absence

1.4K 63 1
                                    

**

5 YEARS AGO...

"MA," I called my mom in a feeble manner. "Where's DJ?" I haven't seen him simula nang magising ako. Kahapon naman, umaga ko lang siya nakita at sabi niyang babalik lang siya agad pero gabi na siya nakabalik at hindi pa nagstay.

"Hindi ko pa alam, Kath." She answered not looking at me. "May inaasikaso yata. Yun ang huling sabi niya sakin. Hayaan mo, baka pumunta na 'yon dito." Tapos na ang lunch time at hindi pa rin ako makapagpahinga ulit. Kung ano-ano na ang ginagawa sakin dahil sobrang lala ko na raw. It makes me weaker. Tapos wala pa siya rito.

I can't help but think na baka napapagod na rin siya sakin. Na baka narealize niyang wala na rin namang patutungunan 'tong relasyon namin dahil mamamatay na rin naman ako. Ang hirap na nitong ipaubaya naman sa hangin. Alam ko, ramdam kong malapit na ang oras ko.

Pero masama bang magdemand na dito nalang siya sa mga huling sandali ko? Gano ba kaimportante yung inaasikaso niya at talagang mas uunahin niya pa 'yon sakin?

Nahihirapan akong huminga sa mga naiisip ko. May iba na kaya siya? Someone who is more beautiful, more deserving of his love? Na kaya siyang bigyan ng future at hindi siya iiwan gaya ko? Narealize niya na bang hindi niya na ko mahal? Did he fell out of love?
Napapikit ako napatingin nalang sa kisame. Dahan-dahan kong tinignan ang sarili ko.

Sobrang payat ko na. Ang putla ng buong katawan ko. Wala na 'tong kabuhay-buhay. Ang huling tingin ko sa salamin pati mukha ko hindi na rin magandang tignan. Ang pangit ko na nga talaga. I wonder kung maganda pa rin ako sa tingin ng mga tagahanga ko at ni DJ. I chuckled when I realized na malamang, hindi na.
My mom said na I am still all over the news. Ang mga fans ko raw ay todo tweet pa rin at nagpapadala ng mga messages sakin and if we have time and I have the courage to read all of those, binabasa sakin nila Mama 'yon. It breaks my heart so much. They're like a family to me. Ang sakit lang na hindi ko na sila masasamahan nang mas matagal pa. I hate myself for being weak and helpless.

"Ma..." I called again. "Next week na 'yong last..."

"Tinitignan pa raw ni Doc kung kaya mo pang mag undergo." Tumingin siya sakin. "Anak," She then sat beside me. My Father is on his way from Nueva Ecija, he will stay here from now on.

"Your body is too weak na raw. It will take a miracle para maging okay ka." She confessed. I was asking her the whole time pero minsan ayaw niyang sabihin sakin. Her voice cracked at kasabay non ang pagsakit ng puso ko.

Seeing your mother break in front of you is like tearing your heart apart a thousand times. "I will always pray, Kath. We will always pray. We will hold on to that little chance, okay, Kath?"

"I love you, Ma. I am sorry you have a sick daughter and you have to go through all of these."

"No... don't say that. I love you so much, Bunso. Kapit lang, ha?"

She kissed the top of my head.

Maya-maya lang ay dumating sila Kuya and also sila Magui. Magui is with Tita Karla and Lelay. Pupunta rin daw sila Athena and Trina mamaya. Andito sila everyday and I know the reason. Kasi baka na rin huling araw ko na 'to kaya sinusulit na nila.

Pero yung isang taong hinahanap-hanap ko hanggang ngayon wala pa.

"Tita Karla, si DJ?" I asked habang naguusap sila ni Kuya.

"Papunta na raw."

Hindi nalang ako nagtanong at nagsalita. I'll just wait for him to come back.

Kung ano-ano nalang ang pinagku-kwentuhan nila habang ako ay pinainom ng gamot kanina dahil sumasakit na naman ang iba't-ibang parte ng katawan ko. There are times na nahihirapan akong magsalita. I am just too tired to function and speak.

Minsan napapaisip nalang ako na sana kunin nalang ako ngayon. Kasi sobrang nakakapagod na. Sobra na rin silang nahihirapan. Why prolong this pain? Pero everytime na nakikita ko si DJ, parang nilalatag ng mga mata niya lahat ng plano namin sa future. Pinapaalala ng bawat haplos niya kung gaano kasaya ang buhay kasama siya.
At pinaparamdam ng bawat halik niya ang pagmamahalan naming dalawa.

Hindi ko pa kaya. Pero mukhang siya bumibigay na unti-unti. And it makes me want to end this. Ayaw ko na ring masaktan ng sobra pag nagtagal at nalaman kong sumuko na siya sakin. Before, it seems so impossible for him to give me up. Pero ngayon, I am so close to giving up.

Bumukas ang pinto at pumasok si DJ. He met my gaze and he smiled at me sadly. I just looked at him and smiled--weakly. May dala siyang bulaklak pero napansin kong parabg stressed siya. Ganto ang ayos niya lagi.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa ulo. "I love you."

Lumipat sila Tita para makapag-usap kami ni DJ. Kaming dalawa lang ang nasa kama ngayon. "San ka galing?" I managed to speak kahit na nahihirapan ako. I forced myself to hold his hand, too kahit na nasasaktan ako. Just a simple contact ay masakit na sakin. Ganon na talaga ako kalala.

"May inayos lang ako, Love. I'm sorry I've been busy lately." Hinalikan niya ang kamay ko. All I can do is stare at him.

Should I set him free? Should I tell him that it is okay now?

"Anong nasa isip mo?" Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Awa nalang ba ang nararamdaman niya sakin ngayon? It pinched my heart.

"DJ, do you still love me? Please be honest." I am on the verge of crying but I do not want to let go of his eyes.

Para siyang nasaktan sa tinanong ko and I can see that his eyes are tearing up.
"Are you doubting my love for you?" Mahina niyang tanong. His voice cracked and seeing his reaction made my heart break.

"I am sorry."

"I can't believe you asked me that."

But he let go of my hand already and started walking away. I can't do anything. That last thing I knew is the faint voices of the people around me asking him to come back.


TWO weeks after, I was trying my hardest to cath my breath, my vision is hazy and I can hear indistinct voices in the background. I was reaching for someone who is not there. His absence is killing me more than the presence of my pain.

"Hold on, Kathryn."

So this is what dying feels like.

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now