invitation

1.9K 78 24
                                    


**


"KUYA?" Pinikit ko pa nang mas madiin ang pagkakapikit ng aking mga mata. 

Wag muna. Ayoko muna may makausap. Gusto ko muna pumikit. Gusto ko munang pumikit kahit ang hirap pang huminga. Ang hirap, tangina. "Kuya?" Tawag ulit sakin ni Lelay. "Kuya, DJ.." Huminga ako ng malalim. 


"Kuya, kanina pa raw nagri-ring ang cellphone mo." Nakalimutan ko pala sa kotse. "Kinuha ni Mama." Sabi niya. Ramdam kong lumubog ang kama. Malamang, umupo si Carmella.

Nagmulat na ako ng mata at tinignan siya, pero nanatili akong nakadaob. "Sino?" 

"Si...Mahal? Si Ate Kathryn." Inabot niya sakin 'yon. Tinitigan ko lang. Nanunubig na naman ang mata ko. Paano ba 'to? Ba't parang ang hina ko? Hindi pwede 'to, eh. Dapat saming dalawa mas malakas ako. Dapat tulongan ko siya hindi yung ako pa mismo mawawalan ng pag-asa. 

"Kuya..." Mas nilapit sakin ni Lelay ang telepono. "Sagutin mo na, kanina pa 'yan..kanina ka pa rin wala there." Tumango ako at kinuha yung phone. "Sige na, ako na." 

Tumayo siya at umalis na ng kwarto ko. Hindi ko pa rin sinasagot ang tawag at nang magoff ito, hinintay kong tumawag ulit pero hindi na. 

Inilagay ko ang unan kong yakap sa ulo ko. Napatitig muna ako sa ceiling. Gago, 'wag kang iiyak. Tapos na kanina. Wag na. Huminga ako ng malalim at binuksan ang cellphone. Napahinto ako nang makita ang lockscreen ko. 


"We need to proceed immediately with the chemo therapy.."

"It is already stage 4, Mrs. Bernardo."

Napakagat ako sa labi ko at ibinaba ko ang cellphone. Tangina... pumikit ako at umiyak na naman. Oo, tangina, ang gago. Ba't ba ako iyak ng iyak. Stage 4 lang naman 'yon? Stage 4 lang. Wala yun. Madali lang yun malampasan. Knowing Kathryn?


Pero kahit anong pagkukumbinsi ko sa sarili ko, wala eh. Ang sakit. Ang hirap. At higit sa lahat, nakatatakot. Hindi ko kaya, Bro.  'Wag naman si Kath. Hindi ba pwedeng yung kapitbahay ko nalang sa kabilang kanto? Bakit kailangan pang yung Tangi ko makaranas nito?


Pagkasabi non kanina, hindi ako nakapagsalita. Tumingin kaming lahat sakanya na, ganon pa rin, nakangiti. Na para bang hindi na siya nasasaktan at natatakot gaya namin. Pagkaalis ng Doctor, nagpresenta akong bumili ng pagkain. Pero heto, hindi na nakabalik. Dumiretso ako sa bahay at inutusan ko nalang si Patrick na bumili para sakanila. 

Hindi ko kasi kaya. 

Ang hirap umapak sa semento at magkunwaring ayos lang lahat. Na kunwari hindi ka pinapalibutan ng takot.  Sobrang hirap. 

Kapag pumipikit ako siya yung nakikita ko. At mas lalo lang akong nasasaktan, napipiga, nawawasak. 

Bal, Tangi, Love, Mahal.. 

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko. Tawagan mo na. 

Nagring ito ng tatlong beses at sumagot na siya. "Love?" Yan, yang boses na yan.. Kakayanin ko ba? 

"Where are you na?" She asked softly. Imbis na mawala yung takot ko..mas nadagdagan. Hindi ko talaga kayang mawala ka. Hindi ko pala talaga kaya. 


