47th Chapter

489K 10.6K 2.1K
                                    

Chapter 47

Ano? Inuman ba? Game ako

Inuman? Tss. Hindi iyon ang gagawin namin. Kung mag iinuman man kami, para ko na ring pina rape ang sarili ko. Hindi naman sa choosy ako, pero ayoko. Bata pa ako T___T

Inuman your face. Mamaya pagtangkaan mo pa ako

Sus. Masyado ka namang assuming. May standards ako noh

Aba't--

Para kayong bata

Andito pala si Cyriel? HAHA. Ngayon ko lang siya na feel -_-

Si Andy kasi eh..

Ako pa daw. Tss. Ikaw nga ang may motibo sa katawan ko eh

Ang lakas ng hangin. Grabe. Kung ang babae nalalaspag, ikaw naman natutuyot. HAHA

Biglang namula si Andy. Hahaha. Pikon pala 'to eh. Grabe, bakit ngayon ko lang nadiscover ang talent ko sa pambabara? Pambihirang buhay naman 'to oh.

Siya, siya, siya. Maglalaro tayo ng spin the bottle. Truth or consequence. Game?

Paano ba yun?

Biglang nagtanong si Cyriel. Hindi niya talaga alam? Seryoso?

Ganito yun

Biglang nagsalita si Andy

Iikot yung bote, alam mo naman siguro yun?

Bigla siyang binatukan ni Cyriel

Malamang. Bobo ba?

Haha. Nakakatawa silang tignan. Si Andy naman kasi eh, kung makapagbigay ng instructions, akala mo retarded yung kausap

Eto talaga, napaka brutal. Pagkatapos ngang iikot yung bote, kung kanino tumapat, mamimili siya kung truth o consequence. Kung truth, syempre tatanungin; kung consequence naman, bahala na kung ano ang ipapagawa

Magaling. Magaling. Magaling pa lang magpaliwanag si Andy? Akalain mong may utak pala siya?

Pano kung truth tapos hindi nasagot?

Hmm.. Paano nga ba?

Teka, hindi ko pa naiisip yun eh. Ano ba ang gusto niyo? Ikaw Cyriel?

Ewan ko, ngayon lang ako maglalaro niyan eh. Ikaw Andy?

Sigurado kayong ako ang tatanungin niyo?

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon