unsure

2.2K 109 36
                                    


**

ANG mga sumunod na linggo ay mas  mahirap. Mas masakit. Masakit ay kulang pa kung ilalarawan 'yon. 

Gaya ngayon. 


"Kuya...." Napapikit agad ako nang marinig ko ang biak ng boses niya. Sobrang nasasaktan na siya. Pangatlong chemo therapy niya na kanina at tuluyan na ngang nalagas ang buhok niya sa ulo. Ang sakit no...sabi ng Doktor baka sa susunod na linggo unti-unti na ring maubos ang pilik mata niya. 

"K-kuya..." Si Kuya Kevin ang nasa unahan ko. Nasa likod niya lang ako, nakapikit, hinihintay na matapos ang kung ano mang ginagawa ni Doktora sakanya kasi sumasakit na naman ang ulo niya. Sobrang sakit daw, parang hinahati sa dalawa. 

"Kath...andito lang ako, andito lang ako." Rinig kong sabi ni Kuya Kevin. Nag leave siya sa work niya dahil gusto niya ring mabantayan ang kapatid niya. Gusto niyang andito rin siya, gaya ko. 

"A-ng sakit.." Bumalik ako ng tingin sakanya, medyo malabo dahil sa naiiyak na naman ako. 

Akala ko masakit na yung sariling sakit. Yung ikaw ang nasasaktan. Pero bakit ganon? Bakit mas masakit makita yung pinakamamamahal mong nasasaktan? Tapos ikaw, andiyan lang sa sulok, walang magawa kundi magdasal. 

Bawat aray, bawat iyak niya, ay siya ring paghinga ko ng tulong sa Kanya. Sakin nalang, pwede ba 'yon? Hindi ko na kasi kayang nakikita siyang nasasaktan eh. Sobrang sakit na. 


"Breathe, Kathryn. Breathe." Rinig kong sabi ng Doctor at nakita kong medyo kumakalma na si Kath. Hinalikan ni Kuya Kevin ang noo ng kapatid niya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo ng luha niya. "Matulog ka na muna, Bunso. Mahal na mahal ka ni Kuya." 

Naging madali naman ang pagtulog niya dahil sa inilagay sakanya ng Doktor. Konti lang kaming andito. Ako, si Patrick, Ate Shannen at tsaka si Kuya Kevin. Kaaalis lang nila Tita dahil kailangan niya rin magpahinga. Gusto niya ring makapagpahinga ako. 

Pero sino namang niloko ko? Kahit saan ako magpunta gugustuhin kong bumalik dito. Pagod man yung katawan ko pero sa tabi niya ang pahinga ko. Dito ako nakakahinga. Kahit na dito rin ako nasasaktan at nalulungkot, dito rin ako masaya. Posible pala 'yon... posible. 


Nakaupo lang kami sa tabi niya hanggang sa makatulog siya. 

Sobrang laki ng pinagbago ni Kathryn physically. Sobrang putla niya, sobrang tamlay. 

Nakakatanginang parang wala namang epekto yung chemo pero sinusubukan pa rin namin. 

"DJ," Napaangat ang tingin ko kay Kevin na nakasandal sa headboard at nakahawak ang kamay kay Kathryn. "Samahan mo ko sa labas?" Umayos siya ng upo.

"Bakit?"

"Basta. Shannen, Pat, dito muna kayo? Ayos lang ba?" 

"Oo, Kuya." Sagot ni Patrick. Tumayo kaming pareho at naglakad patungo sa pinto. Binalingan ko muna si Kathryn ng isang tingin bago tuluyang lumabas. 

Lumabas kaming dalawa ni Kuya at lumabas. Nasa may parking lot kami. "Upo tayo doon, oh," Turo niya sa may bench malapit sa exit. Sumunod lang ako sakanya. 

Pagkaupo namin, wala munang nagsasalita. Alam kong alintana namin pareho ang hirap at lungkot. Ilang araw na kaming walang tulog. Ilang araw na. Kasi minsan, umaatake o sumasakit ang ulo ni Kath kahit tulog siya. Hanggang sa binabantayan nalang namin siya. 


"Kaya pa ba?" Tumingin ako sakanya na ngayo'y may hawak ng sigurilyo. "Minsan lang." Natatawa niyang sabi bago ito sindihan. "Ano, kaya pa?" Inabot niya sakin 'yon at napatitig lang ako sa kaha ng sigarilyo. 

TURNING PAGESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon