beautiful

2K 116 32
                                    




**

"MGA ilang oras pa itatagal ng session? One and a half?" Tanong ni Kuya Dho. Nakaupo yung iba, yung iba nakatayo, ako at si Jordan lang ang nakahiga sa kama. Hinihintay ang pagkatapos ng chemo therapy ni Kathryn.

"Not just one." Iling ni Tita Min habang katabi niya ang Nanay ko. "4 hours. Kasi it varies sa kind ng cancer and kung anong stage na. So si Kath--4 hours sakanya." Paliwanag niya. Huminga lang ng malalim si Tito Dho at tumango.

"Kapag din daw nagche-chemo nagkaka hair loss sa lahat ng body. Not just sa scalp, no?" Tita Anna.

Tumango naman si Tita Min. Pasimple ko lang silang tinitignan kasi nilalaro ko si Jordan. TInatry kong 'wag masyadong isipin 'yon. Pero wala eh, nadi-distract at nadi-distract talaga ako.

"Kuya DJ.." Ayan, sinampal pa ko ni Jordan. "Yes?" Tanong ko at kinagat ang cheek niyang napakataba. "Nang Kath?" Tanong niya at gumulong. Nag-aaral na si Jordan at habang lumalaki siya mas nagiging close siya kay Kathryn. But that wouldn't change the fact na hindi namin siya ibi-baby.

"Nagpapagamot."

"Why?"

"May lagnat." Hindi pa naman niya maiintindihan kaya 'yan nalang muna.

Tumango siya at humiga sa tiyan ko. Hindi ba siya nainform ng mga fats niyang sobrang bigat niya? Pero sabagay, kung si Kathryn ang pumapatong sakin wala kang maririnig na reklamo. Kasi baka nakapikit na ako at pangalan niya nalang ang isinasambit ko. Wala kang maririnig na "Ang bigat mo." Gaya ngayon.


"DJ?"

"Ma,"

"Kumain ka muna. Nagugutom ka ba?"


Ayaw ko ng ganito. Masyadong seryoso. Masyadong malungkot. Halata ko lahat ng pagbabago. Dati kasi kahit pag alok sa pagkain may halong mura yang si Mama. Pero ngayon, parang nag-aalala siya na hindi mo maintindihan kung iiyak ka nalang ba.

"Busog pa ko, Ma." Sabi ko nalang at niyakap si Jordan na naglalaro sa cellphone ko.

"Sigurado ka?" Kita? Iba.

Tumango ako pero hindi ko na siya tinignan. Ayaw ko ring nakikita ako ng Nanay ko na nahihirapan.


Lumipas ang apat na oras at pinuntahan na kami ng Nurse at sinabing ilalabas na raw si Kathryn. Siyempre kasing bilis ko si Flash sa pagtayo. Medyo matagal rin yon, ah. Miss ko na siya agad.

Naghintay kami sa labas ng kwarto kung saan siya chinemo therapy. Sila JV lang yata ang iniwan sa kwarto para magbantay doon.

Pagbukas ng pinto, parang naalala ko yung scene sa Shes Dating the Gangster dati. Yung naka wheel chair na si Athena tapos nakita na niya si Kenji. Parang ganito kasi yung moment na 'yon.

Nakangiti siya ng pagkalaki-laki at parang sumakay ako ng space shuttle dahil parang tumalon-talon yung puso ko. Ang kinaibahan, dahil sa pagmamahal hindi sa kaba.

"Hi," Siniko ako ni Mama dahil nastatwa na ko. Agad ko naman siyang nilapitan. "Hi, love." Sabi ko na may ngiti sa labi. May nakalagay sa ulo niya kasi nga, diba, konti nalang ang buhok niya. I lowered myself until we're on the same level.

"How do...how do I look?" Hinawakan niya pa 'yong ulo niya at halatang naco-conscious siya. Napatitig lang ako sakanya. Di alintana na may mga nurse dito, may doctor at sila Tita Min nakatingin.

"You're beautiful." Mahina kong sambit. Mahina pero puno ng pagmamahal. May mga bagay kasing hindi kailangan ipagsigawan. May mga bagay na kahit mahina--malakas, mas maganda, mas mahiwaga.

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now