great love

1.6K 69 0
                                    

**

MAGSISIMULA na ang kasal at ang kapareha ko ay si Trina. Ayaw daw kasi nila Pamu na ma-awkward si Kathryn kung kami ang magkapares. Naiintindihan ko naman lalo na sa kalagayan niya't di pa kami nakakapag-usap. Una kaming naglakad ni Trina. Nang maghiwalay kami ay nanatili kaming nakatayo at pinanood ang mga sumunod. Sumunod sila Marco, sila Patrick hanggang si Dominic. Hanggang si Diego na at si Kathryn. Nagpaalam pa nga si Diegs sakin kung okay lang daw. Eh okay naman talaga. Wala namang problema. Isa pa, may girlfriend na 'yang si Diego. Tumatanda na rin 'yan, kailangan niya na ng yaya. Loko lang.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad sila. Totoo nga yung sinabi ni Marco, mapapaisip ka kung talagang depressed si Kathryn dahil sa ganda niya. Pero sa facial expression mo kasi rin mapapansin sakanya eh. Napapansin kong ang hilig niyang magtap ng paa niya, she also plays with her fingers kapag napapansin kong naawkward o siya o di siya comfortable. Mostly tahimik siya pag di kinakausap. Tapos yung mga mata niya hindi minsan mapakali. Sometimes she looks down also. Mahahalata mo sa actions niya.

Parang siyang anghel na naglalakad papunta sa harap. I can't help but stare at her and adore her. I would do everything for you. Siguro nga kaya tayo pinagkita ng tadhana dahil may kailangan tayong tapusin at ayusin. Maybe now's the time for us to fix everything.
Hindi nakaligtas sakin ang pagtingin niya sa direksyon ko. Bigla akong nakaramdam ng mga paru-paro. Isang paglingon niya rin ay biglang napahinto ang paghinga ko. She still has this effect on me. Panong mawawala eh hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang puso ko. I wonder if I still have hers.

Nagsimula na ang kasal at nakinig kami sa mga sinasabi ng pari at ng kinakasal. There were times na napapalingon ako sa side niya at nakikita ko siyang nakikinig intently. Bumalik ang tingin ko kina Pamu na ngayon ay nagdedeliver ng vows nila. Totoo nga yung sabi ni Ate Carmi tungkol samin dati. Maswerte ang mga taong nakakaranas nang ganitong pag-ibig. I can see it before my eyes. There's a pang on my chest nang maalala ko ang kung anong meron kami ni Kathryn dati. Sobrang saya lang, sobrang sarap lang sa pakiramdam. I never knew na isang araw magkikita kami sa kasal ng dalawa sa kaibigan namin na parang hindi magkakilala, hindi na magkasama at hindi na masaya. I never knew na magkikita kaming muli na dala ang sakit ng kahapon.

Tinignan ko siyang muli at nakita kong nagpahid siya nang luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"Until death do us part." Sabay na sabi ng dalawa.
Naalala ko yung huling pelikula na ginawa namin nang magkasama. Habang dinideliver namin yung vows namin, naiiyak kaming pareho dahil damang-dama at ramdam talaga namin. Hindi na kasi si Gab at Dos 'yon. Kami talaga 'yon.
We pictured ourselves being married one day.

After the ceremony, ay ang reception. Nagbigay ng messages yung ibaa, kumain, nagsaya sila. Kita namin sa table ng girls na nagiinuman din sila. Minsan pumupunta roon sila Khalil minsan naman sila Marlann ang pumupunta rito. Ganon lang. mukha naman silang nage-enjoy dun. Dito ako umupo sa pwesto kung saan makikita ko si Kathryn. Umiinom din kasi siya kahit medyo tahimik lang. Nakikinig kina Arisse kung ano man yong pinaguusapan nila.

"Uy, DJ, sayo oh." Abot sakin ni Dom ng baso. Kinuha ko 'yon at uminom. "Last na muna 'to."

Kailangan kong bantayan din si Kathryn eh. May iba rin naman kasing invited ma hindi namin kilala. Mahirap na. Mukha pa namang walang plano tumigil tong mga babaeng 'to.

"Ano, tol? Anong plano?" Napabalik ako ng tingin sa mga kaibigan ko na palipat-lipat ang tingin sakin tapos kay Kathryn. "Ano?"

"Kakausapin ko, siyempre."

"Kelan?"

"Kapag nakahanap na ko ng panahon."

"Pwede naman kasing ikaw yung gumawa ng chance na magkausap kayo. Gaya ngayon. Ayain mo. Usap kayo." Tinuro pa ko ni Marco na parang sinasabi niyang "wala to".

