his side

1.5K 66 4
                                    

**

UPON reading Patrick's message, I hurriedly went to my car. Nanginginig ako at nanlalamig.

Isa lang ang paulit-ulit na naiisip ko. Ang laki kong gago. Ang gago ko. Sobrang gago ko.

Agad ko siyang tinawagan habang nagsimula nang magdrive at lumabas sa subdivision nila Kai.

Walang kami ni Kai.

"Pat—"

"Tangina mo, Dj!" Gigil na gigil niyang sabi sakin. "Paalis na si Kath! Ilang araw kitang tinetext na alam niya na kung asan ka!"

"Pat hindi mo ba sinabi 'yong rason?"

"Tingin mo ba tatanggapin niya 'yong rasong naduduwag ka lang? Na pinangunahan ka ng takot at ayan! Tangina. Okay lang sana kung yon lang talaga pero, DJ, may sabit eh."

"Asan na siya? Nasa.. nasa airport na ba siya?" Nanginginig ang mga kamay ko habang nagdadrive. I need to hurry. Kailangan ko siyang maabutan.

"DJ, alam mo sobrang useless na niyang pagsunod mo. Sobrang... hindi ko alam pano ko ieexplain si Kath."

Nangilid na ang luha ko at mas binilisan ko pa ang pagmamaneho.

"Bakit?"

I heard him sigh. "Sobrang blangko niya, pare. Pati sila Tita Min hindi makapalag, hindi siya nakikinig. Sasabihin ko pa sana yong sitwasyon mo kung bakit magkasama kayo ni Kai pero 'tol, wala eh. Bakit ba kasi pumayag ka?" Halata sa boses ni Pat ang lungkot, pag-aala at pagkakafrustrate. Kahit naman ako. Pero wala na akong magagawa sa nangyari na.

"Pare, alam niyo namang mahal ko siya diba? Sobrang mahal kk si Kathryn."

"Mamaya na tayo mag-usap. Magingat ka sa pagdadrive. Sana maabutan mo pa. Sana mabago mo pa isip niya." He said and ended the call. Ipinikit ko saglit ang mata ko sa sobrang sakit. Sobrang natatakot ako ngayon pero kailangan ko siyang maabutan. I need to talk to her, to see her, to stop her and to make her stay.

Kulang nalang paliparin ko 'tong kotse ko papunta sa airport. Pagkababa ko, tinawagan ko si Tita Min. Kasi sabi ni Patrick sila raw ang maghahatid kay Kathryn.

Nakahinga ako nang maluwag nang sumagot siya agad. "DJ?!"

"Tita, asan kayo?" Tanong ko habang naglalakad. Agad-agad akong nakapasok kanina dahil sa pagmamakaawa ko at pagtakbo na rin. May nakasunod saking gwardya pero talagang binibilisan ko ang lakad ko patungo sa kung saang parte ng airport yung sinabi ni Patrick na sabi daw ni Trina.

"Tita, malapit na ko. Pasabi naman kay Kath na hintayin ako, please. Tita, please. Kailangan naming mag-usap." Pagmamakaawa ko. Hindi ko na naririnig ang sinasabi niya dahil na rin sa mga taong nadadaan ko. Yung iba tinatawag pa ang pangalan ko anng makilala ako. Pero hindi ko na 'yon inisip. Agad akong tumakbo sa section kung saan konti lang ang tao at mostly mga foreigners ang naroon. International flights.

Hanggang sa nakita ko sila Tita Min.
"Tita!" Agad akong tumakbo at napatingin sila sakin pero si Kathryn ay wala na. Nakita ko siyang papunta na sa eroplano at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"KATH!" Hinawakan ako ni Tita. "Dj..."

"Kathryn!" Lumapit pa ko at lahat sila napapatingin na sakin.

"Bal!" Sigaw ko pa at kita ko kung paano siya napahinto.
"Tangi! Kath! Mag-usap tayo! I'm sorry! Mahal na mahal kita!" I shouted at the top of my lungs. Sunod-sunod ko'ng sabi sakanya.

"Kathryn, please! Mag-usap tayo, Bal!" Hinawakan ako ni Tita Min. "Dj, tama na..."

