24th Chapter

646K 15.3K 3.2K
                                    

Chapter 24

GOOD VIBES!! 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Sino ba naman ang hindi sasaya kapag narinig mong nagmamakaawa ang ex mong pinagpalit ka sa iba para balikan mo siya? Hindi ba napaka-fulfilling ng feeling na 'yun? At dahil napaka-saya ko, ipinagpatuloy ko na lang ang panonood ng Vampire Diaries.

*FAST FORWARD*
6 p.m. na! Isa lang ang ibig sabihin, kailangan ko ng gumayak para sa party ni Andy.

At dahil masaya talaga ako, magsusuot ako ng damit na tiyak na magugustuhan ni Andy. Tutal birthday naman niya, pagbigyan na.

Buti na lang nakapag-shopping ako kahapon, kasabay ng pagbili ko ng regalo sa kanya. Black dress ang isusuot ko, tiyak ko. MATUTUWA si Andy.

Matapos ang mahaba-habang pag-aayos, binggo! Tapos na ako. Ready-to-go na ako.

*VENUE*

AFGITMOLFM

Ang dami palang tao dito. Tae. Hindi ko naman akalain na halos lahat ng mga kakilala ko sa St. Claire's Academy ay invited. Taeno. Nakakahiya naman 'tong suot ko? Dapat eh for Andy's eyes only. Bahala na si Batman, madilim naman eh.

Tignan mo 'tong si Andy, mawala lang ako ng saglit eh nakikipaglandian na sa mga babae. Playboy talaga.

"Ehem," I said, making them notice my presence.

Buti naman napansin ng mga malalanding babaeng 'yun na kailangan na nilang umexit.

"Sweetheart, andito ka na pala," Andy said.

"'Di naman masyadong obvious 'di ba?" pamimilosopo ko.

"Birthday ko ngayon, baka nakakalimutan mo. Teka, mukhang napaka-sexy natin ngayon ah. Talagang nagpaganda ka para sa akin."

"Ang kapal ng mukha mo. Wala na kasi akong ibang masuot kaya wala akong ibang choice kundi isuot 'to," I reasoned out.

"Asus, okay lang naman umamin paminsan-minsan," he told me.

"Ang kapal ng mukha. At bakit naman ako magpapaganda para sa'yo? As far as I'm concerned, matagal na akong maganda."

"'Yun naman. Nahawa ka na ng kayabangan sa'kin ah."

"Buti alam mo. Teka nga pala, nasa'n na 'yung dalawa?" I asked him.

"Sinong dalawa ba?" he asked.

"Si Dave at Cyriel," I answered. "Sino pa ba ang hahanapin ko?"

Andy scowled. "Birthday ko ngayon, 'wag mo naman akong pagselosin."

"Ang drama. O siya, si Sara na lang, nakita mo na ba siya?"

"Sinong Sara?" he asked.

"Yung bestfriend ko na sinabi ko kahapon na isasama ko," I answered.

"Ah. Ano ba itsura? Baka nakita ko ng dumating."

"Si Sara? Medyo mas matangkad sa akin, bob cut yung buhok tapos mukhang Chinese."

"Ah, may nakita akong ganyang babae kanina," he told me. "May kasamang lalaki?"

"Oo. Si Sara nga yun. Kasama niya yung boyfriend niya. Puntahan ko muna sila ha?"

"Sige, basta balik ka sa'kin mamaya ha?" he said.

"Manyak. Sige, mamaya na lang," I told him.

Homaygulay

Si Sara at Archie, nasa couch at mukhang naghihigupan ng buhay ng bawat isa.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Where stories live. Discover now