scared

2.2K 100 40
                                    


**


PAGKABUKAS ko ng pinto, si Tita Min agad ang nakita ko. Nginitian niya ko pero kitang-kita yung maga ng mata niya. "Sorry na late ako." She smiled at me as if she knew already what happened. Alam niyang umiyak ako at umuwi dahil kay Mama. Yun pa. 

"Ayos lang. Kumain ka na ba DJ?" Medyo namamaos si Tita. Kita ko yung lungkot sa mga mata niya at parang 'di tumalab yung mga positive thoughts ko kanina habang nasa daan. 

Nakalulungkot. Nakawawasak. Nakababaliw. Nakapanghihina. 

Huminga ako ng malalim at tumango. Nang makapasok na ako ng tuluyan, nakita ko si Kathryn na hinihintay rin ako. Parang sa moment na 'yon, gusto ko siyang yakapin at yakapin at yakapin agad. Gusto ko siyang halikan at paulit-ulit na sabihan kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano ko siya gusto pakasalanan agad. Dalawang taon nalang, e. Ikakasal na kami. 25, 26 pa ang plano kasi saktong importanteng mga petsa 'yon sa buhay namin. 

Nagliwanang ang mukha niya nang makita ako. Ngumiti siya sakin at ganon din ako. 

Kita mo 'yang gandang 'yan, Lord? 'Yan yung mga gandang pinapanatili sa mundo dahil konti nalang sila. Konti nalang yung maganda sa panlabas at panloob. 

Pero sa gandang 'yan, hindi kita masisisi kung bakit gusto mo na siyang ilista bilang anghel. Ang gusto niya pa kasi ngayon masali sa Victoria Secret Angels. 

Pero sabi ko nga hindi kita masisisi. 

Pero balik tayo sa una. 

Dito muna siya, oh. Sakin muna siya, Lord. 

Naglakad ako palapit sakanya at agad siyang hinalikan sa noo. "Sorry, Love." 

"It's okay. Will you sleep beside me?" 

Kita mo, Lord? Ganda diba? Ganda lalo? Wala pang make up 'yan. Partida, may sakit pa ang mahal ko niyan. Sakin muna ah? Wag muna ah? Di ko kasi kaya. 


"Oo naman." Sabi ko at hinalikan siya ulit. This time, sa lips na. "Smack lang kasi andito si Tita." Bulong ko sakanya at bahagya siyang napatawa. 

Tumayo ako at pumunta kay Tita Min. "Tita, tabihan ko si Kathryn, okay lang?"

"Oo, nagpaalam na 'yan sakin kanina." Sabi niya at tinapik ang balikat ko. "Dito na ako. Medyo pagod rin ako, DJ." Umupo siya sa couch at inayos ang unan niya at blanket. "Okay ka lang diyan Tita?" She smiled at me at tumingin kay Kath. "Sige na, matulog na kayo." Humiga na siya at bago pa man din ako makabalik sa kama ni Kathryn ay hinalikan ko siya sa noo. 

Si Tita Min na andiyan pa lagi. Si Tita na hindi ako pinapabayaan. Si Tita, nakita ko'ng sobrang sakit para sakanya lahat ng nangyayare ngayon. Mas matatag pa 'to sa Narra eh. Si Tita na magiging Mama ko na soon. 

Nakapikit si Kathryn pero halatang gising, hinihintay lang ako. Tinanggal ko ang sapatos at inayos ang mga kung ano mang nakalagay sakanya para di ko masagi or matanggal. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya at pinayakap siya sakin. "You should sleep na, Mahal." Hinalikan ko siya. "Kailangan na raw agad ikaw mag proceed sa chemo. Bukas na agad, diba?"  Hinaplos-haplos ko ang buhok niya.

Naramdaman ko ang pagtango niya. "Can you tweet, Love?" 

"Bakit?"

"Tweet naman for our fans. I don't want them to feel forgotten." 

By those words, parang maiiyak na naman ako ah. Siguro kung may mga taong masasabi kong minamahal kami ng walang kakundi-kundisyon, sila 'yon. Hindi kami magka ano-ano pero andiyan sila. Hanggang ngayon. Pwede nilang isa walang bahala kami, kasi hindi nila kami responsibilidad pero hindi nila kami iniwan sa ere. Hindi nila kami pinabayaan. 

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now