"Mahal...." Mas dinurog ang puso ko nang makita kong naglakad siyang muli. Naglakad siya palayo sakin. Ni walang lingon, ni walang pagtingin. Naglakad na siya na parang walang pagaalinlangan.

Bakit ba kasi ako napaglaruan nang ganito?

---

"DJ! Ano ba! Tama na 'yan!" Marahas na kinuha ng nanay ko ang bote ng alak na tinutungga ko dito sa kwarto ko.

Ilang araw na ba akong lasing? Pero bakit di pa rin ako namamanhid? Hah. Tinignan ko ang paligid nang kwarto ko. Ang kalat. Ang dilim.

"Ma...siguro magagalit sakin si Kath pag nakita niya 'tong ayos ng ng kwarto ko 'no? Ang kalat eh." Iling ko pa. Kung makita niya siguro no? Kaso wala naman na siya rito. At hindi ko naman siya masisisi.

Narinig ko lang ang pagbuntong hininga niya. "Nadala na raw si Kai sa hospital."
Sinandal ko ang ulo ko sa headboard at pumikit. Puta, sana dati pa.

Weeks before, nakatanggap ako ng tawag. It was Kai's sister. She was begging me to come over dahil magpapakamatay raw si Kai kapag hindi ako pumunta, kapag hindi ko siya pinili.
Ang dami nang panahon na tinurn down ko lahat ng gusto niyang mangyari. All the invites. Even her birthday. Hindi ako pumunta sa birthday niya kaya nagkakaganyan siya. It was crazy. Kaya minsan ri'y paalis-alis ako sa hospital dahil nalalaman ko nalang na pumupunta raw siya. Pupunta raw siya para sakin, and I don't want Kathryn to see it. I don't want her to get hurt because of Kai's actions. Pinipilit ko siyang intindihin at paintinidihin na tantanan niya na kami. And I thought she listened. I thought.

That day nang nasaktan ako sa sinabi ni Kathryn sakin, 'yon ang araw na dinala niya 'ko sa bahay niya. I swear to God, I tried to get out. I was held captive at buti nalang wala siyang ginagawa saking hinding-hindi ko talaga magugustuhan. She got everything planned out. Isa pa, everytime I had the chance na umalis o tumakas, pinagtatangkaan  niyang patayin ang sarili niya. And hell. Hindi ko alam ang gagawin ko nang harap-harapan niyang pinagbabantaan ang sarili niya.

The only reason bat ako nakalabas ay dahil sa Ate niya. She found out what her sister did. She was very sorry and she kept on apologizing. I advised her to take Kai to a hospital. Which she agreed. Umuwi ako sa bahay pagkatapos non, I found out what had happened to Kathryn the past few days and it shatters my whole being. I was so disappointed with myself. I locked myself inside my room trying to think about what I can do. I promised to make it up to her. It was the same day when I found out about what happened to her—okay na siya. And I am the happiest man alive at that moment. But I do not want to just show up there because she is already fine. Ayaw kong maramdaman niyang bumalik lang ako dahil sa wala na siyang sakit.
My mom told me about Kathryn's  thoughts about me leaving her. Ang sakit at sobrang nasasaktan akong naisip niya 'yon. Ang gago ko. I should've just stayed. I should've not left her. Feeling ko ako ang mas nagpapalala ng sakit niya.

Naglasing ako buong gabi at sa sumunod na raw. It was too late when I found out that she was leaving the country. She already knewout about Kai. Kai sent photos to her that I do not know. Hindi ko na alam ang gagawin ko 'non. Hinding-hindi ko na alam.

Ginusto niyang umalis agad at magpakalayo sakin. Sabi nila, ayaw niya na raw akong makita. When she was packing her things, she was too weak to do all of it but she really is persistent and she kept on saying "i hate him."
"Fuck him." "I don't want to see him ever again."

Walang magawa sila Tita Min at Tito Teddy about her decision.  In that moment, hindi siya si Kathryn. Hindi siya yung kilala naming lahat.

And it was all because of me.

Sobrang daming hindi pagkakaintindihan, sobrang daming mali. At kahit na kaunti, umaasa pa rin akong maging maayos muli.

**

TURNING PAGESNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