Sana dalawa ang puso ko

Sana, dalawa ang puso ko..

Ano ba iyan? Bakit ko ba naisip yan? Nalilito na ako. Isang araw ko pa lang nakakasama si Cyriel, ganito na ang epekto niya sa akin. Hindi naman tama na isipin kong may gusto na ako sa kanya di ba? Mali yun. Siguro naga gwapuhan lang ako sa kanya, siguro nadadala lang ako sa kabaitan niya sa akin, siguro nabaling ko lang sa kanya yung pagtingin na dapat kay Andy ko ibinibigay..

School

Sara. Kamusta?

Ikaw nga ang dapat kamustahin ko eh. Kamusta kayo ni Cyriel?

Kami? Ano naman ang dapat kamustahin sa aming dalawa?

Naku. Naku. Alam ko yung ganyang tingin, may crush ka sa kanya noh? Aminin..

Magtigil ka nga. Kakatapos ko lang kay Andy, magsa Cyriel agad ako? Don't you think that's too pathetic?

Sus. Hindi na uso yun. 21st century na kaya

Yeah. Whatever, Sara. Oh

Ano 'toh?

Papel malamang, ngayon ka lang ba nakakita niyan?

Lol. Para saan?

Kaya tayo tinuruan magbasa para mabasa natin yan

Tss. Masama ang pagsama mo kay Cyriel, nahahawa ka na sa kapilosopohan niya

As if. Kamusta na ba yung ex mo?

Si Archie?

Malamang, sino pa ba ang ex mo?

Tss. Isa na lang, mapipikon na ako sa iyo

Joke lang. Eto naman oh. So, ano na nga?

Ewan. Hindi ko alam. Naguguluhan pa din ako. Parang kahapon lang ang saya saya namin, tapos ngayon naman, ganito. Ang bilis eh..

Gaga ka kasi. Yan tuloy ang napala mo.

Kasalanan ko ba? Hindi ko naman kasalanan na nagkagusto ako kay Dave. Kasalanan ko ba yun?

Hindi. Kasalanan ni Dave na masyado siyang gwapo

Tama. Tss. Nakakainis. Nawala na si Archie sa akin, hindi pa ako pinapansin ni Dave. Tell me, eto na ba ang kabayaran sa kalandian ko?

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon