p r o l o g u e

8.2K 170 24
                                    

TURNING PAGES

Keep turning the pages, even if up to now, I can't still find our happy ending.








**

Prolouge








Nakatayo kaming lahat, nakapalibot sa kama niya.


Andito na kasi ang Doktor ni Kathryn.


Hinawakan ko ang kamay niya... nginitian niya lang ako. Bakit ganon?Bakit ang ganda mo parin?


"What do you have now, Doc?" Tanong ni Tita Min sa Doktor ni Kathryn. Magiging okay na kaya si Kath?


Pero tuwing tinitignan ko ang Doktor niya, nasasaktan ako. Yang mga tingin na ganyan... iba. May iba. May ibang parang hindi ko magugustohan.May ibang parang ayaw ko'ng pakinggan.





He looked down and scanned the papers. Tinignan ko siya, si Kathryn at sakin lang pala siya nakatingin. Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti na naman. Like always.
































"Stage 4 cancer."





Stage4.... Hah. Parang kahapon, stage 2 pa 'to ah? Bilis.


Hindi ko pinahalata.Hindi ko pinahalatang nawawalan na ako ng pag-asa.


Kailangan ko na naman siyang tignan. Para mabuhayan ako. Para maging okay ako. Isang ngiti niya lang, nawala lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko. Pero bakit sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya....parang dinudurog ako? Hindi ko kaya.


Biglang lumabas si Tita Min at Tito Teddy. Habang lahat kaming naiwan ay nanatiling tahimik. Lahat nagpipigil ng iyak.


Umupo ako sa gilid ng kama niya. Hinalikan ang kamay niya at....





"Kaya pa, di ba?"








Lagi kong tinatanong sakanya 'yan.


Pero ngayon, mukhang hirap siyang sagutin 'to. Hirap na hirap siyang ipaliwanag sakin na hindi na? Na hindi na niya kaya?


Pero ngumiti siya. Gaya ng dati.


"Para sa'yo, kaya pa."





**





This is a futuristic fanfiction.





Paano kung magkasakit si Kathryn? Ganern.


Thoughts?

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now