"Tingin niyo ba magfi-freak out siya pag nakausap ko? I mean, baka atakehin siya ng anxiety niya." I said at tumingin sa gawi niya. She is smiling while holding the glass of her drink.

"Mukha namang okay si Kathryn eh. Kanina nga tinignan ka pa at nagHI pa sa'yo, diba?" Khalil.

"Natatakot lang kasi ako na baka masaktan siya eh."

"Tol nasaktan na yan for how many years. Sagarin mo na."

"Gago."

"Puntahan mo na, dali." Pagtutulak-tulakan sakin ni Patrick. Uminom pa ko ng isang baso bago tumayo.
"Yown! Goodluck bro!"

Huminga muna ako nang malalim para kumalma naman ako ng konti. Kahit ng mga 2% lang. Mukha lang akong maayos maglakad pero nagwawala na ang loob-looban ko. Kahit nga mahangin dito kasi by the beach lang kami feeling ko pagpapawisan na ko.

Nakatayo ako sa harap niya at napatingin lahat ng girls sakin. Even her. "Yes, DJ?" Kinikilig na tanong ni Kiray.
Nakatitig lang ako kay Kathryn at nakita kong binaba niya ang tingin niya and made circles on her glass.

"Kath, can we talk?" Napahinto siya sa ginagawa niya tumingin sakin. "W-what..." It was almost a whisper.

"Can we talk? Diyan lang. Let's go for a walk?"
Nakita ko ang pag taas-baba ng dibdib niya. Kinakabahan ba siya? Kita ko ring nininerbyos siya. Kita sa mga mata niya. Tumingin siya sa mga kaibigan niyang babae.

"Ay sige lang! Go lang!"

"We'll be fine here friends! Go go go lang kayo jan!"

Sunod-sunod nilang sabi.
Ngumiti ako sakanya at tumango naman siya pero halatang nahihirapan siyang huminga. I know the feeling, Bal.

Naglakad kami palayo sa venue at pumunta kami malapit sa dagat. "Okay lang ba kung umupo tayo?" Pagbasag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

"Hmm-hmm." She answered, not looking at me. Umupo kaming dalawa sa buhangin.

"Kumusta ka?" I started the conversation.

Nakatingin lang siya sa malayo. "Uhm.."

"Kath, let's be honest this time." Napatingin siya sakin. Matagal. Nakatingin lang siya, I am trying to find words in the way she looks at me. Nakatingin lang kami sa isa't-isa hanggang sa makita kong namumuo na ang luha sa mga mata niya. "I am sorry."

Hindi ko inasahan ang sinabi niya.

I am sorry? Ako ang dapat magsorry.

Umiwas siya ng tingin at tumingin muli sa malayo. "Kanina habang...habang pinapanood si Pamu at Kevin, hindi ko mapigilang mapaisip." She breathed heavily. "If I was more patient, if I was more open, are we okay by this point of life?" Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya.
"I'm sorry hindi ko pinakinggan ang side mo, DJ." She looked at me now. "Mama told me everything when I got back here. I feel so bad for you. But mostly for myself." I moved closed to her. "Kath.."

"I've been so miserable. I've been so lonely. I kept on building walls around myself from all of you. I believed something that I wasn't fully aware of. And it's holding me ever since."

"You don't have to say sory. I am sorry."

"No, I am just too broken to be put up together anymore. I lost myself in the process of forgetting you."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Mahal pa rin kita." Napapikit siya and nagpatuloy sa pagiyak.

"Kath, walang araw na hindi kita iniisip. Kath hanggang ngayon ikaw pa rin yung hinahanap-hanap ko. Sa bawat lugar na pinupuntahan ko ikaw yung naiisip ko. Napuntahan mo man o hindi—ikaw pa rin, kasi lagi kong naiisip na sana kasama kita. Na sana andun ka." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. "There was never time I hoped you never came. Because I told myself, and I know, ever since you came in to my life, I'd be willing to live for the memories and love you gave me." I wiped her tears. Sobrang mahal ko 'tong babaeng 'to.

"Remember when Ate Carmi said how lucky we are to find a love like that?" Tinignan ko lang siya.
"I am grateful I found my great love, DJ. And it is you. I am happy I found you. I am happy I felt it because of you. I am happy to feel what true love is."

Hinawakan niya rin ang kamay ko.

"But I guess sometimes finding your great love doesn't mean you can still be together. Sometimes our great love was only visiting. It may be a great love and not a counterfeit but it's not convenient to stay. And I hope someday you will understand why I need to let go of my first and great love."

**

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now