kathryn

1.9K 110 23
                                    




**


KATHRYN


5 years later.





"Hello?"


"Kath? Kathryn!"


"Trina, how are you?"


"I missed you! I'm okay! Ikaw? Kumusta ka na?"


Kumusta na nga ba ako?

Hindi maganda ang hapon na 'to. Kakalabas ko lang galing sa trabaho ko, nakaupo lang ako sa isang bench dito sa Ixelles pond. Nakatingin ako sa baba, sa sapatos ko. Medyo madumi na rin pala 'to. Sinipa-sipa ko ang bato. Napaangat ang tingin ko sa pares ng paang huminto sa harapan ko. Isa siyang batang babae. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakakawalang gana. Tumayo ako at naglakad. Bakit ko nga ba sinagot ang tawag ni Trina? Eh ilang taon ko na rin naman silang iniiwasan?

Habang naglalakad, tumingin sakin ang isang mag-asawa. Ngumiti sila. Hindi ko sila pinansin. Hindi ko naman sila kilala at kahit na kilala ko pa sila wala akong pakealam sakanila. Nakakunot lang ang noo ko habang naglalakad. Siguro nasanay na kasi akong ganito ang ekspresyon ko. Kaya nga kahit sa trabaho, wala ako gaanong kaibigan. Kung trabaho--trabaho talaga.


"Ah, Kath? Kathryn, huy."

Rinig ko pa sa kabilang telepono. Nakakairita.

Kung 'di lang akong pinilit ni Mama na sagutin ang tawag hindi ko rin naman 'to sasagutin. Ano bang kailangan nila? Kailangan ba nilang sumikat? Gusto ba nilang dumikit ulit sakin para sumikat? Malas nila, hindi na ako artista ngayon. Hindi na ako sikat gaya ng dati.

Bumuntong hininga ako. "Bakit ba?" Iritado kong tanong.

"Busy ka ba? Kumusta ka na ate gurl? Namiss kita eh." Huminto ako humarap sa tubig. Nakalagay ang isa kong kamay sa bulsa ng jacket ko.

Wala naman akong namiss sainyo. Ni isa. Wala.


"Ayos lang. Buhay pa rin."


Sayang nga, e. Dapat talaga namatay nalang ako.


"Kelan ka ba uuwi dito sa Pilipinas?"

"Hindi ko na alam."

Kasi hindi ko na rin gugustuhing umuwi diyan. Baka masira lang nang tuluyan ang buhay ko.


"Kath, I was wondering if...if pwedeng magusap tayo often? Namiss kasi kita talaga."

"Tingin mo?"

"Ah, oo. Sobrang namiss kita. Sobrang tuwa ko nga..."

At hindi ko na narinig ang mga pinagsasabi niya. Ibinaba ko ang cellphone ko pero nakabukas pa rin naman 'yon. Bahala siya magsasalita diyan, wala naman akong pake. I don't owe them an explanation. I just sincerely don't care about them anymore.

Inilagay ko ulit ang cellphone ko sa tenga ko. Tapos na yata siya magsalita. "Uhm, Trina, I will talk to you soon. Tinatawag na kasi ako ng boss ko. Bye."

"Ah, alright, I hope iopen mo yung social media accounts mo ha? Ingat ka diyan, miss you!"

"All right."

"Bye, Kath!"

And then I ended the call and started walking again. Uuwi nalang siguro muna ako ngayon sa apartment ko at di nalang muna siguro ako kakain ng dinner. Nakakatamad magluto o magpadeliver.

Nang binuksan ko na ang pinto ay inilapag ko agad ang bag ko sa chair. Umupo ako sa couch bago tanggalin ang sapatos at coat ko. Kinuha ko ang remote ng aircon at binuksa 'yon. Isinandal ko muna saglit ang likod at ulo ko. Nakakapagod ang araw na 'to.

Maya-maya lang, I've decided na magbukas ng emails. Baka sinend na ni Nikolaj ang mga documents na kakailanganin ko. I am a secretary of Dimiter. He is the owner of Dimiter Industries Company. Ito ang pinasok ko dahil ito rin naman ang tinapos ko.

After ng ilang oras na magchecheck ay binuksan ko na ang facebook account ko. This is my private account simula pa nang college ako. Tanging mga kaibigan ko lang at pamilya ang friends ko dito. Pero kahit na, flooded pa rin ako ng messages nila.

Una kong nakita ay ang account ni Mama nang buksan ko ang inbox.

Tuwang-tuwa si Trina nang makausap ka anak. How are you there? Kumain ka na ba?

Buti naman 'di siya online. Minark as unread ko nalang 'yon at clinose na ang inbox ko.

Sumandal ako muli at pinatay na ang laptop ko.

Pipikit pa lang sana ako nang mag ring ang cellphone ko.


Kevin calling...


"Hello, Kuya?"

"Bunso! Nasa bahay ka na, no?"

"Yes, why?"

"Gusto ka kausapin ni Sasha, okay lang ba?"

Umayos ako nang upo at sumagot ng, "Yeah, sure."

Si Sasha ang anak nila ni Ate Shannen. Sa buong pamilya, si Kuya Kevin, Ate Shannen at Lhexine lang ang madalas ko'ng kausap. Habang kausap ko si Sasha, I figured na nasa bahay sila ngayon kasi naririnig ko rin si Lhexine sa background--gusto niya rin akong makausap.

"Tita Kath!"

"Hi, Lhexine. How's school?"

"It's okay naman po. After school naman, we went to Lola's restaurant!" And when she says Lola--she's pertaining to Tita Karla Estrada.

"Oh, kumusta naman? Masarap?"

"Yes, always! You should come next time!"

"Oh, okay."

"Tita, Nonong is also there! He---oh, sorry. I did it again. Please don't drop the call. I didn't mean to mention him--"

"Lhexine, Tita really needs to go na rin. Can I talk to Tito Kevin?"

"Okay, I love you, Tita."

"I love you too."

Huminga ako nang malalim at humiga. "Hello, Kuya?"

"Kath...you know you should refrain from treating Lhexine like that. Lumalaki na yung bata. Nasasaktan yun every time na ginagawa mo sakanya 'yon."

"Kuya, I'm so tired today."

"I was just saying. She's trying her best na hindi naman ibring up. Nasanay kasi siya."

I rolled my eyes."Fine, fine. I have to rest."

"Make sure to eat dinner para di ka magkasakit, bunso."

"I know. Ikaw rin, say hi to Ate Shannen for me."

"No problem. I miss you, Bunso. We're planning to visit there. Konting ipon nalang."

"I missed you, too. Ingat."


Nang matapos na ang tawag ay humiga na ako sa couch at kinuha ang isang unan. Binuksan ko ang lamp shade sa gilid ko at pumikit na.


My days usually end like this.

Makakatulog ako sa couch nang hindi na nakakakain. Gigising ako kinaumagahan nang nagmamadali at papasok na. Araw-araw ganyan. Minsan naman, dadaan sa isang restaurant or sa isang bar na magisa. Laging mag-isa.

Ganito lagi ang buhay ko.

At ayos na ako dito. Ayos lang akong mag-isa.


**

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now