"A-ah, nasa bahay. Kumain na kayo? Nagpalit lang ako, babalik na 'ko." Umupo ako sa kama. 

"Tapos na po." Hindi ako nakasagot at parang tangang naiiyak na naman. Lumunok ako at magsasalita na sana nang magsalita na siya. "Love, I miss you here." Napapikit ako sa lambing ng boses niya. 


"I miss..you.." Nagcrack pa ang boses ko kaya lumunok ulit ako at sinubukang umayos. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng marinig ni Kathryn na ganito. "10pm na love, magsleep ka na." 

"Hindi ako makatulog without you here." Huminga ako ng malalim. Oo mahal, papunta na. 

"Wait mo ko, Love?" 

"Hmm-hmm." 

"Sorry ha? Sige naglalakad na ko pababa. I love you so much, Tangi." 

"I love you so much, too." 

"Baba mo na." 

"Okay, ingat ka ah?" 

God, her voice. "I love you. I will." 


"I love you, DJ." 

"I love youuuu." 

Hinintay ko lang siyang ioff. Hindi ko pa rin ibinababa. 

"Please hold on to me." 

I heard her say before she dropped the call. 


--

Nagdrive ako papuntang hospital, at nang makapag-park ako, paglabas na paglabas ko, sinalubong ako ng isang artista. Alam kong artista siya peron nakalimutan ko kung anong pangalan niya. "Hi, DJ!" 

"Good evening po." 

"Buti nalang nakita kita agad. I was about to visit Kath and to talk to toy. Pinark ko rin car ko." Tinuro niya pa ang isang itim na kotse na nasa may di kalayuan. 

"Ah, gabi na? Bakit ngayon ka bibista?"

"Tatry ko lang sana. Aalis kasi ako tomorrow. Papuntang California." 

"Oh,  I see. Bakit.. bakit mo ko gustong makausap?"

Nakangiti niyang kinuha ang pulang card mula sa bag niya. "Pinapabigay kasi 'to ni Kai." Napakunot agad ang noo ko. "Ni Kai?"

"Yup! Birthday niya na kasi next month and she's inviting you and Kathryn. Also, binigyan niya rin ng invitation si Marco, Diego and Patrick. Pool party 'yon, actually." Nakalahad pa rin yung card at nakakunot pa rin ang noo ko. 

"Uhm, I'm sorry pero kasi we're going through something right now and I can not go." 

"Just accept it atleast. Pinasuyo niya lang sakin kasi nagkakita kami earlier sa rockwell." Ngumiti siya.

"Okay, thanks." Kinuha ko 'yon at ngumiti ako sakanya ng tipid. "Thanks, sasabay ka pa ba?" 

"Hindi na yata visiting hours. Mauna nalang ako. Kayo? You will stay here?" 

"Yeah, ako tsaka Mom niya." 

"Ohh, I see. Sige, I'll go ahead. Thank you, DJ." 

"Sige, thank you rin." Ngumiti ako sakanya at tumalikod na siya. Sumakay siya sa kotse niya at umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Patrick. 

"Hello tol?"

"Hello? May nakuha ka ring invitation from Kai?" 

"Oo, eh." Iling ko at binuksan ang kotse. Inilagay ko doon yung invite. "Manggugulo lang yun." 


-- 



THIRD PERSON'S POV


"Oh..." Napababa ang dalawang kamay ng dalaga na kanina lang ay nakahawak sa manobela. Napakurap siya nang ilang beses matapos makitang inilagay lang ni Daniel ang imbitasyon sa kotse. Hindi niya man lang binuksan o ano.. Isip pa niya.


"Okay lang 'yan, Kai." Pinunasan niya yung luhang tumulo mula sa mata niya. "Malay mo, pumunta siya sa birthday mo? Pupunta siya. Pupunta siya." Sabi niya para kumalma ang sarili.


"Pupunta siya, magtiwala ka." 


**

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now